placeholder image to represent content

FILIPINO 8-FLORANTE AT LAURA

Quiz by DIONISIO AILEEN

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Saan ang kabuuang tagpuan ng akdang binasa na may pamagat na, “Ang Paggunita sa Ama at Pagliligtas ng Morong Gerero sa Binata”? 

    KABUNDUKAN

    KALANGITAN

    KAHARIAN

    KAGUBATAN

    30s
  • Q2

    Paano mo ilalarawan ang tagpuan ng saknong sa ibaba?                                                                                                     Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik

                sa dagok ng lubhang matalas na kalis

              Moro’y di tumugo’t hanggang di nasapit

                ang binubukalan ng maraming tangis

    MAALIWALAS

    MADILIM

    MATINIK

    MAINIT

    30s
  • Q3

    Aling taludtod sa saknong ang naglarawan sa tagpuan?

               Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik

                sa dagok ng lubhang matalas na kalis

               Moro’y di tumugo’t hanggang di nasapit

               ang binubukalan ng maraming tangis

    ang binubukalan ng maraming tangis

    Moro’y di tumugo’t hanggang di nasapit

    sa dagok ng lubhang matalas na kalis

    Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik

    30s
  • Q4

    Anong lugar ang binanggit sa saknong?  

    “Paalam, Albanyang pinamamayanan

    ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan,

    akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay

    sa iyo’y malaki ang panghihinayang!

    Albanya

    reyno

    kaharian

    gubat

    30s
  • Q5

    Ayon sa saknong, saan inalala ang pagkahulog sa kamay ng taksil?

    “Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin

    ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,

    parang nakikita ang iyong narating

    parusang marahas na kalagim-lagim.

    taksil

    kamay

    gunita

    kuro-kuro

    30s
  • Q6

    Anong mahalagang pangyayari sa saknong ang inisip ng binata na nangyari sa kaniyang kasintahan?

    “Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin

    ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,

    parang nakikita ang iyong narating

    parusang marahas na kalagim-lagim.

    Umibig sa kaniyang karibal

    Tumakas at sumama sa kaniyang karibal

    Tuluyan nang napunta ito sa taksil niyang karibal.

    Nagtaksil ito sa kaniya

    30s
  • Q7

    Ano ang tinutukoy sa mahahalagang pangyayaring sinasabing hindi dapat makalimutan sapagkat ito ay maaaring magamit kapag kailangan ang lohikal na kasagutan?

    mga importanteng bagay na nagaganap sa buhay ng isang tao

    ang pagsasalarawan sa kapaligirang ginagalawan ng isang tao

    kahulugan ng mga salita

    lugar at panahong naganap

    30s
  • Q8

    Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa pangyayari na naganap sa buhay ng binata sa pagkawala ng kanyang sinta?

    “Sa abang-aba ko! Diyata, O Laura,

    mamamatay ako’y hindi mo na sinta

    ito ang mapait sa lahat ng dusa;

    sa akin ay sino’ng mag-aalaala?

    kamatayan

    kasaganahan

    katuwaan

    kapighatian

    30s
  • Q9

    Ayon sa mahalagang pangyayari sa saknong, sino ang tinutukoy na ‘di nalao’y nangagumong bangkay?

    Kung ipamilantik ang kanang pamatay

    at saka isalag ang pang-adyang kamay,

    maliliksing leon ay nangalilinlang,

    kaya di nalao’y nangagumong bangkay

    binata

    tigre

    moro

    leon

    30s
  • Q10

    Anong mahalagang pangyayari sa buhay ni Florante ang nabanggit sa saknong sa ibaba?

    Inabutan niya’y ang ganitong hibik:

    “Ay, mapagkandiling amang iniibig!

    bakit ang buhay mo’y naunang napatid,

    ako’y inulila sa gitna ng sakit?

    nagkasakit si Florante sa pagkawala ng kaniyang ama

    tinatawag niya ang kaniyang amang minamahal

    binawian ng buhay ang kaniyang ama

    inabutan ni Florante ang kaniyang amang umiiyak

    30s

Teachers give this quiz to your class