FILIPINO 9 SUMMATIVE TEST (2ndQ)
Quiz by MYLENE RABANO
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
TAGSIBOL
ni: Adelwisa P. Mendoza
Luha’y pumatak
Lupang tigang nagalak
Pag-asa ay sumibol
Ibon ay humalakhak
Ano ang pakahulugan ng pahayag na “Pag-asa ay sumibol” batay sa iyong pagkakaunawa sa paggamit nito sa tulang binasa?
Tumubo ang pag-asa
Nagkalakas ng loob
Nagkaroon ng pangarap
Nagkaroon ng pag-asa
60s - Q2
Anong tayutay ang ginamit sa taludtod na “ang ibon ay humalakhak”?
Pagsasatao
Pagmamalabis
Pagtutulad
Pagwawangis
60s - Q3
Mahalaga ang papel mo sa lipunang iyong kinabibilangan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa paggamit sa pangungusap.
Gawain sa buhay
Tungkuling ginagampanan
Ginagamit bilang sulatan
Karakter sa kuwento
60s - Q4
“Kaya’t huwag mo akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan” wika ng baka. Ano ang damdamin ng nagsasalita batay sa kanyang diyalogo?
Nagtatampo
Nangungutya
Nagagalit
Nagdaramdam
60s - Q5
Ang puso ko ay ______________ at walang pagsidlan ng kaligayahan sa pagdating ng munting anghel sa aming buhay. Anong angkop na salita ang dapat gamitin upang mailahad ang pinakamataas na antas ng damdamin ng nagsasalita?
Natutuwa
Nalulumbay
Nasisiyahan
Nagagalak
60s - Q6
"Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50taon, ang babae sa Taiwan ay tulad ng kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan."
Batay sa binasang pahayag, Anong kultura sa bansang Taiwan ukol sa mga kababaihan ang lutang sa pahayag?
Hindi kinikilala ang mga Karapatan at kakayahan ng mga kababaihan.
Ang mga babae ay tagasunod lamang.
Ang mga babae ay sa bahay lamang.
Walang saysay ang mga babae sa lipunan.
60s - Q7
Anong sistemang panlipunan ang umiiral sa kultura ng mga Taiwanese batay sa isinasaad ng pahayag sa bilang 6?
Matriyalkal
Patriyalkal
Matrimonya
Patrimonya
60s - Q8
_____________ang proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang hamon ng pandemya. Anong panandang pangsang ayon ang wastong gamitin?
Sa aking palagay
Ayon sa
Totoong mahusay
Talagang naniniwala
60s - Q9
Patuloy na bumababa ang bilis ng hawaan ng covid-19 sa rehiyon ng NCR ito ay _______________ Octa Research group nitong nagdaang dalawang lingo batay sa mga nakalap nilang mga datos. Anong pananda ang wastong gamitin upang mabuo ang pahayag?
Ayon sa
Ayon Kay
Sa tingin ko
Para sa
60s - Q10
____________ ang pagbabakuna ay isang mabisang paraan upang makaiwas sa malubhang epekto ng sakit na covid-19. Kaya naman kahapon ay nakapagpabooster shot na ako. Anong pananda ang wastong gamitin upang mabuo ang pahayag?
Sa palagay ko
Sa palagay ng
Ayon kay
Ayos sa
60s - Q11
Dahil hindi makapagpasya ang kuneho kung dapat ba o di dapat kainin ng tigre ang tao _____________ minabuti na lamang niya na bumallik ang mga ito sa pinagmulan ng lahat. Anong angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin?
Dahil sa
Kaya naman
Maaari
Siguro
60s - Q12
Nabago na unti unti ng bansang Taiwan ang kanilang kultura ukol sa mga kababaihan _____________ ay sinikap nilang mabigyan ng Karapatan at kilalanin ang kakayahan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan. Anong angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin?
kaya naman
Dahil sa
Kaya man
Simula noon
60s - Q13
___________ nakasalalay pa rin sa pagsunod ng mga mamamayan ang ikatatagumpay ng anumang programa ng pamahalaan upang mawakasan ang pandemya. Anong angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin?
Simula noon
Sa huli
Maari
Kaya naman
60s - Q14
Huwag na lang kaya akong tumuloy na magtrabaho sa ibang bansa? Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag?
Natatakot
Nagdadalawang - isip
Nag-aalala
Nagdududa
60s - Q15
Napakahusay ng mga naunang kalahok, parang hindi ko sila kayang tapatan. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pahayag?
Kinakabahan
Natatakot
Nahihiya
Nasasabik
60s