placeholder image to represent content

FILIPINO GRADE 10

Quiz by CID Marikina

Grade 10
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measures 16 skills from
Grade 10
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

F10PU-Ie-f-67
F10WG-Ib-c-58
F10PB-IIIa-80
F10PN-Ii-j-68
F10PB-Ib-c-63
F10WG-IIIa-71
F10PB-IIIb-81
F10PB-IIIc-82
F10PT-IIId-e-79
F10WG-IIIf-g-75
F10PB-IVa-b-86
F10PB-IVb-c-87
F10PB-IVd-e-89
F10PB-IVh-i-92
F10WG-IVg-h-81
F10PT-IVi-j-86

Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • view complete results in the Gradebook and Mastery Dashboards
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Piliin sa sumusunod na mga pahayag ang pinakaangkop at tamang paglalarawan sa tiyak na pokus ng pandiwa.

    Ang simuno sa pokus ng pandiwa sa tagaganap o aktor ay siyang tumatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa at ginagamitan ng panlaping -in-.

    Ang simuno sa pokus ng pandiwa sa layon ay binibigyang diin ang paksa sa pangungusap, sumasagot sa tanong na ano.
    Ang simuno sa pokus ng pandiwa sa tagatanggap ay siyang pinaglalaanan ng kilos, sumasagot sa tanong na para kanino at ginagamitan ng ilang panlaping i-, -in- at ipag-.
    Ang simuno sa pokus ng pandiwa sa kagamitan ay ang bagay na ginagamit upang maisakatuparan ang kilos gamit ang panlaping ipang-.
    30s
    F10PU-Ie-f-67
    Edit
    Delete
  • Q2
    Alin sa sumusunod na mga talata ang angkop gamitin upang ipakita ang damdamin o saloobin sa Pagbibigay Solusyon sa COVID-19 at kakikitaan ng tamang gamit ng pokus ng pandiwa?

    Kung ako ang tatanungin ay mapapansin ang kawalan ng kahandaan ng pamahalaan sa pagharap at pagsugpo sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa bansa. Mapapansin na mas marami o tila doble ang bilang ng mga taong nagkakaraon ng pandemya at namatay kumpara sa bilang ng mga gumagaling mula sa sakit na ito. Tila yata kampante ang mga Pilipino na ito’y simpleng trangkaso lamang at mawawala agad sa simpleng pag-inom ng gamot.

    Inaabangan ng mga Pilipino ang mga bakunang binili ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Ang mga gamot na ito ang gagamitin sa pagbabakuna upang unti-unting masugpo ang COVID-19 sa bansa. Ang Pfizer, Sinovac at Astrazeneca ay ilan lamang sa mga gamot na ginamit na pambakuna sa mga mamamayang Pilipino. Kapansin-pansin na malaki ang naitutulong nito sa mabilis na pagsugpo sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa bansa.
    Naglunsad ng proyekto ang pamahalaan kontra COVID-19. Binili ng gobyerno ang mga gamot gaya ng Pfizer, Sinovac at Astrazeneca na gagamitin sa mga Pilipinong nais magpabakuna.
    Ikinatuwa ng mga Pilipino ang balitang may gamot ng binili ang pamahalaan kontra COVID-19 gaya ng Pfizer, Sinovac at Astrazeneca. Maraming Pilipino ang naghihintay sa mga gamot na ito at handing magpabakuna upang maproteksyonan ang sarili sa sakit na dulot nito. Tila handa na ang mga Pilpino magkaisa upang sugpuin ang epidemya sa bansa.
    30s
    F10PU-Ie-f-67
    Edit
    Delete
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang deskripsyon ng pang-ugnay sa pagsasalaysay sa pagpapasimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy o pagwawakas?
    Ginagamit ang salitang una, unang hakbang at sa unang bahagi bilang pagpapasimula. Ginagamit ang salitang sa huli, bilang pangwakas at sa dulo sa pagwawakas ng salaysay.
    Ginagamit ang salitang sa pagsisimula, bilang panimula at sa umpisa bilang panimula ng salaysay samantalang ang salitang habang, sakali at maliban ay sa pagpapatuloy at pagpapadaloy ng salaysay. Sa kawakasan, ginagamit ang salitang sa pagtatapos, bilang konklusyon, at sa dakong huli sa pagsasalaysay.

    Ginagamit ang panunuran o ordinal tulad ng una, ikalawa, ikatlo sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso ng pagsasagawa bilang pagpapadaloy. Kalimitan ding ginagamitan ito ng salitang hakbang na nilalagay sa panunuran.

    Ginagamit ang salitang sa sa unang hakbang, bilang panimula at sa simula bilang pagpapasimula gayong sa pagpapatuloy at pagpapadaloy gumagamit ng salitang sa kalaunan, maya-maya at habang. Sa kawakasan ginagamit ang salitang sa huli, sa pagtatapos o panghuli.
    30s
    F10WG-Ib-c-58
    Edit
    Delete
  • Q4
    Kumpletuhin ang talata sa pamamagitan ng pagpuno ng mga tamang pang-ugnay upang makumpleto ang diwa nito.
    pagsisimula, sa, para, at, tungkol sa
    simula, para, sa, upang, at, ng
    umpisa, sa, at, pati, hinggil sa

    panimula, na, sa, at, ngunit, para sa 

    30s
    F10WG-Ib-c-58
    Edit
    Delete
  • Q5
    Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng pinakatamang pagpapakahulugan tungkol sa akdang patula at elemento nito?
    Ang akdang patula ay nasa anyong pasaknong na maaaring mayroon o walang tiyak na sukat at tugma ngunit may talinhaga
    Ang akdang patula ay isinusulat sa paraang pasaknong na maaaring may tiyak na sukat at tugma.
    Ang akdang patula ay hindi katulad ng akdang pasalaysay na kakikitaa ng tauhan, tagpuan at banghay.

    Ang akdang patula ay nagpapahayag ng malikhain ngunit tuwirang pagpapakita ng emosyon o opinyon ng manunulat.

    30s
    F10PB-IIIa-80
    Edit
    Delete
  • Q6
    Sa ikatlong pangungusap sa unang talata, nais ipahayag ng senador na _______________.
    Mahalaga ang taong iluluklok natin sa puwesto ay nagpapakita ng kahusayan sa bawat bagay na kaniyang ginagawa. Ito ay nangangahulugan na siya’y may sipag, tiyaga at determinasyon. Kung ang akademiko, propesyonal at moral na kahusayan ay isasabuhay niya, asahan natin na ang ating bansa ay mapapabuti dahil sa taglay nitong kahusayan.

    Nangangahulugan na ang taong mahusay sa lahat ng aspekto ng buhay ay nkapag-aambag upang maging susi sa tagumpay ng bansa.

    Nagpapakita lamang ito na ang taong mahusay sa kahit anong aspekto ng buhay ay nangangahulugang puso ang gamit at hindi lamang utak. Mahalaga na iluklok natin ang isang taong alam natin na iisipin ang kapakanan ng bawat isa at hindi ng pansariling interes lamang. Piliin natin ang taong ang kahusayan ay para sa lahat.
    Ang kahusayan ay nagpapatunay ng sipag, tiyaga at determinasyon ng isang tao. Kung ang ihahalalal natin ay mahusay sa kahit anong larangan tiyak na ang magiging bunga nito ay tungo sa ikauunald ng ating bayan.
    30s
    F10PN-Ii-j-68
    Edit
    Delete
  • Q7
    Sa binasang mitolohiya, dahil sa kinikilos ng Psyche sa kaniyang asawa, natutukoy ang kaisipang _____.
    Ang kagandahan ay di nasusukat lamang sa panlabas na kaanyuan.
    Ang kawalan ng kabatiran ay nabubunga ng aksiyong di marangal.
    Ang tiwala ay pundasyon ng matibay na pagsasama.

    Ang pagkakaroon ng masamang ugali ay nagdududlot ng imbing gawi.

    30s
    F10PB-Ib-c-63
    Edit
    Delete
  • Q8
    Maituturing na mahalaga ang pagsasaling wika dahil sa _____.

    sa likas na adaptasyon at panghihiram, napatutunayan mga salitang natural na wala sa atin  dahilan para masabi na mayroon superyor na wika.

    nabuksan ang ugnayan sa pagitan ng tao kung saan mas lumawak at higit na tumibay ang ugnayan sa kabila ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at bansang pinagmulan.
    higit na naunawaan ng tao ang mga saling impormasyon sa mga bago at dati ng mga tuklas at tala na nagdala sa wikang Filipino sa antas akademiko.
    napatunayan ng pagsasalin na bawat wika ay may kani-kaniyang talino at kakayahan na nakaugat sa danas at kamulatan ng taong gumagamit nito.
    30s
    F10WG-IIIa-71
    Edit
    Delete
  • Q9
    Ano ang pinakamalapit na pagsasalin sa wikang Filipino ng winika ni Nelson Mandela na If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you talk to him in his own language, that goes to his heart?

    Kapag nakikipag-usap ka sa tao sa wikang kaniyang nauunawaan, iyon ay pumapasok sa kaniyang puso. Kapag nakikipag-usap ka sa kaniya sa sarili niyang wikang, iyon ay pumapasok sa kaniyang isipan.

    Kung nakikipag-usap ka sa tao sa wikang kaniyang nauunawaan, iyon ay pumapasok sa kaniyang isipan. Kung nakikipag-usap ka sa kaniya sa sarili niyang wikang, iyon ay pumapasok sa kaniyang puso.
    Kung nakikipag-usap ka sa tao sa wikang kaniyang nauunawaan, iyon ay kaniyang nauunawaan. Kung nakikipag-usap ka sa kaniya sa sarili niyang wika, iyon ay kaniyang nararamdaman.
    Kapag nakikipag-usap ka sa tao sa wikang kaniyang nauunawaan, iyon ay kaniyang nauunawaan. Kapag nakikipag-usap ka sa kaniya sa sarili niyang wika, iyon ay kaniyang nararamdaman.
    30s
    F10WG-IIIa-71
    Edit
    Delete
  • Q10
    Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng anekdota?

    Makapagpabatid ng isang magandang pananaw o opinyon na kapupulutan ng aral.

    Kuwentong kawili-wili at nakatutuwang pangyayaring nagpapaliwanag sa paraan ng pag-iisip ng tao.
    Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
    May isang paksang tinatalakay tungkol sa pilosopiya at paraan ng pag-iisip ng tao.
    30s
    F10PB-IIIb-81
    Edit
    Delete
  • Q11
    Base sa binasa, ano sa palagay mo ang pinakaangkop na motibo ng awtor sa pagsusulat ng nasabing anekdota?

    Ipakita ang hindi magandang ugali ng pagbibiro at panunuya na natunghayan sa talumpati ni Mullah Nassreddin.

    Ipakita ang kaniyang layunin na turuang maging mapanuri sa pag-iisip ang mga tagapakinig o mambabasa
    Ipinapakita ang praktikalidad ng buhay na dapat magkaroon ng pagbabago ang tao sa araw-araw na gawain
    Ipakita ang paraan ng pagbibiro ng isang Persyano sa pamamagitan ng anekdota
    30s
    F10PB-IIIb-81
    Edit
    Delete
  • Q12
    Ang matalinhagang pahayag ay _____.

    pagpahahayag ng kaisipan sa paraang tuwiran

    sumasalamin sa kagandahan at pagkamalikhain ng wika
    kasing kahulugan ng tayutay na nangangahulugang misteryo/metapora
    mayroong hindi lantad na kahulugang nais iparating
    30s
    F10PB-IIIc-82
    Edit
    Delete
  • Q13
    Ano ang ibig ipakahulugan ng simbolismo sa linyang Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan?
    Pag-asa ng ina na balang araw ang kaniyang anak ay magiging isang mandirigmang matututong humawak ng panulag na matalim.
    Dadakilain ang anak hanggang sa kaapo-apohan nito kung ito ay magiging mandirigmang may kontribusyon sa lipunan.
    Ipapangalan ang anak sa isang mandirigmang pinuno upnag maging tulad nito’y magdala ng dangal sa pangalan ng kaniyang ama.

    Paniniwalang balang araw ang malilit na kamay ng kaniyang anak ay sasambahin at pag-aalayan sa kanilang tribo sa paniniwalang siya’y milagroso.

    30s
    F10PB-IIIc-82
    Edit
    Delete
  • Q14
    Alin sa mga lupon ng mga salita ang maiuugnay natin sa salitang magilas batay sa pagkakagamit nito sa linyang “Kaya’t magilas na pinutol ni Kasinungalingan ang ulo ni Katotohanan.”?
    magiting, mahusay, matipuno
    mabilis, magaling, matikas
    malakas, mayabang, matulin

    maginoo, malumanay, maanyo

    30s
    F10PT-IIId-e-79
    Edit
    Delete
  • Q15
    Iantas ang sumusunod na mga salita batay sa gamit ng nakadiing salita sa linyang “Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, at ang pagsulyap-sulyap sa akin”.
    pagsilay, pagkita, pagmalas, pagmasid
    pagtanaw, pagsilay, pagmalas, pagbisita

    pagmasid, pagsipat, pagkita, pagsilay

    pagkita, pagsilay, pagmalas, pagmasid
    30s
    F10PT-IIId-e-79
    Edit
    Delete
  • Q16
    Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na deskripsyon ng tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag?

    Ang di-tuwirang pahayag ay tawag sa mga pahayag na mismong ang nagsasalita ang nagsambit samantalang ang tuwirang pahayag ay tawag sa mga pahayag na may ibang taong nagsabi ng sinabi ng nagsasalita.

    Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensya at itinuturing na kapani-paniwala samantalang ang di-tuwirang pahayag ay maaaring gumamit ng mga impormasyong walang batayan.
    Ang tuwirang pahayag ay ginagamitan ng mga panghalip na nasa una o ikalawang panauhan at nilalagyan ng panipi samantalang ang di-tuwirang pahayag ay ginagamitan ng ikatlong panauhan.
    Ang tuwirang pahayag ay direktang pagsisipi sa mga sinabi samantalang ang di-tuwirang pahayag ay muling pagsasalaysay na nasa ikatlong panauhan o perspektibo ng nagsasalita.
    30s
    F10WG-IIIf-g-75
    Edit
    Delete
  • Q17
    Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paglilipat ng tuwirang pahayag tungo sa di tuwirang pahayag sa ibaba.
    Wika ni Mayor Marcy na hinihiling niya sa bawat isa, ang pagtuturo ng kabutihan sa kapwa, pagpapahalaga nang may pananagutan kayo simula sa tahanan, simbahan, at lalo na sa inyong mga paaralan; kung paano nga ba mabuhay bilang isang taga-Marikina, ang mabuhay araw-araw na may mabuting ugali. May pananagutan at paninindigan para sa kapwa nating taga-Marikina.

    Sinabi ni Mayor Marcy na hinihiling ko sa bawat isa, ang pagtuturo ng kabutihan sa kapwa, pagpapahalaga nang may pananagutan ka simula sa tahanan, simbahan, at lalo na sa ating mga paaralan; kung paano nga ba mabuhay bilang isang taga-Marikina, ang mabuhay araw-araw na may mabuting ugali. May pananagutan at paninindigan para sa kapwa ko taga-Marikina.

    Winika ni Mayor Marcy na hinihiling niya sa bawat isa, ang pagtuturo ng kabutihan sa kapwa, pagpapahalaga nang may pananagutan kayo simula sa tahanan, simbahan, at lalo na sa inyong mga paaralan; kung paano nga ba mabuhay bilang isang taga-Marikina, ang mabuhay araw-araw na may mabuting ugali. May pananagutan at paninindigan para sa kapwa nating taga-Marikina.
    Sabi ni Mayor Marcy na hinihiling niya sa bawat isa, ang pagtuturo ng kabutihan sa kapwa, pagpapahalaga nang may pananagutan sila simula sa tahanan, simbahan, at lalo na sa kanilang mga paaralan; kung paano nga ba mabuhay bilang isang taga-Marikina, ang mabuhay araw-araw na may mabuting ugali. May pananagutan at paninindigan para sa kapwa nating taga-Marikina.
    30s
    F10WG-IIIf-g-75
    Edit
    Delete
  • Q18
    Alin sa sumusunod ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng nobelang El Filibusterismo?
    imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Kastila sa kaniyang panahon.

    maisalaysay ang mga pagbabago sa karanasan ng Pilipino mula prekolonyal sa ilalim ng pamamahala ng Kastila hanggang pagdating ng panahon ng Amerikano ng mga Kastila sa panahon ng kanilang pananakop.

    //maipakilala ang iba’t ibang kaugalian ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila.
    multiplem
    maituro ang kahalagahan ng nasyonalismo at patriyotismo na pupukaw sa rebolusyunaryong damdamin ng mga kabataan.
    30s
    F10PB-IVa-b-86
    Edit
    Delete
  • Q19
    Alin sa mga nakatalang pangyayari ang tumutukoy sa mga kondisyon habang sinusulat ang nobelang El Filibusterismo?
    Hindi maipagkakaila ang pag-iral ng korapsyon at pandaraya sa politika.

    Naging mas madali para sa mga manunulat na magsulat sa lokal na akda at wika.

    Laganap ang pang-aapi sa mga manggagawang Pilipino.
    Maraming Pilipino ay nakaranas ng pang-aabuso sa karapatan at sensura.
    30s
    F10PB-IVa-b-86
    Edit
    Delete
  • Q20
    Masasabi mo bang nagaganap pa rin sa kasalukuyang panahon ang pag-iral ng diskriminasyon sa kababaihan?
    Oo, dahil marami pa ring tulad ni sa Kabesang Andang na sa oras na siya’y magpamisa, tiyak na babalik ang gana ng kaniyang anak sa pag-aaral kaya’t ginagamit ang kahinaan niyang ito.
    Oo, dahil may mga taong kayang gumamit ng iba para sa sariling kapakanan tulad ng paggamit kay Pepay upang makuha ang pabor ni Don Costudio na maging kapanalig ng mga kabataan sa panukala sa pagsulong na Akademya ng Wikang Kastila.
    Oo, dahil tulad sa paniniwala ni Hermana Penchang, ang babae ay marunong magdasal kundi ay magkakaroon ng kamalasan ang kaniyang pamilya.

    Oo, dahil tulad sa paniniwala ni Hermana Penchang, ang babae na hindi marunong magdasal ay magkakaroon ng kamalasan sa buhay niya at sa kaniyang pamilya.

    30s
    F10PB-IVa-b-86
    Edit
    Delete

Teachers give this quiz to your class