FILIPINO Majorship 2 - 50 items
Quiz by Salindunong RTC
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamabisang gawaing pangganyak na angkop sa mga mag-aaral ngika-21 siglo sa pagpapatupad ng K to 12?
Upang maitaguyod ang balanseng pagkatuto sa nakatakdang aralin, pinagtatabi ni G. Gaisano nang dalawahan ang mga mag-aaral na mahusay at may kahinaan sa kasanayan. Ayon sa kanya, ang pagkatuto ay higit na nagaganap kung nasusuportahan ng tulong na pagbabahaginan ng kaalaman ng mga kamag-aral. Anong estratehiya sa pagtuturo ng wika ang tinutukoy sa naturang sitwasyon?
Madalas na ginagamit ni Titser Marianas ang :microwave technique” sa pagtuturo ng wika sa mga mag/-aaral sa ikawalong baiting at dinadala sila sa mataas na antas ng pagpapalitan ng pananaw, mga kritikal na pagsusuri at pagpupunahan sa kanilang pinaninidigan at pinangangatwiranan. Anong kasanayang pangwika ang napapaloob dito?
I. Pagsusuri
II. Paglutas ng suliranin
III. Interaksyon
IV. Kritikal na pag-iisip
Ano ang nararapat at naaangkop na gawin ng guro upang matugunan ang pagkakaiba-iba ng istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral?
Ayon sa ilang pag-aaral, ang sinumang sinusuportahan, inaalalayan at binibigyan ng sapat na atensyon sa tahanan para sa panimulang pagbasa ay magiging mahusay sa prosesong ito sa paglipas ng panahon. Ang kahandaang ito ay tumutukoy sa anong salik?
Kung binibigyang diin ang kahalagahan ng mga salik pandamdamin at emosyon batay sa angkop na kaligiran, sapat na kawilihan at positibong saloobin, ito ay nagtataglay ng anong teorya ng pagtuturo ng wika?
Bago magsimula si G. Alfombra sa kanyang klase, madalas kinukondisyn niya muna ang isip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng inihandang pampasiglang gawain upang maibsan ang mga maaaring maging sagabal sa pagkatuto ng mga mag/-aaral. Sa pagkakataong ito, anong salik ang binibigyang diin dito?
Sa kanyang pagtuturo ng wika, inihanay ni Bb. Gemma ang mga pagsasanay at pagsusuri ng mga bagay sa aktwal na buhay at karanasan. Samakatuwid, anong dulog ang isinusulong ni Bb. Gemma?
May mga pagkakataong ninanais ng mga mag-aaral na makihalubilo sa mga taong nabibilang sa ibang kultura na gumagamit ng naturang wikang ibig niyang matutunan. Kung magkagayon, nagpapahiwatig ito ng anong anyo ng panlabas na motibasyong pangwika?
Sa kasalukuyan, mas kinagigiliwanng mga mag-aaral ang klase na ginagamitan ng mga masisiglang gawain at pagsasanay sa wika, maging sa labas ng silid/-aralan. Anong katangian ng mag-aaral ang nagtataglay ng ganitong istilo ng pagkatuto?
Ang mga mag/-aaral na nasa antas kindergarten ay natutukoy na kung alin ang tama o maling pahayag, bagaman hindi nila ito maipaliwanag kung bakit. Samakatuwid, sila ay nasa anong yugto ng pagkatuto ng wika?
Kapag ang mag-aaral aymay kakayahang bigyang interpretasyon ang konseptong napakinggan at nakagagawang isang makabuluhang kahulugan, sinasabing siya ay nagtataglay ng anong kahusayang pangwika?
Matapos mailahad ang layunin para sa naturang aralin, binigyan ni Titser Janiredia ng takdang gawain ang mga mag/-aaral ayon sa kani/-kanilang kakayahan na siyang bubuo ng konsepto ng paksang pinag/-aralan matapos itong maisagawa. Anong dulog sa pagtuturo ng wika ang itinaguyod ni Titser Haniredia?
Upang higit na maging kaganyak/-ganyan at ganap ang pagkatuto sa konstekto at sa gamit ng wika ang mga mag/-aaral batay sa isang lunsarang tekstong pang-ekonomiks. Inimbatahan ni Gng. Ballena ang kanyang kaguro sa Araling Panlipunan upang talakayin sa klase ang patungkol sa bagong panuntunan sa pagpapataw ng buwis habang siya naman ay nakatuon sa gamit ng wika bilang kasanayang lilinangin hinggil dito. Anong dulog ang tinutukoy?
Alin sa sumusunod na salitang pang-agham at teknikal ang walang tuwirang katumbas sa Filipino?
Ayon sa panuntunang panlinggwistika, ang hiram na titik C ay maaaring palitan ng titik K. Alin sa mga sumusunod na halimbawang salita ang nagtataglay ng naturang panuntunan?
Alin sa sumusunod na tunog o letra ang walang katumbas sa Filipino kapag ginamit sa isang salita?
Ilang titik o ponemag “g” mayroon sa pariralang nasa ibaba? “Panggitnang pinggan sa hapag kainan.”
Anong salita ang may pormasyon ng pantig na KKPKK.
Alin sa sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig ng isang salita?
Ang mga sumusunod ay tiyak na tunguhin ng edukasyong bilinggwal bilang isang batas tagubilin, maliban sa isa. Alin ito?
Kapag ang mga mag-aaral ay natututo sa paraang napagninilayan nila ang mga sitwasyng may kaugnayan sa kanilang buhay, anong estilo ang kanilang taglay?
Sa pagtuturo ni G. Mario, naghanda siya ng iba’t ibang gawaing pampagkatuto na naaangkop sa kakayahan at antas ng mga mag-aaral. Samakatuwid, anong simulain ang kanyang pinagtutuunang pansin?
Anong saligan ng komunikatibong pagtuturo ng wika ang tumutukoy sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura ng wikang naayon sa mga tuntunin ng gramatika?
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng salita ang may morpemang inpleksyunal?
Anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon.
Alin sa sumusunod ang hindi uri ng PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT?
Naku! Nakalimutan ko na may sagutan pala sa Quizalize! Ito ay pangungusap na ______.
Pinasyalan ng mag-anak ang Yashano Mall. Ano ang pokus ng pandiwa?
Tumutukoy sa pagtigil ng pagsasalita.
Sino ang may-akda ng Florante at Laura?
TILA uulan mamaya kaya di na ako sasama. Nasa anong uri ng pang-abay ang bahaging may malaking titik?
Tukso,tukso, layuan mo ako! Anong uri ito ng tayutay?
Pitong matatabang pato ang binili niya. Anong uri ng pang-uring pamilang ang PITO?
Ang MABANGIS na LUNGSOD ay sinulat ni ___________.
Alin sa sumusunod ang sagisag-panulat ni JOSE GARCIA VILLA?
Walang anuman po. Ito ay pangungusap na walang paksa na _____.
Ibong Adarna : KORIDO ;; Florante at Laura : ________
Alin sa sumusunod ang pinapakita sa akdang Florante at Laura?
Siya ang gumawa ng batas ngunit siya rin ang lumabag! Anong uri ito ng tayutay?
Popular na itong palabas na aliwan ng mga Americano noon pang 1880 at binubuo ng sari-saring bilang musikal ng mga mang-aawit at mananayaw, komedi, salamangka, sirko, tinuruang hayop, panggagagad, eksena sa teatro, burlesk, at marami pa na nagmula sa iba’t ibang popular na palabas sa Kanluran.
Mahusay mag-basketball si Jun ______ ay panay ang ensayo niya.
Ilang titik binubuo ang ABAKADA?
Isang kasabihan at ekspresyon upang ipahayag ang kawalan ng kabuluhan ng búhay ng isang mahirap.
Tulang tungkol sa kamatayan at kalungkutan.
Alin sa sumusunod ang mahalagang salik ng isang talumpati?
Ang aming ______ sa Muyta ng Kalikasan ay si Lenie!
Alin sa sumusunod ang PARES-MINIMAL?
Akda ni Patricio Mariano na itinanghal sa Teatro Zorilla noong 1921 na tungkol sa isang batang babae na iniligtas ng isang mangingisda at ng kaniyang asawa.
Siya ay nag-alay ng dasal sa libingan ng kanyang kasintahan. Ito ay halimbawa ng tayutay na _____.