placeholder image to represent content

Filipino Part 2

Quiz by Shiela M. Rivera

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    1. Ang pang-abay na _____________ ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap.
    panlunan
    pamanahon
    pamaraan
    30s
  • Q2
    2. Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan. Alin ang pang-abay sa pangungusap?
    sumayaw
    kahapon
    kami
    30s
  • Q3
    3. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw. Alin ang pang-abay sa pangungusap.
    naglalaba
    araw-araw
    Aling Dina
    30s
  • Q4
    4. Ang pang-abay na _______________ ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

    PANLUNAN

    PAMARAAN

    PAMANAHON

    INUULIT

    30s
  • Q5
    5. Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahiwatig ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
    Mali
    Tama
    30s
  • Q6
    Mag-ingat Sa Zika ni Ronnie M. Halos Dumarami ang kaso ng Zika at hindi ito dapat na balewalain ng mamamayan lalo pa ang mga lugar na may maraming lamok. Kung dati dengue lamang ang kinatatakutan ngayon ay itinuturing ng banta sa mamamayan. Ayon sa Department of Health (DOH), 33 na ang Zika cases ngayong taon. Naidagdag sa kaso ang isang buntis mula sa Las Piñas. Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag ika 32 weeks na ang pagbubuntis ng babae. Isasailalim umano ito sa ultrasound upang malaman kung may panganib sa sanggol na dinadala sa pagkakaroon ng Zila virus. Ayon pa kay Tayag na ang babae naman mula sa Cebu ay walang dapat na ipangamba na magkakaroon ng depekto ang isisilang na sanggol. Hindi ito magkakaroon ng microcephaly- isang neurological disorder at brain malformation ng sanggol sa sinapupunan. Kapag isinilang ang sanggol na apektado ng Zika, maliit ang ulo nito. Unang nagkaroon ng kaso ng Zika virus noong 2012, ang isang 15 taong gulang na batang lalake sa Cebu ang nagpositibo nito. Ang Zika katulad ng dengue na dinadala ng lamok na Aedes Aegypti. Magkakahawig din ang sintomas ng Zika virus sa dengue; mataas na lagnat na tumataas ng isang lingo, pagkakaroon ng mga pantal sa katawan, pananakit ng ulo, mapupulang mata at masakit na kasu-kasuan. Paalala ng DOH sa mamamayan na mag-ingat sa Zika virus. Itapon ang mga basyong lalagyan na naiistakan ng tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok. Huwag magsampay ng mga damit sa madidilim na bahagi ng bahay. Huwag bigyan ng pagkakataon na dumami ang mga lamok na nagdadala ng Zika virus. Huwag ipagwalang bahala ang mga lamok na nangingitlog sa loob ng bahay. Maaaring magdudulot ito ng kamatayan sa miyembro ng pamilya. Iligtas natin ang pamilya at kaanak sa nakamamatay na kagat ng lamok. Mula sa: Pilipino Star Ngayon, pahina 4, ni Ronnie M. Halos ISSN No. 0016-3027, Taon XXXI, Blg.24 6. Anong uri ng lamok ang nagdadala ng Zika Virus?
    Aides Aegyti
    Aedes Aegypti
    30s
  • Q7
    7. Kailan unang nagkaroon ng sakit na Zika Virus sa ating bansa?
    2015
    2012
    2013
    30s
  • Q8
    8. Bakit itinuturing na banta sa mamamayan ang sakit na Zika Virus?
    Dahil makati ito sa buong katawan.
    Wala lang
    Dahil magdudulot ito ng kamatayan sa miyembro ng pamilya.
    30s
  • Q9
    9. Ano ang pamagat ng binasang editoryal
    Mag-ingat Sa Zika
    Mag-ingat Tayo sa Zika
    Mag-ingat Sila
    30s
  • Q10
    10. Ikaw, bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong upang masugpo ang prolema sa Zika virus.
    Hayaang nakabukas ang mga lalagyan ng tubig sa paligid.
    Magsampay sa madilim na lugar ng bahay.
    Itatapon ang mga basyong lalagyan ng iniistakang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.
    30s

Teachers give this quiz to your class