placeholder image to represent content

Filipino Part 3 (Quarter 3)

Quiz by Shiela M. Rivera

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Magpalipad tayo ng Saranggola Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni Niko na maglaro ang kakambal na si Noli. Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga saranggola. Makukulay ang mga saranggola ng kambal. Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang lipad ng saranggola ni Niko. Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang nakatingin kay Niko. “Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang saranggola.” sabi ni Niko. Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si Noli. “Salamat, Niko,” wika niya. “Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang gawain kung nagtutulungan,” sabi niya. ________1. Saan pumunta ang mga bata?
    sa labas
    sa paaralan
    sa simbahan
    30s
  • Q2
    2. Ano ang gusto nilang gawin?
    maglaro
    magbasa
    maglaba
    30s
  • Q3
    3. Anong panahon kaya magandang magpalipad ng saranggola?
    maaraw
    mahangin
    maulan
    30s
  • Q4
    4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng tamang pagpapalipad ng saranggola si Noli?
    Nasira ang hawak na saranggola ni Niko.
    Hindi mapalipad ni Nilo ang saranggola niya.
    Walang sariling saranggola si Niko.
    30s
  • Q5
    5. Anong uri ng kapatid si Niko?
    magalang
    matulungin
    masipag
    30s
  • Q6
    Isulat sa patlang ang titik ng angkop na pamagat sa bawat bilang. _______6. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
    Ang Pilipino: Likas na Malikhain
    Mga Pagkaing Pinoy
    Ang Kababayan: Paglilok at Pagpinta
    30s
  • Q7
    7. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
    Ang Kawanihan ng Senso
    Ehekutibong Sangay
    Ang Kawanihan ng Rentas Internas
    30s
  • Q8
    8. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalung-lalo na sa mga araw ng pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santakrusan. Kahit na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.
    Reyna Elena
    Si Melchora Aquino
    Santakrusan
    30s
  • Q9
    9. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang lahat ng bagay ay matutunan natin sa aklat.
    Kahalagahan ng Aklat
    Ang Pagbabasa
    Kahalagahan ng Pagsulat
    30s
  • Q10
    10. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng lahat ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga bata. Ang pagpunta nila sa kanilang mga naninong at ninang ay kinagigiliwan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos.
    Ang Regalo
    Sina Ninong at NInang
    Ang Kapaskuhan
    30s

Teachers give this quiz to your class