FILIPINO Q4 GR 4 QUARTERLY TEST
Quiz by CID Marikina
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Alin sa mga larawan na ito ang tamang nakakasunod sa panutong ito?
“Bakatin ang iyong kaliwang kamay sa loob ng kahon.”
30s - Q2
Anong tamang panuto na dapat sundin kung ikaw ay inutusan na pumunta sa Sto. Nino Gym mula sa bahay ni Lily?
Paglabas ng bahay, dumiretso ng lakad, papunta saTindahan ni Aling Flor. Pagdating sa kanto, lumiko sa kanan at sa kaliwa sa Jasmin St. Diretso lamang ang lakad hanggang sa madaanan ang Sto. Nino Gym.
Paglabas ng bahay, lumiko sa kaliwa, sa Adelfa St. Pagdating sa kanto, lumiko sa kanan, sa Jasmin St. Diretso lamang ang lakad hanggang sa madatnan ang Sto. Nino Gym.
Paglabas ng bahay, dumiretso nang lakad.
Paglabas ng bahay, lumiko sa kanan atsa kaliwa sa Adelfa St. Pagdating sa kanto, lumiko sa kaliwa at sa kanan sa Jasmin St. Diretso lamang ang lakad hanggang sa madatnan ang Sto. Nino Gym.
30s - Q3
Mula sa dalawang larawan, ano ang pagkakapareho nila?
Parehong nakapagbibigay ng sustansya ang nasa patalastas
Parehong inumin ang tema nang nasa patalastas
Parehong nakapagbibigay ng lakas ng katawan ang nasa patalastas
Parehong nakaaaliw ang nasa patalastas
30s - Q4
Mula sa dalawang larawan na nasa itaas, ano ang pagkakaiba nila?
Ang Coke ay isang inuming nakabibigay ng lakas samantalang ang Guinness ay nakapagsasaya.
Ang Coke ay isang inuming nakapagpapasaya samantalang ang Guinness ay nakabibigay ng lakas.
Ang Coke at Guiness ay nakapagbibigay ng lakas at saya.
Ang Coke at Guiness ay maaaring inumin ng bata at matatanda.
30s - Q5
Ano-anong uri ngmga pangungusap ang ginamit sa pagpapakilala ng produkto na nasa pangungusap na nasa ibaba.
“Gusto n’yo ba maging luntian ang paligid? May ubo, may sugat, o ano pa mang sakit, may kasagutan dyan. Halaman for sale online. Lahat ng klase ng halaman, may iba’t ibang kulay, at amoy mayroon dito. Halamang gamot, pansabit, nakapaso, sa lupa, panlabas, panloob ng bahay, pampaganda ng paligid at iba pa, ay mahahanap dito. Kayang-kaya ng bulsa, murana sariwa pa!”
Pasalaysay, Pautos, Padamdam
Padamdam, Pautos, Patanong
Patanong, Pasalaysay, Padamdam
Pasalaysay, Patanong, Pautos
30s - Q6
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang naghihkayat sa mga mamimili na bumili ng kanilang produkto?
“Teka ka lang! Isa hanggang dalawang araw lang i-poproseso ang order mo. Cash on deliver matatanggap mo na. May libre pang 60mL. 70٪ alcohol saan ka pa! Dito na.
“Syempre kailangan isulat mo ang mga pangganyak na mga salita para magustuhan ang iyong mga paninda. Aba natural!”
Halamang gamot, pansabit, nakapaso, sa lupa, panlabas, panloob ng bahay, pampaganda ng paligid at iba pa, ay mahahanap dito. Kayang-kaya ng bulsa, mura na sariwa pa!”
Gaganda ang iyong paligid, may sariwang hangin ka pangmalalanghap. Ano pa ang hinihintay mo? Bilisan! Marami nang umuorder.”
30s - Q7
Basahin ang talata at tukuyin kung tungkol saanito.
“Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay gingawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulong din siya sa gawaing bahay kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.”
Ang takdang aralin ni Leslie
Ang magagandang ugali ni Leslie.
Ang paglalaro ni Leslie
Ang pag- aaral ni Leslie
30s - Q8
Ang salitang ito ay isang mixture ng mga gas na binubuo ng 78% na nitroheno, 1% ng argon, 20.96% ng oksiheno, at humigit-kumulang 0.04% ng gas ng asidong karboniko.
Apoy
Tubig
Hangin
Lupa
30s - Q9
Naglalaba ka ng mga damit mo at kailangan mo ng sabong panlaba. Nakita mo ang ate mo na mas malapit sa pinaglalagyan ng sabong panlaba. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
“Ate, kunin mo nga ang sabong panlaba!”
“Ate, pwede mo bang kunin ang sabong panlaba?”
“Ate, total, malapit ka naman sa sabong panlaba, beke nemen.”
“Ate, maaari po bang iabot sa akin ang sabong panlaba?”
30s - Q10
1. Nakita mo ang iyong nanay na naglulutong ulam. Upang malaman mo kung ano ito, ano ang angkop na pangungusap angmaaari mong gamitin sa maaari mong sasabihin?
Pangungusap na Patanong
Pangungusap na Pasalaysay
Pangungusap na Pautos
Pangungusap na Padamdam
30s - Q11
Ito ay bahagi ng pagbuo ng balangkas kung saan isinasaad ang kabuoang diwa ng kuwento o tekstong iyong nabasa.
Pamagat ng Kuwento
Diwa ng Teksto
Sumusuportang Detalye
Pangunahing Diwa
30s - Q12
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang sagot mula sa tanong na ito?
“Magandang umaga po Mayor, balita po namin na marami raw po ang mga dumarayong turista sa inyo?”
Jennica, pakikuha na ang lapel mo at nagdadatingan na ang mga tao.
Maraming salamat sa pagpunta ninyo rito. Sige, kumain kayo mamaya riyan sa mga magbubukas na restawran.
Wow! Talaga po. Abangan natin mamaya ang pagdating ng mga tao rito sa lugar na ito.
Oo! Tama ka Jennica, dahil itong kahabaan ng Lilac St. sa Marikina Heights ay maraming nagtayo ng mga kainan. Iba’t ibang putahe ang mayroon dito. Masaya rito lalo na sa gabi.
30s - Q13
Ano ang angkop na sagot mula sa tanong na ito?
“Anak, kumusta ang pagsagot mo sa iyong mga modyul?”
“Ayos naman po nanay, may kahirapan lamang po ngunit nauunawaan ko naman po.”
“Ayos naman Nay, kahit mahirap.”
“Nako po, Inay, sobrang hirap ako sa pagsagot. Meron pa na hindi maintindihan. Kainis naman po.”
“Ano ba naman pong tanong yan, Nay, syempre, ako pa.”
30s - Q14
Mula sa larawang ito, ano ang isinisimbolo ng buwaya?
Kaawa-awa ang baboy na nasa mesa
Taong abusado, mapagsamantala, gahaman.
Gutom na gutom na buwaya
Isang hayop na nakatira sa ilog
30s - Q15
Ito ay tawag sa manuskrito ng gagawin ng isang announcer o taga pagbalita sa isang programang panradyo/teleradyo ito man ay berbal o di-berbal na kilos.
Teleradyo
Infomercial o Patalastas
Radio Broadcasting
Iskrip
30s