
Filipino Qtr1- ST2
Quiz by Noriza D. Farinas
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong- Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy. Ang Iloilo ay isa sa mga yamang ipinagmamalaki ng Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito.
Anong lalawigan ang inilalarawan ng teksto?
Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?
Bahagi ng talata na pangungusap na nagbibigay ng huling detalye, buod ng talata o maaaring nagbibigay ng opinyon sa paksa ng talata.
Ito ay salaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao mula sa kaniyang kapanganakan hanggang sa kasalukuyan, o hanggang sa kaniyang kamatayan
Ito ay ang elemento ng tula na ang mga salita ay nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula
Ito ay uri ng tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o sintunog, freeverse poetry ang tawag nito sa Ingles.
Ito ay ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, nagagalit, nagdaramdam, nagdadalamhati, naglalahad at natutuwa.