placeholder image to represent content

Filipino-6-1st-Periodical (Unang Markahan)

Quiz by CID Marikina

Grade 6
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

            Araw ng Sabado. Panahon ng pamamalengke ni Aling Flor at ng

    kaniyang mapilit na anak na si Belen. Maaga sila sa palengke. Wala pa ang mga pulis na nagbabantay sa pasukan kaya nagtuloy-tuloy ang mag-ina sa looban ng palengke. Sa loob ng palengke, nagtataka sila kung bakit walang gaanong tao kumpara sa mga nakaraang Sabado. Iginala ni aling Flor ang kaniyang paningin. Kumpleto naman ang mga tindero at tindera sa bahaging iyon ng tindahan ng karne maliban sa suki ni aling Flor na tindero ng karneng baboy. Hindi nagkaroon ng lakas ng loob na

    magtanong ni Aling Flor sa mga tindero at tinderang naroon. Subalit naging maagap ang kaniyang pandinig habang mahigpit ang

    pagkakahawak niya sa kaliwang kamay ni Belen. 

         “Labing apat silang positibo!”

         “Ganun ba?”

         “Nakakatakot!”

         “Oo nga. Kaya dapat isang metro ang layo

    natin sa isa’t isa, mahirap na.”

         Ilan sa mga usapang nahagip ng pandinig ni Aling Flor. Nanindig ang

    kaniyang balahibo. Alam na alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga

    usapang iyon. Dali-dali siyang umalis sa bahaging iyon ng palengke na hila- hila si Belen. Naisip niya, delikado, kasama pa naman niya ang kaniyang anak. Nagdalawang-isip siya kung itutuloy pa ang pamamalengke o uuwi na lamang. 

         “Nay, ang sarap ng towge oh. Paborito namin ni Tatay,” wika ni Belen. Dahil sa sinabi ng anak, nagpasya si Aling Flor na ituloy ang

    pamamalengke. Naisip niya, malalagpasan nila ito at walang mangyayari sa kanila kung pananatilihin nila ang isang metrong layo sa sinomang tao. 

         “Anak, ‘wag kang lalapit at magpapalapit sa ibang tao ha. Kailangan

    isang metro ang layo mo sa kanila. Alam mo na,” paliwanag ng ina.

        “Opo, ‘Nay,” maikling sagot ni Belen. 

         “Oh, yung mask mo lagyan mo ng panyo sa loob para safe.”

         “Ikaw din po ‘Nay, heto ang ekstrang panyo oh.” Magkasabay na naglagay ng panyo sa loob ng mask ang mag-ina. 

         “Oh, bilisan natin ang pamamalengke ha. Tandaan

     

    Sino ang nagwika nito “Kailangan isang metro ang layo mo sa kanila. Alam mo na.”?

    Aling Flor at Belen

    Mga tindera at tindera sa palengke

    Aling Flor
    Suki at Aling Flor
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q2

    Alin ang tinutukoy ng pamagat na “Isang Metro”?

    Diyalogo sa akda
    Distansiya ng tao sa isa’t isa
    Social/physical distancing

    Pamagat ng akda

    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q3

    Anong panahon kaya nangyari ang mga pangyayari sa akda?

    Panahon ng Hapon

    Panahon ng pandemiya
    Panahong kritikal ang kalagayan
    Panahong may sakit na kinatatakutan
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q4

    Sino ang sumulat ng Akda?

    G. C. Alburo
    Galcoso C. Alburo at Belen
    G. C. Alburo at Aling Flor

    Wala sa mga binanggit

    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q5

    Bakit wala ang suki ni Aling Flor sa palengke?

    Nagkasakit
    Nagpositibo sa sakit na Covid-19
    Nagpositibo sa sakit

    Nanganak ito nang wala sa oras.

    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q6

    Bakit biglang hinabol ng pulis ang mag-ina?

    May napansin ang pulis sa itsura ni Belen

    Kahina-hinala ang mga ikinikilos nila

    Mukhang minor de-edad si Belen
    Mukhang minor de-edad si Belen at hinanapan ng quarantine pass.
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q7

    Paano umiwas ang mag-ina upang di mahawa ng sakit sa palengke?

    Bumili sila ang towge bilang panlaban sa sakit.

    Nilagyan nila ng panyo ang kanilang facemask at pinanatili ang isang metrong distansiya sa mga tao.
    Naglagay sila ng panyo sa kanilang mga facemask.
    Nagsuot sila ng facemask.
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q8

    Samantala, noong Enero 2013 ay isinamnpa ng Pilipinas ang kaso kasunod ng tensyon sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough Shoal noong Abril 2012. 

         Simula nang maisampa ang kasong arbitrasyon, ang Tsina ay nagsagawa ng malawakang proyektong reklamasyon upang gawing artipisyal na isla ang lugar para mapaglagyan ng mga estruktura ng kanilang mga sundalo at ibang pang mga kagamitan. 

         Ang mga ginawang aktibidad sa reklamasyon ng Tsina ay nagdulot ng pangamba sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia partikular na ang bansang Vietnam na kabilang din sa nag-aangkin sa ilang bahagi ng South China Sea. 

    Pilipinas, Wagi sa Kasong Arbitrasyon Kaugnay sa South China Sea

    Salin sa Filipino ni G.C. Alburo

    hango sa balita ni Matikas Santos ng Inquirer.Net Hulyo 12, 2016

    Bakit nagsagawa ang Tsina ng malawakang proyektong reklamasyon upang gawing artipisyal na isa ang lugar para lagyan ng mga estruktura?

    Dahil sa nagsampa ang Pilipinas ng kasong arbitrasyon.

    Nagpaparami sila ng gawang proyektong reklamasyon.

    Dahil sa may kaso ito kontra sa Pilipinas.
    Dahil sa kasong arbitrasyon at proyekotng reklamasyon.
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q9

    Paano nakaapekto sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia partikular na sa bansang Vietnam ang mga ginawa ng Tsina na mga aktibidad sa reklamasyon?

    Nagdulot ng kasiyahan at pangamba

    Nagdulot ng kasiyahan

    Nagdulot ng pangamba
    Nagdulot ng pangamba at pag-aalala
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q10

    “Ate, ate, ilang taon na po ____? Maaari ___ po ba kayong mainterbyu? Narito po ang limang _____ na sasagutin _____.” Punan ng pangngalan o/at panghalip ang mga patlang.

    Ikaw, ka, bagay, ko

    Kaya, ka, tanong, ninyo
    Ninyo, kayo, tanong, namin
    Kayo, ko, tanong, ninyo
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q11

    “ ____ po! Pabili nga po ng sabon. Magkano po ang isang putol ng Jajax? Ay teka, may pamalit po ba ____ sa isang libo? Pasensiya na po _____ wala ____ mas maliit na bill.” Punan ng wastong pangngalan o/at panghalip ang mga patlang.

    Hello, kayo, kayo, ako
    Tao, kayo, kayo, akong

    Hi, nito, sila, silang

    Tao, kami, ako, sila
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q12

    “Naku! Sorry po Manang. Pasensiya na at naapakan ____ sa paa. Di ____ po sinasadya. Tulungan ko na po _____ na punasan ang iyong _____.” Punan ng wastong pangngalan o/at panghalip ang mga patlang.

    kayo, naman, sila, talampakan

    sila, ko, kayo, paa
    namin, ko, siya, mukha
    kita, ko, kayo, paa
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q13

    Unang pasok si Rizza sa aklatan ng paaralan. “Maam, manghihiram po sana ___ ng dalawang _____. May dapat po ba _____ pirmahan? Pasensiya na po _____, bago lang po ako dito.” Punan ng wastong pangngalan o/at panghalip ang mga patlang.

    Siya, aklat, akong, kayo
    Ako, libro, akong, kayo

    Amin, karit, siyang, kami

    Kami, magasin, silang, ikaw
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q14

    “Ano ba? Nangungulit ka na naman. Kailan mo ba ako titigilan? Maawa ka naman,” ang sabi ni Pagong. Alin sa sumusunod ang pinakakahulugan ng pahayag ni Pagong?

    Naiinis, nakukulitan, nagmamakaawa
    Nagtatanong, nakukulitan, nagmamakaawa

    Masaya, nagtataka, nagpapasika

    Maligaya, nagtataka, nagmamakaawa
    30s
    F6EP-Ib-d-6
  • Q15

    “Hindi mapakali si Adeng Pusa. Naghahanap siya ng salamin. Gustong-gusto na niyang makita ang sarili matapos siyang matapunan ng sabaw ng Sinigang sa Bayabas.” Alin ang pinakakahulugan ng ikinikilos ni Adeng Pusa?

    Atat na atat na umuwi at maligo

    Hindi mapakali
    Hindi mapakali hanggat di nakikita ang kaniyang itsura
    Hindi mapakali dahil sa nararamdaman
    30s
    F6EP-Ib-d-6

Teachers give this quiz to your class