Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Alin sa sumusunod ang mga tamang pokus ng pandiwa?
“_________ ni Marlon ang dust pan sa mga nagkalat na dumi ng aso. Pagkaraan ay __________ naman ni Yeng ang walis sa kapatid para lagyan ng buhangin ang pinagdakutan ng dumi. Pagkatapos nito ay _________ na sina Yeng at Marlon.” Punan ng wastong mga salita ayon sa angkop na pokus ng pandiwa ang bawat patlang.
Alin sa sumusunod ang masasabing pinakaangkop na pagsusuri sa binasa?

“Ay! Naalala ko pala, siya ang aming guro sa pananaliksik sa nakaraang taon. Ay! Wag ka, magaling ‘yan. Ay! Naku! Maniwala ka sa akin.” Alin sa sumusunod ang pinakaangko nap una sa paggamit ng ekspresyon sa pahayag kaungay sa paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin?
“________ araw, sa bahay ampunan sa QC, may isang batang kinakabog ang dibdib. Sa araw na ito kasi darating ang kukupkop sa kaniya. Dalawang oras ang nakalipas sa _______ dumating din ang kaniyang pinakahihintay. _______ lamang siya nakadama ng kakaibang damdamin. Unang tingin pa lamang niya sa mga kukupkop sa kaniya ay magaan na agad ang kaniyang pakiramdam. ______ na tagpo ay makikitang yakap-yakap na siya ng mag-asawa.” Punan ng wastong mga pang-ugnay sa pagsasalaysay ang bawat patlang.
Pamilyar ka ba sa mga isyung pandaigdig? Alin sa sumusunod ang tumatalakay sa isa sa mga isyung pandaigdig?
“______ sa DepED, sa buwan ng Nobyembre ay magsisimula na ang full face to face na pag-aaral ng mga estudyante. ___________ akin, magandang pagkilos ito pero dapat handa ang lahat. _______ ko kasi, malabong matupad ang isang metrong distansiya sa loob ng mga paaralan dahil sa medyo may kaliitang sukat ng mga kuwarto.” Punan ng wastong mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw ang bawat patlang.
“Ipinatawag ni Indarapatra ang kaniyang kapatid na si Sulayman, isang kawal na kapwa niya maayos ang tindig, walang kinatatakutan at mahiwaga. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, “Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo.”Alin sa sumusunod ang pinakawastong paghihinuha sa katangian ni Indarapatra?
“Nang magbinata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain siPanga-iwan, ang kaaway ng kaniyang ama, sa nayon ng Daligdigan.Subalit ang sumagot sa kaniyang hamon ay hindi si Pangaiwan. Anghumarap sa kaniya ay ang mabangis na anak nito, si Dinoyagan nabihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.” Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na interpretasyon sa suliraning kinakaharap ng tauhan?
“______ araw, tanghali na nang magising si Clark. Mahuhuli na siya sa kaniyang klase. Nagmadali siyang kumilos upang makarating sa paaralan. _____ makapasok siya sa klase, natuwa siya dahil umabot siya sa unang asignatura. Saglit lamang ang kaniyang pagkatuwa. Napansin niyang natahimik ang buong klase. Nakatingin silang lahat sa kaniya. Maling klase pala ang kaniyang pinasukan. Agad na nagsori sa buong klase at mabilis na umalis ng silid. ______, kalahating minuto, nakarating siya sa kaniyang klase.” Punan ang bawat patlang ng wastong mga salita na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.