Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
22 questions
Show answers
  • Q1

    Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala) sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

    dahil nakatutulong ito upang higit na maunawaan ang mga araling tinatalakay sa klase 

    dahil nagsisilbi itong pantulong sa mga nais iparating sa mga kausap

    dahil nakatutulong ito upang maging mas mabisa ang pakikipagtalastasan

    dahil nagsisilbing gabay ito upang magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan

    30s
  • Q2

    Alin sa sumusunod na mga pahayag ang mali tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng suprasegemental?

    Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na tono, diin, at antala dahil hinahadlangan nito ang mabisang pakikipagtalastasan.

    Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na hinto o antala dahil sa saglit na paghinto ng mga pahayag upang higit na maging malinaw ito

    Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na tono dahil tinutukoy nito ang pagtaas at pagbaba ng pagbigkas na nagpapaiba sa kahulugan ng mga salita.

    Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na diin at haba dahil nabibigyang-diin ng nagsasalita ang pantig dahilan para magbago ang kahulugan nito

    30s
  • Q3

    Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng pinakawastong paghahambing tungkol sa katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan?

    Higit na tintatangkilik ng mga Filipino ang tugmang de gulong na nakikita sa mga pampublikong sasakyan kaysa sa mga awiting panudyo at palaisipan na gimagamit bilang pampalipas oras lamang.

    Higit na madaling isulat ang palaisipan kaysa sa awiting panudyo at tugmang de gulong

    Ang awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan ay pare-parehong may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga Filipino.

    Ang awiting panudyo at tugmang de gulong ay nasa anyong patula samantalang anyong pasalaysay naman ang palaisipan.

    30s
  • Q4

    Tukuyin sa mga pangungusap ang wastong pahayag kaugnay sa paghahambing ng katangian ng ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.

    Mas nakatutulong ang layunin ng tugmang de gulong na magbigay ng mga paalala o babala sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan kaysa sa layunin ng awiting panudyo at palasipan na pampalipas oras lamang. 

    Ang awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan ay kapwa may layuning manudyo o mang-asar na pumupuna sa isang isyung panlipunan.

    Mas laganap pa rin sa kasalukuyan ang mga awiting panudyo kaysa mga tugmang de gulong at palaisipan.

    Ang awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan ay kapwa bahagi ng kaalamang-bayan na sumasalamin sa lahi at pagkataong Filipino.

    30s
  • Q5

    Hindi maunawaan ng lola kung saan nahagilap ng apo ang mga balitang sinasabi nito sa kaniya. Alin sa sumusunod na mga salita ang kasingkahulugan ng salitang nahagilap?

    nakuha o napulot

    mabagsik at nakatatakot

    inalis o tinaggal

    Nakamasid o nakatingin

    30s
  • Q6

    Tila yumayapos na ang takipsilim sa buhay ng mga matatanda? Alin sa sumusunod na mga salita ang kasalungat ng salitang yumayapos?

    binubuksan

    umiiwas

    bumibitiw

    yumayakap

    30s
  • Q7

    Alin sa sumusunod na mga akda ang halimbawa ng tugmang de gulong?

    Batang makulit, palaging sumusitsit, sa amay mapipitpit.

    Barya lang po sa umaga.

    Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. 

    Isang pinggan, abot bayan.

    30s
  • Q8

    Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang palaisipan?

    God knows Hudas Not Pay

    Huwag dumekwatro sapagkat dyip ko’y ‘di mo kwarto. 

    Kotseng kakalog-kalog, sindihan ng posporo, sa ilog ilubog.

    Paano mo ilalagay o isusuot ang sinulid sa butas ng karayom sa likod ng iyong batok? 

    30s
  • Q9

    Alin sa sumususunod ang naglalarawan sa katangian ng isang alamat?

    isang sanaysay na tumatalakay sa isang napapanahong paksa

    isang kuwentong-bayan na maikli lamang at kapupulutan ng aral

    isang kuwento ng karanasang nagyayari sa totoong buhay

     isang salaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay

    30s
  • Q10

    Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tama tungkol sa mga tauhan ng isang mito?

    Ang mga tauhang may pambihirang lakas ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.

    Ang mga tauhang may kinalaman sa diyos, diyosa, at diwata ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.

    Ang mga tauhang hayop ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.

    Ang mga tauhang may kakaibang kapangyarihan ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.

    30s
  • Q11

    Basahin ang talata. Punan ng angkop na pahayag sa panimula, gitna, at wakas ang talata.

    _________ nagsimula ang online class, marami na sa mga magulang ang may negatibong pagtingin tungkol sa new normal na paraan ng pag-aaral. __________ ang mga suliraning kinakaharap ng mga magulang lalo na sa usaping pananalapi dahil na rin sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Samantala, ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagpatupad ng iba’t ibang pamamaraan upang matugunan ang mga suliraning ito. Kasabay nito ay ang pagkilos at pagtulong ng mga lokal na pamahalaan upang makasabay ang kahit pangkaraniwang mamamayan at hindi mapag-iwanan sa kanilang pag-aaral. __________, makikita mula sa mga datos na nakatugon naman ang DepEd sa mga inaasahang programa upang maipagpatuloy pa rin ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

    Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?

    Noong, Kasunod, Sa huli

    Mula noon, Walang ano-ano, Pagkatapos

    Noong una, Samantala, Wakas

    Una, Ikalawa, Ikaltlo

    30s
  • Q12

    Basahin ang talata. Punan ng angkop na pahayag sa panimula, gitna, at wakas ang talata. 

     _________ ay may isang magandang dalagang nakatira sa bayan ng Ibalon. Siya ay walang iba kundi si Daragang Magayon. __________ ang kagandahang taglay ng dalaga ay nakabighani sa maraming mga binate mula sa iba’t ibang tribo. Bagama’t maraming binata ang nagkagusto sa kaniya ay nahulog ang kaniyang loob sa matapang na binatang si Panganoron. __________ sa basbas ng ama ni Daragang Magayon ay nagpasiya ang magkasintahang magpakasal.

    Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?

    Isang araw, Mula pa noon, Sa huli

    Noon, Kasunod, Huli

    Noong una, Noong ikalawa, Noong huli

    Una, Ikalawa, Ikatlo 

    30s
  • Q13

    Basahin ang teksto. Sagutin ang kaugnay na tanong tungkol dito.

    Ang unang pag-iyak at pagluha ng bagong silang na sanggol ay isang malaking bahagi ng kaniyang buhay. Ikinatutuwa ito ng mga taong nakasaksi ng kaniyang pagsilang sapagkat ito’y nagpapakitang buhay ang bata. Habang lumalaki ang sanggol at wala pang kakayahang magsalita, ito ang nagagamit niya upang maipaabot sa kaniyang mga tagapag-alaga ang iba’t iba niyang pangangailangan. Katunayan, tinatayang ang isang sanggol ay karaniwang umiiyak mula isa hanggang tatlong oras sa maghapon para sa layuning ito.

    Sa paglaki ng sanggol, ang dalas ng pag-iyak o pagluha ay nababawasan subalit ayon sa pag-aaral, ang mga babae ay mas madalas lumuha kaysa mga lalaki. Dagdag pa sa mga natuklasan ng mga pag-aaral ang tatlong pangunahing dahilan ng pagluha. Una, ang pagluhang dala ng emosyong maaaring lungkot, galit, tuwa, at iba pa. Ang ikalawa at ikatlo ay maikakategorya sa uring lacrimal na nakatutulong upang malinis ang mata at higit na makakita nang malinaw. Kabilang dito ang uring “basal” na nagpapanatiling basa sa mata upang hindi ito manuyo at reflex o luhang sadyang dumadaloy kapag may bagay na nakairita sa mga mata tulad ng sibuyas at usok. Kaya naman, marapat na ituring ang pag-iyak ng sanggol bilang isang mahalagang paraan upang sila ay higit na maunawaan, mahalin, at alagaan.

    Kung ibubuod ang binasang teksto sa pamamagitan ng pangunahin at pantulong kaisipan, alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na buod?

    Malaking bahagi sa buhay ng isang bagong silang na sanggol ang kaniyang unang pag-iyak o pagluha. Hudyat ito ng ng kaniyang pagkabuhay. Isa rin itong paraan ng kaniyang komunikasyon sa mga tagapag-alaga upang iparating ang kaniyang mga pangangailangan.

    Isang mahalagang paraan ang pag-iyak o pagluha ng isang sanggol upang sila ay higit na maunawaan, mahalin, at alagaan. Patunay rito ang isa hanggang tatlong oras na pag-iyak sa maghapon. Dagdag pa rito ang mga layunin kung bakit umiiyak ang isang sanggol.

    Ang madalas na pag-iyak o pagluha ng isang sanggol ay isang paraan upang ipaalam ang kaniyang emosyon gaya ng lungkot, saya, galit at iba pa. Higit ring lumuluha ang mga babae kaysa mga lalaki. Dahilan upang sila ay lalong maunawaan at mapangalagaan.

    Ang unang pag-iyak ng isang bagong silang na sanggol ay mahalaga upang maipakitang siya ay buhay. Layunin nitong malinis ang mata at makakita nang mas malinaw. Sa ganitong paraan, napananatiling malusog ang mga mata at nailalayo sa anomang bagay na makairita rito. 

    120s
  • Q14

    Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagbubuod ng isang teksto?

    Tukuyin ang pangunahin at pantulong na kaisipan.

    Unawain ang nilalaman nito.

    Itala ang mga mahahalagang detalye at pagsama-samahin ang mga magkakaugnay na ideyang nabuo.

    Basahin/ panoorin/ pakinggan ang teksto.

    120s
  • Q15

    Basahin ang buod ng pelikulang, Heneral Luna.

    Sagutin ang mga kaugnay na tanong tungkol dito.Heneral Luna (Buod ng Pelikula)Noong 1898, sa probinsya ng Bulacan – si Pangulo Emilio Aguinalo, kasama si Apolinario Mabini at ang kanyang kabinet ay nagdedebate sa isyu ng mga Amerikano sa Pilipinas. Sina Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay sumusoporta sa mungkahi ng mga Amerikano, habang si Heneral Luna at Heneral Jose Alejandrino ay gusto lamang ang kalayaan ng Pilipinas. Sinigurado ni Aguinaldo sa kabinet na nangako ang mga Amerikano tutulong sila sa kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Espanyol. Kaso, ang mga Amerikano ay nanghimasok sa mga bayan ng Manila, na nagpapahiwatig ng posibleng digmaan laban sa mga Pilipino.

    Si Luna at and kaniyang pinagkakatiwalaang mga sundalo – Heneral Alejandrino, Koronel Francisco “Paco” Roman, Kapitan Eduardo Rusca, Kapitan Jose Bernal, at si Koronel Manuel Bernal – ay sumakay sa bapor laban sa paghimasok ng mga puwersa ng Estados Unidos. Nagtipon ng hukbo si Luna ng 4,000 na kawal sa pamamagitan ng pagpahayag ng kaniyang nais sa “Artikulong Una,” na naglalahad na kung sino ang tatanggi sa mga kaniyang utos ay pupugutin ang ulo na walang pagsubok sa hukuman. Tinatag niya ito dahil sa ‘di pagsunod ni Kapitan Pedro Janolino sa utos ni Heneral Luna na dagdagan pa ang armas dahil hindi galing sa pangulo ang utos noong panahon ng giyera laban sa Amerikano.

    Habang nagaganap ang digmaan, sina Buencamino at Paterno ay nagpapahiwatig ng kanilang pagsuporta sa isang panukala sa pamamagitan ng Amerikano para sa pagsasarili ng Pilipinas. Galit na galit si Heneral Luna dahil dito, inutusan niya arestuhin sila. Pinahina ni Heneral Tomas Mascardo ang kampanya ni Heneral Luna dahil susundin lang niya ang mga utos ng Pangulo. Patuloy na sumulong ang mga Amerikano. Binisita ni Henral Luna sina Aguinaldo at Mabini para takasan ang kanilang pagbibitiw, kahit na sila Buencamino at Paterno ay pinalaya na. Si Aguinaldo ay tumatangging tanggapin ang kaniyang pagbibitiw, ngunit sumang-ayon siya na magtatag ng isang punong himpilan para sa sandatahang lakas sa hilaga.

    Maya-maya, si Luna ay ipinatawag ng Pangulo sa Cabanatuan. Si Heneral Luna ay pumunta sa Cabanatuan kasama sina Roman at Rusca. Pagdating niya, nadiskubre ni Luna na nakaalis na si Aguinaldo at ang natitira na lamang ay si Buencamino. Habang sila ay nag-uusap, may isang barilan na narinig sa labas. Inimbestigahan ni Heneral Luna at natagpuan niya si Kapitan Janolino at ang kaniyang mga tauhang patay. Si Heneral Luna ay ibinaril at sinaksak nang paulit- ulit hanggang sa mamatay. Si Rusca ay nasugatan at sumuko sa mga sundalo ng Kawit. Karamihan sa mga opisyal ni Luna ay naaresto, habang ang ilan ay namatay, kasama na ang magkapatid na Bernal.

    Iniutos ni Aguinaldo na ilibing nang may buong karangalan sina Heneral Luna at Roman sa pamamagitan ng pagpatay ng mga Kawit batalyon – ‘yung mga tauhan na pumatay sa kanila. Si Mabini, na kabilang sa mga nagluluksa, napansin ang isang madugong palataw sa isa sa mga sundalo; gayunpaman, ang Kawit batalyon ay pinawalang-sala mula noon.

    Si Aguinaldo ay tumatanggi sa kaniyang paglahok sa pagpatay; Kinikilalan niya si Antonio Luna bilang kaniyang pinakamakinang at pinaka may kakayahan sa pangkalahatan. Si MacArthur at si Otis ay kinikilala si Luna bilang isang kaaway, at tinatawanan ang katotohanan na ang mga Pilipino ang pumatay sa kanilang tanging tunay na heneral.

    Batay sa taglay na elemento at katangian ng tesktong binasa, anong uri ng panitikan ito nabibilang?

    dulang pantahanan

    dulang pantanghalan

    dulang panlansangan

    dulang pantelebisyon

    300s

Teachers give this quiz to your class