Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakaangkop na konsepto at kahulugan ng pag-unlad?

    D.  Pagtaas ng antas na nakapagtatapos ng pag-aaral.

    C.  Pagsulong ng industriyalisasyon ng bansa.

    A.  Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay

    B.  Pag-angat ng kalidad ng buhay ng tao.

    60s
  • Q2

    Bawat mamamayan ay may gampanin sa pagtamo ng pambansang Kaunlaran.  Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang HINDI kabilang?

    D.  Pagbabayad nang tamang buwis sa takdang panahon.

    A.  Aktibong pakikilahok sa eleksiyon.

    C.  Aktibong pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaan.

    B.  Pagbili at pagtangkilik sa produktong dayuhan.

    60s
  • Q3

    Bukod sa dayuhang mamumuhunan, may iba pangsalik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Alin samga sumusunod ang HINDI kabilang?

    B. Yamang Tao                    

    D.  Produktong banyaga

    C.  Kapital 

    A. Yamang Likas            

    60s
  • Q4

    Ano ang masamang dulot sa ekonomiya kung patuloy ang pagdami ng mga taong may CoVid-19 sa bansa?

    A.  Maraming tulong ang maipamamahagi sa mamamayan.

    D.   Ang bawat tao ay magdadamayan at magtutulungan.

    C.  Malaking pondo ng gobyerno ang ilalaan sa pagbili ng bakuna.  

    B.  Maraming negosyo ang magsasara at maaaring bumagsak ang ekonomiya.

    60s
  • Q5

    Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pambansang kaunlaran?

    D.  Mag-aral nang mabuti at suportahan ang mga programa ng pamahalaan.

    B.  Maging masaya sa piling ng mga kaibigan, at gawin ang ninanais.

    C.  Pumirmi sa bahay at magpahinga.

    A.  Sumali sa mga aktibista upang maipahayag ang iyong mga karapatan.

    60s
  • Q6

    Aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan ay mahalaga upang maisulong ang mga layunin at pangangailangan ng mga Pilipino at ito ay mga gawain ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.  Anong gampanin ito?

    A.  Makabansa     

    D.  Maalam

    B.  Maabilidad   

    C.  Mapanagutan      

    60s
  • Q7

    Mula sa Balita…” Simula sa darating na Lunes, Marso 15, 2021, ipatutupad na ang unified curfew hours sa Metro Manila mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga”.  Ano ang nilalaman ng balita?

    B.  pandemya                    

    A.  curfew hours      

    C.  Metro Manila  

     D.  LUZON

    60s
  • Q8

    Mula sa Balita…” tuloy-tuloy ang pagpapaigting ng disiplina sa mga residente kasabay ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19. “We must remind the discipline sa mga tao. Naka one-year na tayo at parang nagkaroon na ng fatigue ang mga tao sa ating ini-implement. Sa curfew na binigay sa NCR, ang ibig sabihin nito seryoso ang pamahalaan para sa proper implementation ng minimum health protocols,” dagdag pa ng MMC chairperson.  Anong gampanin ng sama-samang pagkilos ang inilalarawan ng balita?

    C.   Maalam       

    B.   Maabilidad  

    D.   Maliksi

    A.  Mapanagutan   

    60s
  • Q9

    Dapat nating tangkilikin ang produktong Pilipino upang umunlad ang ating bansa. Anong gampanin ng isang mamamayang Pilipino ang isinasaad sa pahayag?

    B. Makabansa          

    D. Maabilidad

    A. Maalam 

    C. Mapanagutan 

    60s
  • Q10

    Tamang pagpili sa mga kandidato na may malalim na malasakit sa bansa sa isyung pangkaunlaran. Anong gampanin ang ipinapakita ng isang mamamayang Pilipino?

    B.  Maabilidad                 

    A.  Maalam      

    C.  Mapanagutan      

    D.   Makabansa

    60s
  • Q11

    Ang Sektor ng ___________ ay agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

    B.  Industriya                       

    C.  Komersyo           

    D.  Agrikultura

     

    A. Serbisyo

    60s
  • Q12

    Ang ____________ ay karaniwang produkto na matatagpuan sa sektor ng agrikultura

    A.  Primarya 

    B.  Sekundarya         

    C.  Tersiyaryo         

    D.  Terminal

    60s
  • Q13

    Ang mga sumusunod ay nabibilang sa sektor ng agrikultura MALIBAN sa__________.

    A. Pangingisda               

    D. Paghahayupan

    C.  Pagmimina       

    B.  Paghahalaman          

    60s
  • Q14

    Mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapaunlad at pangangalaga sa sektor ng agrikultura dahil sa mga sumusunod na kadahilanan MALIBAN sa ______________.

    C.  Pinagmumulan ng hanapbuhay o empleyo

    A.  Pinagkukunan ng salaping panlabas

    B.  Pinagmumulan ng commodity okalakal

    D.  Nagsisilbing pamilihan ng mga produkto sa sektor ng Industriya

    60s
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng sektor ng agrikultura?

    B.  Nangangalaga sa pagpapalitan ng kalakal at serbisyo sa loob at labas ng bansa.

    D.   Nagsusuplay ng pagkain at mga hilaw na sangkap sa sambahayan at industriya.

    C.  Namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na sangkap patungo sa produksyon.

    A.  Lumilikha ng serbisyo sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

    60s

Teachers give this quiz to your class