
G10-SECOND QUARTER SUMMATIVE TEST
Quiz by RIA E. SANCHEZ
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalawng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon.
Terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahoksa usaping panlipunan, politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internetbilang midyum ng pagpapahayag.
Paglipat ng gawain ng isang kumpanyatungo sa ibang kompanya na ang pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upangmapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.
Ito ang tawag sa taong kumokunsumo ngisang produkto o serbisyo maging ito man ay bagay o ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya.
Tulong ng pamahalaan na ipinagkakaloob samga mamamayan ng lipunan sa anyong pinansyal at serbisyo.
Matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan dahil sa mahahalagang gampanin sa lipunan.
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Isang kasunduan ng ma bansa sa Europa na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat bansa upang ang nakapagtapos ng kurso sa bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.
Aklat na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa pagbagsak ng mga mahihirap na bansa at ang mga maaaring gawing hakbang upang mabigyan ito ng solusyon. Ito ay isinulat noong taong 2007 ng isang ekonomista na si Paul Collier.
Maraming naidulot ang globalisasyon sa paggawa, ang mga sumusunod ay patunay nito, piliin ang mga magkakasunod:
1. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na mag-presyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal;
2. Demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard;
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa;
4. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan:
Isa sa hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago ng workplace ng mga manggagawa na kung saan binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
Ang mga ekonomista ay nagbigay ng kanya-kanyang konsepto at perspektibo ukol sa Globalisasyon. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na naglalarawan sa nabanggit na isyung panlipunan?
Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Dahil sa Globalisyon nagkaroon ng malayang kalakalan na kung saan tinanggal ng mga bansa ang taripa, kota, mga krayterya para sa mga inaangkat na produkto at iba pang hadlang. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng sistemang ito?
Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa, ano ito?Â
Ang mga maggagawang Pilipino ay nahaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita sa naturang pahayag?
Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kanilang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang pagglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa ng bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
Isa sa mga kinakaharap na isyung paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng Sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
Dahil sa kalakalan, malayang nakakapasok ang mga imported na mga produkto sa ating bansa at makikita itong naibebenta sa ating lokal na pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakitang negatibong epekto ng pagpasok ng mga imported na mga produktong agrikultural?
Alin sa mga sumusunod ang mabisang gawin ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataon na mapaunlad ang kasanayang bokasyonal ng mga tao sa kanyang nasasakupan?
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng migrasyon?Â
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Pilipino ang gustong magtungo at manirahan sa ibang bansa partikular sa Estados Unidos?
Naobserbahan ni Ailyn naunti-unting nahuhumaling ang anak na si Dara sa K-POP, mula sa pagsasalita, pananamit, hanggang sa musika at mga panoorin o K-Novela. Alin sa sumusunod ang maaring gawin ni Ailyn para lumaki si Dara sa kulturang Pinoy?
Matapos makaipon sa pagtatrabaho sa Kuwait, nagdesisyon si Willy na magtayo ng Negosyo sa Pilipinas. Naisip niya ang isang maliit na bakery sa harapan ng kanilang bahay. Sa sitwasyong ito, paano siya nakatutulong sa paglutas sa hamon ng Globalisasyon?
Mahalaga ang maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
Tukuyin ang Anyo ng Globalisasyon:
ASEAN usapang Pangkapayapaan
Tukuyin ang Anyo ng Globalisasyon:
Panunuod ng mga Korean tele nobela
Tukuyin ang Anyo ng Globalisasyon:
JICA Project ng Japan
Tukuyin ang Anyo ng Globalisasyon:
Pagpataw ng Taripa
Tukuyin ang Anyo ng Globalisasyon:
Military Assistance ng US