
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN at GAMIT NG WIKA SA MAKABAGONG TEKNO
Quiz by Riza Santos
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Pasalita: pag-uutos, paghihikayat, pakikiusap
pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag
Paggamit ng pormularyong panglipunan, “ikaw at ako”
Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.
pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
"Magandang Umaga, Sarah" Ano ang gamit ng wika sa lipunan ng pangungusap na ito?
"Anim ang patay sa isang banggaan sa baryo ng San Agustin, dito sa Cebu City,tinatayang mabilis ang pagpapatakbo ng drayber kung kaya't ito ay sumalpok sa isang sasakyan na mabilis din ang takbo. naguulat mula dito sa Cebu, Riza Santos." Ano ang ipinakitang gamit ng wika sa sitwasyon na ito?
"Bawal ang tumawid, nakamamatay." Ano ang gamit ng wika sa lipunan ang ipinakita sa sitwasyong ito?
"Pabili nga po ng 1 kilong asukal Aling Puring... samahan nyo na rin po ng 3 sardinas." Ano ang gamit ng wika sa lipunan ng nasabing pahayag?
"Para sa akin, mas maipapahayag natin ang ating saloobin sa mas maraming tao kung tayo ay gagamit ng social media," Ano ang gamit ng wika sa lipunan sa pahayag na ito?
Ito ay isang online news at social networking service kung saan ang gumagamit ay nagpo-post at nakikipag-ugnayan gamit ang mga mensaheng tinatawag na “tweet” na binubuo lamang ng hanggang 140 karakter/letra.
Ito ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba’t ibang plataporma ng social networking,
Ito ay isang uri ng social media o social networking site na kung saan ang mga magkakilala ay maaaring mag-post ng mga larawan, damdamin, magkomento, at iba pang uri ng pakikipagkomunikasyon
Ito ay dating kilala bilang Musical.ly. Ito ay isa sa mga aplikasyon sa social media na napakabilis ang paglaki. Ang aplikasyon na ito ay madaling gamitin at nagbibigay-daan sa mga gumagamit upang lumikha ng masaya at nakatutuwang mga video sa isang pagkakataon lamang.
Ito ay parehong isang messaging platform at isang social network. Ang mga gumagamit ay maaaring “makipag-chat” sa kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng mga larawan, mga maikling video hanggang sa 10 segundo ang haba.
Ito ay isa sa pinakamalaking search engine na ginagamit ng marami ngayon. Ito ang nagmimistulang kalipunan ng mga impormasyong nais mong malaman.
Ito ay isang website o aplikasyon na kung saan ang mga tao o sinoman ay maaaring mag-like, share, at comment sa mga sari-saring videos.
Ito nilalaman ng mga sites kung saan pwede kang mag-post ng mga nais mong sabihin o magbigay ng opinyon patungkol sa napapanahong isyu o kung ano-ano pa
"Uy Pare! Long time no see. Kamusta ka na? " Ano ang gamit ng wika sa lipunan ng pahayag na ito?
"Anu-ano ang mga kailangan para sa mga first time voters upang makapagparehistro?" Ano ang gamit ng wika sa lipunan ayon sa pahayag na ito?Â