
Gawain 5: Ito ang gagawin ko.
Quiz by Ry Irallam
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Si Josie ay 18 taong gulang, nag-anunsiyo ang Commission on Election sa deadline ng pagpapatala ng mga bagong botante para makaboto sa darating na halalan.
2. Nakatapos ng high school si Claire. May kakayahang pinansiyal ang kanyang magulang na siya ay makapagpatuloy sa kolehiyo para pag-aralan ang kursong nais niya.
3. Doctor ang tatay ni Hazel, humahanga siya maging sa kasamahang duktor ng kanyang tatay, ito rin ang nais nyang maging pagdating ng araw.
4. Naiilang si Liza sa kanilang opisina sa tuwing gagamit ng CR, maaari kasing gumamit ang kahit sino sa alin mang CR sa kanilang opisina.
5. Nalalapit na ang panganganak ni Gng. Santos. Nais niyang may kitain pa rin sa dalawang buwan niyang pagliban sa trabaho dahil sa panganganak.
6. Nais ni Stasigh, isang Indiana na kumawala sa mapang-abusong si Kanwar, kanyang asawa at isa ring Indiano.
7. Kinakapos na ang kinikita ni Mang Jose para sa kanyang pamilya, malaki ang pagnanais ni Aling Nita na makatulong sa gastusin lalo’t marunong siyang manahi.
8. Naging pangulo ng Pilipinas sina Cory Aquino at Gloria Arroyo, at ngayon ay ang Kalihim ng Edukasyon na si Ms. Leonor Briones.
9. Inaabot ng 12 ng gabi sa pagtatrabaho si Maryann, gayong ang oras ng trabaho niya ay 8:00AM-5:00PM lamang.
10. Maraming kababaihan ang nakakaranas ng pisikal at verbal na pang-aabuso mula sa asawang lalaki, isa na dito si Cora. Nais niya itong matigil at maidulog sa tamang ahensiya.