GMRC 4_Q2_SY 2024-2025
Quiz by Manelyn Jimenez
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ano ang pinakamainam na gawin upang ipakita ang tiwala sa sarili habang sumasali sa programang pampaaralan?
Manood na lang ng ibang kalahok
Iwasan ang mga aktibidad ng paaralan
Huwag makipag-usap sa mga guro o magulang
Sumali at ibigay ang iyong pinakamahusay na kakayahan
30s - Q2
Ano ang maaaring maging resulta ng aktibong pakikilahok sa mga programang pampaaralan?
Pagtaas ng tiwala sa sarili
Pag-iwas sa bagong kaalaman
Pagiging mahiyain sa harap ng tao
Pagiging tamad sa pag-aaral
30s - Q3
Ano ang dapat mong gawin kapag nakakaramdam ka ng kaba bago magtanghal sa programang pampaaralan?
Tumigil sa paglahok
Itago ang iyong kaba at hindi sumali
Humingi ng suporta sa pamilya at mga guro
Iwasan ang pakikilahok sa susunod na pagkakataon
30s - Q4
Bakit mahalaga ang paggabay ng pamilya sa pagpapaunlad ng talento at hilig ng isang bata?
Para mapilitang gawin ang gusto ng pamilya
Para magkaroon ng tiwala sa sarili at mapalakas ang loob
Para hindi siya mahirapan mag-isa
Para makapagpasikat sa mga kaklase
30s - Q5
Paano nakapagpapalakas ng tiwala sa sarili ang pagsuporta ng pamilya sa iyong mga hilig?
Pinipilit ka nilang gawin ang lahat ng aktibidad
Sila ang gumagawa ng iyong mga proyekto
Naiipakita mo ang iyong kakayahan at talento nang may kumpiyansa
Iniiwasan mo ang pagsali sa mga aktibidad dahil kinakabahan ka
30s - Q6
Ano ang tamang gawin kung may bagong hilig o kakayahan kang nais subukan?
Sabihin sa magulang at humingi ng gabay sa pagsasanay
Subukan ito nang walang sinasabi sa kahit sino
Iwasan ito dahil baka hindi mo magustuhan
Huwag pansinin at manatili na lang sa mga nakasanayan
30s - Q7
Ano ang dapat gawin upang masigurong may kalidad ang bawat gawain sa tahanan?
Iwanan na lang kung mahirap itong tapusin
Planuhin nang mabuti at sundan ang tamang proseso
Pabilisin ang gawain nang walang pagsasaalang-alang sa resulta
Hintayin na lamang na matapos ito ng ibang miyembro ng pamilya
30s - Q8
Paano makatutulong ang pamilya sa paggawa ng mas mabuting desisyon sa mga gawain sa bahay?
Gawin na lang ang lahat ng trabaho para sa iyo
Hayaan kang magdesisyon nang walang tulong
Sabihin na huwag mo nang gawin ang mga mahihirap na Gawain
Magbigay ng payo at suporta para matapos ng maayos ang mga Gawain
30s - Q9
Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa mga gawain sa bahay?
Para matapos agad ang lahat ng Gawain
Para mas mapalapit ang bawat miyembro ng pamilya
Para hindi na kailangan pang tumulong
Para makaiwas sa mga gawaing mahirap
30s - Q10
Paano mo maisasagawa ang pagiging matiyaga kapag may ipinasang gawain ang isang kapamilya?
Tapusin agad kahit hindi maayos
Iwanan na lang kapag mahirap ang mga gawain
Gawin ng may pasensya at alamin kung paano ito mapapabuti
Hintayin ang iba na gumawa ng mas Madali ang pagtapos ng gawain
30s - Q11
Kapag binigyan ka ng mungkahi ng iyong kapatid tungkol sa iyong gawain, ano ang dapat mong gawin?
Ipagwalang-bahala ang mungkahi
Isuko ang gawain dahil sa mungkahi
Tanggapin ito at subukang pagbutihin ang ginagawa
Magalit dahil kinikritiko at pinapansin lahat ng ginagawa mo
30s - Q12
Paano mo maipapakita ang kalidad sa paggawa ng mga proyekto o takdang aralin sa bahay?
Gawin ito nang mabilis kahit hindi maayos ang pagkakasulat
Tapusin ito nang maayos, sundin ang mga alituntunin at tiyaking tama ang mga detalye
Kopyahin na lang mula sa ibang kaklase
Isangtabi ang proyekto at gawin na lang kapag may oras
30s - Q13
Ano ang isa sa mga aral na natutunan mo sa pamilya tungkol sa maayos na pakikipag-usap?
Makinig nang mabuti kapag may nagsasalita
Huwag nang makinig sa sinasabi ng iba
Sumigaw kapag hindi ka naiintindihan
Iwasan ang pakikipag-usap sa iba
30s - Q14
Bakit mahalaga ang natutunan mong aral mula sa pamilya tungkol sa pakikinig nang mabuti kapag may kausap?
Para mas maintindihan ang damdamin ng ibang tao
Para makapag-react agad sa sinasabi ng iba
Para makapagbigay ng sariling opinyon nang hindi muna nakikinig
Para hindi magustuhan ng iba ang iyong pakikinig
30s - Q15
Paano makatutulong ang maayos na pakikipag-usap sa mga miyembro ng pamilya sa iyong relasyon sa iba?
Nakakatulong ito para magkaroon ng mas mabuting pagkakaunawaan
Nagiging dahilan ito ng madalas na hindi pagkakasunduan
Mas nagiging mahirap ang pakikipag-usap sa mga kaibigan
Hindi ito mahalaga sa pakikipagkaibigan
30s