
GMRC 8
Quiz by Marny Bulac
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang maaaring mangyari kung hindi maayos na mapamahalaan ang mga emosyon tulad ng kalungkutan at pagkagalit?
Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang paggawa ng pagkakasala kapag ikaw ay nagagalit?
Paano mo magagamit ang katatagan o fortitude bilang paraan upang epektibong malutas ang mga suliranin kaugnay sa matinding pagkamuhi, kalungkutan, takot, at galit? Sa pamamagitan nito ay:
Ano ang mga estratehiya na maaari mong gamitin kapag may hindi ka gusto sa isang tao upang maipamalas ang angkop na pagkilos?
Paano mababago ang iyong palagay tungkol sa problema batay sa mga paraan ng pagpapakita ng matibay na relasyon sa pagitan ng lider at tagasunod?
Paano mo maiaangkop ang iyong suporta bilang kaibigan kung kailangan ng iyong kaibigan ng dagdag na pagsisikap para makakuha ng mataas na marka?
Paano mo maikakategorya ang mga katangian ng mapanagutang pamumuno ng isang lider?
Paano mo maikakategorya ang mga benepisyo ng pakikipagkaibigan sa pag-unlad ng iyong pagkatao?
Bakit madalas nagkakamali ang tao kapag galit,anong impormasyon ang kailangan upang maipaliwanag ito?
Bakit mahalagang mapamahalaan ang emosyon sa pamamagitan ng mga birtud? Ito ay…
Paano mo maipapahayag sa iba ang mga hakbang na gagawin mo upang mapanatili ang pagpapakita ng angkop na pagkilos?
Ano ang ipinapakita ng tao kapag siya ay nagmamalasakit, tumutulong, nakikiramay, at nakikiisa sa bayanihan, at paano ito maipapahayag sa ibang paraan?
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan, batay sa kanilang mga reaksyon sa isang kaibigang kinakantyawan ang kaklase na may kapansanan?
Bakit mas maraming tao ang kuntento sa pagiging tagasunod?
Ano ang mga salik na nakakahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
Ano ang mga hakbang na maaari mong gawin bilang kaibigan kapag nakita mong may kasuntukan ang iyong kaibigan sa kabilang klase, at saan mo maaaring makuha ang impormasyon upang mas mahusay na maipaliwanag ang iyong mga aksyon?
Nawala ang pera ni Edgar sa loob kanyang bag. Alam niyang si Ronie lamang ang maaring kumuha nito dahil siya lang ang nakakaalam na may pera sa bag niya. Paano niya ito komprontahin na hindi magagalit sa kanya?
Paano mo maipapakita ang mga ebidensya ng malasakit, pagtulong, pakikiramay, at pakikiisa sa bayanihan?