placeholder image to represent content

GMRC5

Quiz by Mercy Paglinawan

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
9 questions
Show answers
  • Q1

    Sa anong paraan makatutulong ang pagpapahayag ng mga opinyon at saloobin upang makamit ang mas makabubuting ugnayan sa loob ng pamilya? Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang makakatulong upang masolusyunan ang hamon sa komunikasyon sa pamilya?                

    Nakakasira ito ng samahan sa pamilya dahil maaaring magdulot ito ng alitan at hindi pagkakaunawaan. 

    Nakakatulong ito sa pansariling layunin. 

    Hindi ito nakakatulong o nakakasama sa ugnayan sa pamilya. 

    Pinapalakas nito ang komunikasyon sa pamilya at nagbibigay-daan sa pag-unawa ng bawat isa. 

    30s
  • Q2

    Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng mga katotohanang makakatulong sa pagsasaayos ng isang problema maliban sa isa. Alin sa mga sitwasyon ang hindi nagsasaad ng pagiging totoo na maaaring makapagpalala ng isang problema?                                              A. B.C. D.

    May malasakit sa mga gawain sa pabrika ang binata, nakatingin man o hindi ang kaniyang amo sa oras ng trabaho. 

    Si mag-aaral Y ay tumakbo sa pagkapangulo sa Supreme Elementary Learning Government (SELG) ng kanyang paaralan. Sa araw ng halalan ay may nakita siyang nakakalat na balota na gagamitin sa botohan. Kaagad niyang ibinalik ang mga ito sa gurong taga-pangasiwa.  

    Nakalimutan ng bata na gawin ang kaniyang takdang aralin. Nang tawagin siya ng kaniyang guro, sinabi niyang naiwan ito sa kanilang bahay.  

    Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Agad mo itong sinabi sa iyong Nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang proyekto. 

    30s
  • Q3

    Ang isang komunidad ay naapektuhan ng malalakas na pag-ulan at baha. Ano ang pinakamainam na dapat gawin ng mga tao upang matulungan ang mga residente, habang isinasaalang-alang ang kaugnayan ng aksyon sa magiging resulta nito?                                       

    Baliwalain ang mga residente na naapektuhan ng baha.

    Magkaroon ng pagtatalakayan upang isagawa bukas ang aksiyon.

    Maghanap ng mga donasyon para sa mga taong hindi naapektuhan ng baha. 

    Magtulungan sa paghahanap ng ligtas na lugar para sa mga residente.

    30s
  • Q4

    Narinig mo sa radyo ang patalastas tungkol sa isang bagong sabong panlaba na sinasabing maaari ring gamitin bilang sabong panligo. Ano ang nararapat mong gawin sa impormasyong ito habang kinikilala ang iba't ibang uri ng impormasyon na kailangan mong isaalang-alang?                                  

    Kapaniwalaan agad ang narinig sa radyo. 

    Susuriin muna ang impormasyong narinig.  

    Bibili agad ng sabong ibinibenta sa radyo.  

    Sasabihin sa nanay na ‘yong sabon sa patalastas ang gamitin agad. 

    30s
  • Q5

    Mahilig gumamit ng gadget ang bunsong kapatid mo nang wala sa pahintulot ng may-ari. Pinagsabihan siya ng iyong nakatatandang kapatid, na naging sanhi ng kanilang alitan. Ano ang maaari mong gawin upang malutas ang sigalot sa pagitan nilang dalawa, habang isinasaalang-alang na may iba’t ibang impormasyon mula sa magkabilang panig?                     

    Huwag na lamang pansinin ang pangyayari. 

    Hahayaang magkagulo ang magkakapatid.  

    Aalamin ang sanhi at ipag-alam sa mga magulang. 

    Obserbahan ang mga pangyayari at pagagalitan silang dalawa.  

    30s
  • Q6

    Ano ang mabuting dulot kung ang isang mag-aaral ay nakikilahok sa pangkatang gawain? Alin sa mga sumusunod na sagot ang may kaugnayan sa positibong epekto ng pakikilahok sa mga gawain ng grupo?                          

    Magkakaroon maraming oras para sa personal na pag-aaral.

    Magkakaroon ng oportunidad na mag-ambag at tumulong sa grupo.   

    Magkakaroon ng mas maraming oras para maglibang at makipagkaibigan.                    

    Magkakaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa leksyon.

    30s
  • Q7

    Nasunog ang bahay ng isa mong kaklase na nakatira sa kabilang barangay, at kasamang natupok sa apoy ang mga damit ng buong pamilya niya, kaya hindi siya nakakapasok sa paaralan. Bilang pinuno ng inyong klase, ano ang maaari mong gawin upang matulungan sila, habang nagtatakda ng mga kriteria para sa wastong pagsusuri ng sitwasyon?                         

    Hikayatin ang buong klase na magbigay ng mga gamit tulad ng damit, kumot, pagkain, at iba pa.  

    Humingi ng tulong sa pangulo ng bansa.

    Pabayaan silang makabangon.  

    Alalahanan na dapat mag-ingat sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog. 

    30s
  • Q8

    Nakita ni Tony na naliligo sa baha ang kanyang mga kaibigan habang lumalakas ang hangin at ulan dahil sa bagyo. Alam niya na malalagay sa panganib ang buhay ng kanyang mga kaibigan. Ano ang nararapat gawin ni Tony sa ganitong sitwasyon, gamit ang mga ebidensiyang magpapatunay sa tamang hakbang na dapat gawin?                           

    Isumbong sa mga magulang

    Sumali sa paliligo. 

    Hayaan lamang ang mga ito.  

    Pabayaan silang makabangon.  

    30s
  • Q9

    Napakinggan mo sa radyo ang bagong awitin ng iyong iniidolong sikat na mang-aawit. Ang tugtog ay nagpapahayag ng mga salitang may kalaswaan at sekswalidad. Ano ang nararapat mong gawin, lalo na sa pagsasaalang-alang ng pagbuo at pagpapahayag ng impormasyon sa ibang paraan?    

    Kakantahin ko ang awitin sa klase upang marami kaming marunong sa pagkanta nito.      

    Gagayahin ko ang kanyang pag-awit upang sumikat din ako. 

    Kakantahin ko ang awitin dahil maganda namang pakinggan ito. 

    Hindi ko kantahin ang awiting nagpapahayag ng kalaswaan.  

    30s

Teachers give this quiz to your class