placeholder image to represent content

GRADE 10 OPLAN TO SOAR PRETEST

Quiz by Christian Caiga

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Kapansin-pansinna tumataas ang demand sa kandila sa tuwing sasapit ang Undas dahil isa ito sa ating inaalay sa tuwing dumadalaw tayo sa puntod ng ating mga namayapang mahal na buhay. Sa ganitong sitwasyon, alis sa mga sumusunod na salik ang nakaaapekto sa demand ng mga mamamayan?

    Dami ng mamimili

    Inaasahan ng mga mamimili sa hinaharap

    Okasyon

    Panlasa

    300s
  • Q2

    Alin sa mga pahayag ang HINDI nabibilang sa kahulugan ng Demand?

    tumutukoy sa panahon ng mataas ang benta sa mga produkto

    tumutukoy sa pagtugon ng konsyumer sa kanyang pangangailangan sa kabila ng pagbabago  ng presyo

    tumutukoy sa dami ng kayang ipagbili ng bahay-kalakal

    tumutukoy sa dami ng kayang bilhin ng mg konsyumer

    300s
  • Q3

    Bagamat tumaas ng 5% ang presyo ng laptop ay walang nagbago sa demand ng tao para rito. Anong uri ng elastisidad ang inilalarawan sa sitwasyon?

    Perfectly inelastic

    Elastic

    Inelastic

    Unitary

    300s
  • Q4

    Ito ay ang nagpapaliwanag na mataas ang suplay kapag mataas ang presyo ng kalakal oserbisyo at mababa naman ang suplay kapag mababa ang presyo ng kalakal

    Batas ng Suplay

    Demand

    Batas ng Demand

    Suplay

    300s
  • Q5

    Si James na may-ari ng pabrika ng papel ay bumili ng karagdagang makina paramapabilis ang produksiyon ng papel sa kanyang pabrika. Anong salik na nakakaapekto sa suplay ang tinutukoy sa sitwasyon.

    presyo

    klima

    teknolohiya

    subsidiya

    300s
  • Q6

    Si Lani na isang supplier ng bike ay natugunan ang bilang ng bike na kailangan ng mga bike shop na kanyang sinusuplayan. Anong konsepto sa interaksyon ng demand at suplay ang ipinakita sa sitwasyon?

    Quantity Demanded

    Batas ng Suplay

    Ekwilibriyo

    Batas ng Demand

    300s
  • Q7

    Dumami ang computer unit sa tindahan ni Lance dahil naging maayos na ang paggalaw ng produkto sa pandaigdigang merkado ngunit dahil nalalapit na ang face to face classes, hindi na nagbago ang demand para sa kanyang paninda. Ano ang mangyayari sa presyo ng kanyang paninda?

    tataas ang presyo

    bababa ang presyo

    sasabay sa paggalaw ng demand

    walang magbabago sa presyo

    300s
  • Q8

    Pinaghandaan na ng husto ni Steph ang nalalapit na Pasko kaya’t dinamihan na niya ang pagbili ng harina at asukal na gagamitin niya sa kanyang negosyong money cake.Nang dahil dito tumaas ng mahigit sa 1% ang kanyang maisusupply sa nalalapit na Pasko kahit may pagtaas ng presyo sa harina at asukal. Anong uri ng elastisidad ng supply ang tinutukoy sa ganitong sitwasyon?

    Perfectly Inelastic

    Unitary

    Inelastic

    Elastic

    300s
  • Q9

    Dahil panahon ng anihan at lahat ng magsasaka sa kanilang lugar ay pare-pareho ng produktong naani, ang magsasakang si Ted ay napilitang ibenta sa Php5 kada kilo ang kanyang mga repolyo imbes sana sa Php45 kada kilo na kung saan ito ang presyo na kikita siya. Anong tawag sa diskwilibriyo na naranasan ni Ted?

    Shortage

    Interes

    Surplus

    Scarcity

    300s
  • Q10

    Si Teptep na isang motor enthusiast ay natuwa noong siya ay nagpunta sa 10thAvenue, Caloocan dahil marami siyang nakitang katulad niya na mahilig sa motorat marami din siyang nakitang tindahan na nagbebenta ng piyesa ng motorsiklo. Dahil dito, nakapili siya ng magandang piyesa sa murang halaga. Anong estruktura ng pamilihan ang ipinakita sa sitwasyon?

    Oligopolyo

    Ganap na kompetisyon

    Monopsonyo

    Monopolyo

    300s
  • Q11

    Si Ric ang nag-iisang may gasolinahan sa kanilang lugar kaya naman lahat ng tao ay sa kanya umaasa pagdating sa mga produktong petrolyo. Ito rin ang dahilan kaya malaya niyang maitakda ang presyo ng kanyang produkto sa kung ano ang naisin niya. Anong estruktura ng pamilihan ang ipinakita sa sitwasyon?

    Oligopolyo

    Monopsonyo

    Monopolyo

    Ganap na Kompetisyon

    300s
  • Q12

    Sina Erwin, Steven, at Belen ay mga negosyante sa kanilang lugar na nagbebenta ng liquifide petroleum gas (LPG). Dahil sila lamang ang nagbebenta nito sakanilang lugar, napagkasunduan nila na pare-pareho sila ng ipipresyo sakanilang mga paninda. Anong estruktura ng pamilihan ang ipinakita sa sitwasyon?

    Ganap na Kompetisyon

    Monopsonyo

    Monopolyo

    Oligopolyo

    300s
  • Q13

    Ang_______ ay ipinatutupad upang mapatatag ang presyo sa pamilihan at maiwasan ang mataas na implasyon.

    Minimum Wage Law

    Anti - Profiteering Law

    Suggested Retail Price

    Price Stabilization Program

    300s
  • Q14

    Ang_______ ang pangunahing ahensiya sa tulong ng mga lokal na pamahalaan ay may tungkulin na masigurong naaayon sa batas ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

    Department of Trade and Industry

    Department of Environment and Natural Resources

    Department of Agriculture

    Department of Labor and Employment

    300s
  • Q15

    Ang pamilihan ay hindi makakaiwas sa panghihimasok ng pamahalaan maliban sa ______.

    pagpapataas ng produksiyon

    pagbibigay ng subsidy

    pagtatakda ng buwis

    pagkontrol sa presyo

    300s

Teachers give this quiz to your class