
GRADE 7-ARAL PAN
Quiz by Mercy Paglinawan
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang pagkakaiba-iba ng wika at etnisidad sa Timog-Silangang Asya ang pangunahing katangian ng mga Asyano. Ano ang epekto nito sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
Ayon kay Peter Bellwood, maipaliliwanag ng Mainland Origin Hypothesis ang pagkakaparehas ng kultura ng mga lugar o bansang narating ng mga Austronesyano. Alin sa sumusunod ang pagpapatunay sa kaniyang sinabi?
Suriin ang mapa ng Timog-Silangang Asya. Batay sa mapa, anong bansa ang may pinakamataas na Gross Domestic Product o GDP, ano naman ang may pinakamababa?

Ayon kay Peter Bellwood, maipaliliwanag ng Mainland Origin Hypothesis ang pagkakaparehas ng kultura ng mga lugar o bansang narating ng mga Austronesyano. Alin sa sumusunod ang pagpapatunay sa kaniyang sinabi?
Ang pagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng mga Pilipino ay isang mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng isang malakas at mayamang identidad. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng HINDI pagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng mga Pilipino?
Ang Angkor Wat ay kilala sa kaniyang simetriya (symmetry) at detalyadong mga ukit na naglalarawan ng mga eksena sa mitolohiyang Hindu. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Angkor Wat sa Cambodia MALIBAN sa ______
Sa mahabang kasaysayan ng Thailand, ang kanilang legal na sistema ay bunga ng iba’t ibang impluwensiya. Alin sa mga sumusunod na kodigo ang nagpapakita ng malalim na pagsasama ng mga paniniwala at kaugalian ng mga sinaunang Indian at mga katutubong Thai?
Ang mga hamon ng ASEAN ay nakatutulong sa pagtamo ng likas-kayang -unlad (sustainable development) sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya? Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang HINDI nakatutulong upang upang matamo ang likas-kayang pag-unlad sa rehiyon?
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga isyu o hamon na kinakaharap ng ASEAN kaugnay ng karapatang pantao sa rehiyon?
I. Ang kakulangan ng isang konkretong mekanismo para sa pagpapataw ng mga parusa sa mga bansa na lumalabag sa mga karapatang pantao.
II. Ang pagsuporta sa mga internasyonal na kasunduan na nagtataguyod ng mga karapatang pantao na naaayon sa kanilang mga interes at konteksto.
III. Ang pag-aalangan ng mga miyembrong bansa na isabatas ang mga internasyonal na kasunduan sa karapatang pantao dahil sa mga pambansang interes.
IV. Ang pagkakaroon ng isang ASEAN Human Rights Declaration na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga tao, ngunit may limitadong bisa at hindi kumpleto sa mga mahahalagang karapatan.
Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas at sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanilang mga ambag sa bansa MALIBAN sa ______
Paano mo mailalarawan ang epekto ng kolonyal na patakaran sa mga katutubong populasyon, sa ekonomiya, at sa agrikultura ng Pilipinas batay sa sitwasyong nabanggit?
Suriin ang mga sumusunod na pahayag ukol sa Kumperensiya ng Bandung.
Pahayag 1: Sa Kumperensiya ng Bandung, nagtagpo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa tulad ng India, Indonesia, Pakistan, Sri Lanka, Myanmar, at iba pa.
Pahayag 2: Layunin ng Kumperensiyang ito na magkaroon ng kolektibong lakas sa pagharap sa mga hamon ng kolonyalismo, imperyalismo, at pagpapalakas ng demokratikong pamahalaan.
Sa bawat produktong ating binibili ay may kaakibat na value-added tax o buwis na napupunta sa pamahalaan na ginagamit sa mga proyektong pagpapaunlad ng bansa. Anong uri ng patakaran ng mga Espanyol maihahalintulad ang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino?
Basahin at unawain ang talata.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa Pilipinas, tulad ng mga kaharian at bayan sa mga isla ng Visayas at Mindanao, ay may malalim na ugnayan sa mga kalapit na bansa sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa, may mga arkeolohikal na ebidensya na nagpapakita ng kalakalan sa pagitan ng mga sinaunang Pilipino at mga bansa tulad ng Tsina, Malysia, at Indonesia. Sa kabihasnan sa rehiyon ay nagpapakita ng mga katangian ng malawakang interaksyon, mula sa kalakalan hanggang sa mga pamana ng relihiyon at sining.
Paano mo mailalarawan ang ugnayan ng sinaunang kabihasnan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya batay sa mga ebidensyang arkeolohikal na natuklasan sa rehiyon?
Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay hindi ligtas sa suliranin ng climate change. Pag-aralan ang isinasaad ng mapa tungkol sa kalagayan ng suliranin sa climate change ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Tukuyin ang tatlong bansa sa ASEAN na may pinakamalaking bahagdan (percentage) ng suliranin sa climate change.
