Grade 8- Pre test- Q4
Quiz by Mary Joy O. Zape
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
“Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang masamang panaginip. Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong ang bunso niyang anak na si Don Juan at pagkatapos ay inihulog ito sa balon. Ayon sa isang medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang makapagpapagaling ng karamdaman ng hari.” Ayon sa binasa, ano ang motibo ng may-akda?
llahad na hindi lahat ng kapangyarihan ay nasa kamay ng isang hari.
Ipakilala ang kahalagahan ng mga alternatibong panggagamot na hindi ginagamitan ng siyensya.
Ilarawan ang mga nangyayari sa pamilya ng mga may kapangyarihan.
Ipakita na ang hari ay isa ring ama na bagama’t makapangyarihan ay pinahihinang mga pangyayari sa pamilya.
60s - Q2
“Nagdaan ang ilang mga araw ay hindi pa rin nakababalik ang dalawang magkapatid. Subyang kay Don Juan ang paghihirap ng ama at pag-aalala naman sa kaniyang mga naparawal na kapatid. Agad siyang humingi ng pahintulot sa ama sa kabila ng pag-aalinlangan ng ama sa masamang palarin ng bunsong anak.”
Mula sa binasa, ano ang naisiparating ng may-akda?
ang magkakapatid ay nagtutulungan upang mapagaling ang kanilang ama.
lamang ang pagmamahal ng anak kaysa sa magulang.
hindi kayang magtiis ng anak kapag nahihirapan na ang magulang.
hindi kailanman hahayaan ng magulang na mapahamak ang kanilang anak
60s - Q3
Alin sa mga sumusunod ang kahulugan at katangian ng korido?
walang taglay nakapangyarihang supernatural ang mga tauhan
mabagal ang himig na tinatawag na andante
binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod
binubuo ng 8 pantig sa bawat taludtod
60s - Q4
Ito ang katangian ng korido batay sa paksa nito.
tungkol sa kababalaghan at alamat
higit na makatotohanan ang nilalaman ng akda
tungkol sa bayani at mandirigma
hango sa tunay na buhay
60s - Q5
Nakawiwiling pag-aralan at basahin ang akdang Ibong Adarna dahil ito ay _____
kapupulutan ito ng yaman.
kapupulutan ito ng mga aral sa buhay.
magagaling ang mga tauhang prinsipe
may hari at reyna ng namamahala.
60s - Q6
Isa sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ay ______
Sumuko sa anumang hamon sa buhay
Matutong man lamang sa kapatid at kapwa
Maniwala at sang-ayunan ang sinasabi ng iba
Matibay na pananampalaya sa Panginoong Maykapal
60s - Q7
Ayusin ang mga sumusunod na impormasyon ukol sa Kaligirang pangkasaysayan ng IbongAdarna ayon sa sistematikong pamamaraan ng pagsulat.
1. Ito ay nakarating sa ating bansa noong 1610 mula Mexico sa panahon na tayo ay sakop ng mga Kastila.
2. Ang Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido na may wawaluhing pantig.
3. Hindi man katutubo ang kuwentong ito, tinangkilik parin ito ng mga Pilipino
4. Sinikap ni Marcelo P.Garcia na malikom ang lahat ng impormasyon tungkol dito
5. Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamit at pinag-aaral ang akda.
4-2-1-3-5
1-2-3-4-5
3-4-2-1-5
2-1-3-4-5
120s - Q8
Sa kaniyang masusing pag-aaral at pagkolekta ng mga sipi ng koridong Ibong Adarna ay naisaayos niya ang mga salita, sukat at tugma ng bawat saknong.
Marcelo P. Garcia
Carlos P. Garcia
Marcelo H. Del Pilar
Carlos Palanca
60s - Q9
Alin sa mga sumusunod ang makasusukat sa tibay ng loob at pananampalataya?
mahihirap na pagsubok sa buhay ,pagtitis at pagpapakasakit.
mabubuting pamumuno sa nasasakupan
ang pagiging matapat sa tungkulin
ang pagsunod sa utos at payo ng mga magulang.
60s - Q10
Alin sa mga sumusunod ang dapat na gawin ng isang pamilya upang maging matibay ang kanilang relasyon?
papapayo, pagsunod sa utos at pagtulong sa kapwa.
pagpapatawad, pagtutulungan at pagbibigayan.
pagsunod sa mga magulang.
pamamalakad sa nakatatandang kapatid.
60s - Q11
Alin sa mga sumusunod na suliraning panlipunan ang matatagpuan sa unang yugto ng Ibong Adarna?
Ang pagiging bayolente o paggamit ng dahas sa kapwa.
Malabis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi.
Pagsasakripisyo ng anak para sa magulang.
Pananamantala ng pinuno o lider sa kaniyang nasasakupan.
60s - Q12
Pinagkaisahan ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego na bugbugin si Don Juan upang kunin angIbong Adarna at iuwi sa kanilang kaharian. Anong suliraning panlipunan ang nais ipahiwatig nito?
Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa.
Ang pagsasamantala ng pinuno o lider sa kaniyang nasasakupan.
Malabis na pagpapahalaga sa kayaman o salapi.
Ang pagiging sunod-sunuran sa masamang impluwensya ng iba.
60s - Q13
Ano ang iyong saloobin sa ginawang desisyon ni Althea na pakasalan si Adonis kahit hindi nya ito iniibig?
Maiinis dahil siya ay napilitan lamang gawin ito.
Malulungkots apagkat gagawin niya ito para tulungan ang pamilya kapalit ng kaligayahan.
Matutuwa dahil magiging maayos na ang kanilang buhay.
Maliligayahan sapagkat ang hirap na naranasan nila noon ay magbabago na.
60s - Q14
Nawalan ng alaala si Benedict na ngayo’y tinatawag ng Romeo ng pamilya ni Maya na kumupkop sa kaniya. Sinabi ni Maya na siya ang babaeng gustong pakasalanan ni Benedict at dahil na rin sa pagbabanta ni Stephan sa pamilya nito. Ano ang saloobin mo sa ginawang pagbabalat-kayo ni Maya?
Magugulat sapagkat ang lahat ay walang katotohanan.
Magagalit dahil hindi tama ang kaniyang ginawang panloloko sa binata.
Masasabik dahil sila ay ikakasal na.
Matutuwa sapagkat may kumupkop kay Benedict
60s - Q15
Nang mahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna, nakaisip ng masamang plano si Don Pedro nabugbugin si Don Juan upang kunin ang Adarna at papurihan ng kanilang amang hari. Anong suliranin ang kinakaharap ni Don Juan sa bahaging ito?
Hindi lahat ng iyong ginagawa ay nauunawaan ng iba
Wala sa nabanggit.
Kahit kapatid ay kaya kang pagtaksilan
Sa kainggitan ay kayang gumawang masamang bagay.
60s