placeholder image to represent content

GRADE 9-ARAL PAN

Quiz by Mercy Paglinawan

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Sa bawat pagpapasya ay nararanasan ang trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay habang ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade off at opportunity cost?

    dahil sa limitado ang kaalaman ng konsyumer

    upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan

    dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo

    sapagkat walang katapusan ang kagustuhan ng tao

    300s
  • Q2

    Ang social media sa kasalukuyan ang isa sa may pinakamalawak na impluwensiya sa iba’t ibang larangan ng anunsyo ng mga produkto at serbisyo. Paano mo mapangangalagaan ang iyong karapatan sa tamang impormasyon?

    Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.

    Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto.

    Pahalagahan ang tatak at presyo ng produkto at serbisyong bibilhin.

    Palagiang pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.

    300s
  • Q3

    Si Justin ay palagiang kumakain ng hamburger tuwing hapon. Ngunit isang araw ay naisipan niyang bumili ng pan de coco sapagkat mas mababa ang halaga nito. Tukuyin kung anong salik ng suplay ang maaaring maapektuhan sa desisyon ni Justin.

    Ekspektasyon ng Presyo

    Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

    Pagbabago sa halaga ng salik ng produksyon

    Pagbabago sa bilang ng nagtitinda

    300s
  • Q4

    Sa ganap na kompetisyon ng estruktura ng pamilihan, maraming ang mapagpipiliang produkto. Nalilito ka sa pagpili kung ano ang bibilihin mo. Paano mo masasabi na ikaw ay lumikha ng tamang desisyon sa pagbili ng nagustuhang produkto?

    Binibili ang produktong may magandang hitsura.

    Binibili ang mga produktong may murang presyo ngunit imported.

    Binibili ang produktong sapat lamang sa pangangailangan.

    Bumibili ng mga produkto sa murang halaga ngunit kalidad na gawa.

    300s
  • Q5

    Ang kagustuhan at pangangailangan ay magkaibang konsepto sa ekonomiks. Alin ang nagpapahayag na ang kagustuhan ay maaaring maging pangangailangan ng tao?

    Bumili ng bagong damit si Carlos upang isuot sa kanyang retreat.

    Nagpabili ng sapatos si Huanne upang magamit sa kanilang intrams.

    Gusto ni Sarah na bumili ng LED television para sa kanyang klase.

    Nag-order si Camila ng bagong bag para sa kanyang OJT.

    300s
  • Q6

    Ayon kay Abraham Harold Maslow, ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao ay ang pagbibigay ng mataas na pagtingin sa kanyang sarili at may respeto sa ibang tao.

    kaganapan ng pagkatao

    pangangailangang panlipunan

    pangangailangang pisyolohikal 

    pangangailangang seguridad

    300s
  • Q7

    Isa sa mga tungkulin ng mamimili ay pagkakaroon ng malasakit sa kaniyang lipunan, sa paanong paraan nakatutulong sa kapwa ang pagtangkilik natin sa mga produktong sariling atin?

    Mababawasan ang ating pagtangkilik sa imported na produkto.

    Maraming Pilipino ang bumibili ng mga produktong mura.

    Magiging mapanuri ang mga Pilipino sa kanilang bibilhing produkto.

    Mas maraming negosyanteng banyaga ang pupunta sa ating bansa.

    300s
  • Q8

    Madalas tingnan ni Danie ang kanyang paboritong sapatos sa isang kilalang tindahan ngunit hindi niya ito kayang bilhin dahil sa kamahalan kaya humanap na lamang siya ng kaparehong uri nito. Anong salik ng demand ang naapektuhan nito?

    panlasa

    presyo ng pamalit na produkto

    inaasahan ng mamimili

    halaga ng produkto

    300s
  • Q9

    Si Miles ay nangangailangan ng limampung piraso (50) ng lapis at papel. Ngunit ang kaniyang nabili lamang sa halagang dalawampung piso (P20.00) ay tatlumpung piraso (30) na lapis at papel. Ano ang tawag sa dami ng kalakal na handa at kayang ipagbili kay Miles sa isang takdang oras?

    produkto

    timbang

    suplay

    demand

    300s
  • Q10

    Nangangailangan ang Paaralang Elementarya ng Del Juan ng isang daan at limampung (150) na papel para sa kanilang mga mag-aaral ngunit isang daan (100) piraso lamang ang kanilang nabili mula sa kalapit na bookstore. Ano ang ipinapahiwatig nito?

    Surplus

    Surfeit

    Shortage

    Equilibrium

    300s
  • Q11

    Kayo ay may pagawaan ng tela, nagkataon na tumaas ang mga halaga ng materyales na inyong inaangkat mula sa ibang bansa, isabay pa ang pagtaas ng singil sa kuryente at sahod ng mga manggagawa, kaya’t napilitan kayo na itaas ang presyo ng inyong gawang tela upang hindi kayo malugi. Batay sa sitwasyon ano ang dahilan o sanhi ng implasyon?

    Profit Push Inflation

    Demand-Pull Inflation

    Cost Push Inflation

    Petro Dollar Inflation

    300s
  • Q12

    Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat gawin kung maliit lamang ang baon na ibinibigay ng iyong magulang?

    Bilhin ang nararapat na bilhin at hayaan lamang ang mangyayari sa kinabukasan.

    Bilhin ang nararapat na bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.

    Bilhin ang nararapat na bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.

    Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat gawin kung maliit lamang ang baon na ibinibigay ng iyong magulang?

    300s
  • Q13

    Ang Comprehensive Agrarian Reform Program 2003 ay patuloy na isinasagawa upang maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka bunga ng CARP 2003?

    Maraming Pilipinong magsasaka ang nagdedesisyon na ibenta ang kanilang mga lupang sakahan.

    Nagbibigay ng scholarship program ang pamahalaan para sa anak ng mga magsasaka.

    Hindi sapat ang ponding inilalaan ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura.

    Patuloy ang pagpapasok ng mga dayuhang produkto sa loob ng bansa.

    300s
  • Q14

    Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?

    Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

    Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa.

    Sila ay nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.

    Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.

    300s
  • Q15

    Sa iyong panonood ng balita ay nabanggit dito ang kahalagahan ng pagpapatupad ng Suggested Retail Price sa pamilihan, anong kahalagahan ang nagpapatibay dito?

    Upang mapanatiling abot-kaya ang presyo para sa kapakanan ng mga mamamayan.

    Upang mabantayan ang presyo ng mga produkto higit lalo sa panahon ng kalamidad o sakuna sa bansa.

    Upang maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng negosyante at ng mamimili.

    Upang mabigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi at pagbawas ng kita.

    30s

Teachers give this quiz to your class