Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Mahalagang mapag-aralan ang heograpiya ng isang bansa o kontinente dahil

    Nauunawaan natin ang pakikibagay ng mga gawain ng tao sa kanilang kapaligiran

    Nalalaman natin ang lawak at sukat ng mga lugar o bansa

    Nakikilala natin ang iba’t ibang mga tampok na lugar gaya sa Asya

    Nabibigyan-halaga ang kasasaysayan ng isang lugar o bansa

    60s
  • Q2

    Nahahati sa limang rehiyon ang Asya:Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya.  Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal, historikal at kultural.  Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang

    tinitignan bilang magkaugnay?

    Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho

    Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historikal, kultural, agrikultural at sa klima

    Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng  kapaligirang pisikal

    Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga  tao rito    

    45s
  • Q3

    Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼)ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri.  Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia

    at maging sa Manchuria?

    prairie

    tundra

    savanna

    steppe

    30s
  • Q4

    Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar.  Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?

    Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao

    Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

    Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon

    May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo

    45s
  • Q5

    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?

    Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

    Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.

    Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa:  tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.

    Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.

    45s
  • Q6

    Ang Asya sa ngayon ay dumaranas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran, tulad ng nagaganap sa Aral Sea sa Hilagang/Gitnang Asya na kilala bilang pang-apat na pinakamalaking lawa sa buong mundo.  Ngunit mula taong1989 hanggang 2003, ang Aral Sea ay lumiliit nang lumiliit ang sukat mahigit sa apat na beses, at humantong sa pagkakahati sa dalawa- ang Large Aral Sea at Small Aral Sea.  Ano ang implikasyon nito?

    Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma, kung kaya’t kailangan ang pagtutulungan ng bawat bansa sa buong daigdig upang harapin ang mga hamon ng kalikasan

    Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga suliraning pangkapaligiran kumpara sa ibang mga kontinente ng daigdig

    Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasirang mga pastulan at pagkatuyo ng mga lupa, at ang polusyon sa tubig ang mga naitalang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa Hilaga/Gitnang Asya

    Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng kalikasan, kung kaya’t dapat maging aktibo ang iba’t ibang samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang solusyon para dito

    45s
  • Q7

    Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasabi ng mga dahilan ng pagkakaiba ng mga klima sa iba’t ibang bahagi ng mundo MALIBAN sa :

    Pagkakaroon ng climate change, global warming at greenhouse effect sa ating mundo

    Ang pagkakatabingi o pagkakatagilid ng mundo ng 23.5°

    Pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis

    Pag-ikot ng mundo palibot sa araw 

    45s
  • Q8

    Magkakaiba ang uri ng vegetation cover sa iba’t ibang bahagi ng mga lupain sa Asya. Ito ay dahil sa :

    Pagkakaiba ng kapaligirang pisikal ng iba’ ibang bansa

    Pagkakaiba ng lokasyon at kinaroroonan ng mga bansa sa Asya

    Pagkakaiba ng lawak at sukat ng iba’t ibang bansa sa Asya

    Pagkakaiba ng uri ng klima ng iba’t ibang bansa sa Asya

    45s
  • Q9

    Ang Caspian Sea, Dead Sea at Aral Sea ay tinatawag na dagat sa kanilang pangalan ngunit itinuturing din na isang lawa. Ito ay dahil :

    Napapalibutan ang mga ito ng mga lupain at kasinglalim din ng dagat

    Napapalibutan ito ng lupain at maaaring maglakbay ang malalaking sasakyang pandagat dito

    Napapaligiran ito ng lupain at maalat din ang tubig nito

    Dati itong lawa at lumaki ang lawak at sukat sa paglipas ng panahon

    45s
  • Q10

    Ang limang bansang kabilang sa West Asian- Cyprus, Georgia, Armenia, Azerbaijan at Turkey ay sinasabing hindi lubos na kabilang sa kontinente ng Asya kundi sa Europa dahil :

    Mas malapit ang lokasyon nila sa Europa

    Ang kanilang kultura at kasaysayan ay mas kahawig ng mga bansa sa Europa

    Kabilang sa Europa ang kanilang pulitikal na sistema  at pamumuhay

    Humiwalay sila sa pagiging kasapi ng kontinente ng Asya

    45s
  • Q11

    Sagana at mayaman sa likas na yaman ang Asya at ang mga ito ay ___

    Magkakaiba sa bawat rehiyon

    Matatagpuan sa lahat ng dako ng Asya

    Hindi pare-parehong matatagpuan sa iisang dako ng Asya

    Mas marami sa bansang China at India

    45s
  • Q12

    Wheat o trigo ang pangunahing pananim ng mga bansa sa malalamig na rehiyon ng Asya dahil

    Kaya nitong tumubo sa malamig na klima

    Hindi nakatatanggap ng masaganang ulan ang kanilang lugar

    Nakasanayan na nila itong kainin

    Paborito itong pagkain ng mga tao sa malamig na klima

    45s
  • Q13

    Gumagamitng makinarya at traktora sa pagsasaka ang mga malalaking lupaing pansakahan sa mga bansa ng Central Asia at ilang bahagi ng Russia dahil

    Mayaman ang may-ari ng malalaking sakahan dito

    Ayaw magsaka ng lupain ng mga tao sa bansang ito

    Kakaunti lamang ang populasyon ng mga bansang ito para magsaka ng malalawak na lupain

    Matitigas ang mga lupaing pansakahan dito kaya kailangang gamitan ng makina

    45s
  • Q14

    Ang tradisyunal na paraan ng pagsasaka na slash & burn ng shifting agriculture  sa mga bansa ng South at Southeast Asia ay sinasabing hindi din mainam na paraan dahil

    Delikado ang paraang ito sa mga kagubatan

    Nakadadagdag ito sa polusyon sa hangin

    Nasisira nito ang iba pang pananim sa sakahan

    Kasamang nasisira nito ang sustansya ng lupa

    45s
  • Q15

    Bakit pagpapastol  o  pag-aalaga ng hayop ang pangunahing kabuhayan at gawain ng mga bansa sa Central at South Asia?

    Dahil madami at malawak ang kanilang mga damuhan

    Dahil hindi akma sa kanilang klima ang pagsasaka ng mga lupain

    Dahil mainam mag-alaga ng hayop sa uri ng kanilang klima

    Dahil mahilig sa mga produktong mula sa mga alagang hayop ang kanilang bansa

    45s

Teachers give this quiz to your class