placeholder image to represent content

Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Quiz by Elmer Lumague

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
14 questions
Show answers
  • Q1
    Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
    Akkadian
    Assyrian
    Chaldean
    Aryan
    30s
  • Q2
    Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?
    Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
    Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.
    Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
    Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
    30s
  • Q3
    Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?
    Bundok
    Kapatagan
    Lambak
    Kabundukan
    30s
  • Q4
    Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng kabihasnang Indus?
    naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya
    pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan
    madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
    nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
    30s
  • Q5
    Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan?
    Ehipto
    Tsino
    Mesopotamia
    Indus
    30s
  • Q6
    Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?
    Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
    Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
    Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.
    Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
    30s
  • Q7
    Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Egypt?
    Himalayas
    Mediterranean Sea
    Libyan Desert
    Red Sea
    30s
  • Q8
    Bakit binansagang 'Biyaya ng Ilog Nile' ang Egypt?
    Ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan sa buong mundo.
    Ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.
    Kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay magiging isang disyerto.
    Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Egypt.
    30s
  • Q9
    Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?
    Ehipto
    Tsino
    Mesopotamia
    Indus
    30s
  • Q10
    Ano ang mahalagang dulot ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
    Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
    Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
    Nagbigay-daan ang pangyayaring ito upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
    Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
    30s
  • Q11
    Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?
    Kanluran
    Silangan
    Timog
    Hilaga
    30s
  • Q12
    Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa ekonomiya ng bansang Egypt?
    Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o hindi kaya ay subdivision.
    Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang mapalago ang ekonomiya.
    Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at camping.
    Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain.
    30s
  • Q13
    Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Indus River?
    Himalayas
    Karakoram
    Khyber Pass
    Hindu Kush
    30s
  • Q14
    Ano ang ibinunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?
    humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan
    nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
    nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
    nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
    30s

Teachers give this quiz to your class