
Ikaapat na lagumang pagsusulit sa ESP (2nd quarter)
Quiz by Rose Ann Ladia
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1.  Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa oras ngpamamahinga?
2. Nag-aaral si Angela ng kaniyang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao dahil magbibigay ng pagsusulit ang kaniyang guro. Maya-maya ay biglang dumating ang kaniyang mga kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
3. Alam mo na nasa silid-tulugan ang iyong lolong maysakit at kagagaling lamang niya sa ospital. kailangan niyang magpagaling ng mabuti. Ano ang dapat mong gawin upang ipakita ang iyong paggalang sa kaniya?
4. Isang umaga pagkagaling ni Alfredo sa tindahan ay nadatnan niyang nag-uusap ang kaniyang nanay at ang kaibigan nito sa kanilang sala. Ano ang dapat gawin ni Alfredo na nagpapakita ng paggalang?
5. Sino sa mga sumusunod na mga bata ang nagpapakita ng paggalang?
6. Habang ikaw ay nanonood ng telebisyon ay nagpapahinga ang iyong ina sa kanyang silid dahil katatapos lamang niyang maglaba ng mga maruruming damit. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang iyong gagawin na nagpapakita ng paggalang sa iyong ina?
7. Pinuntahan ni Jana ang kaniyang pinsan na si Eny upang yayain na maglaro sa parke. Ngunit inabutan niyang nagsasaulo ito ng tula para sa kanilang pagsasanay kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Jana na nagpapakita ng paggalang sa kaniyang pinsan?
8. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng paggalang?
9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa taong maysakit?
10. Nagpapaliwanag ang iyong guro sa harapan ng klase. Ngunit ikaw ay kinakausap ng iyong kamag-aral. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa ganoong sitwasyon?
11. Hinahanap ni Lanie ang kaniyang ina dahil kukunin niya ang pambili ng ulam dito. Ngunit nang makita niya ito ay nakikipag-usap sa kaibigan. Ano ang gagawin ni Lanie upang kumuha ng pambili ng ulam sa kaniyang ina na nagpapakita ng paggalang?
12. Dumalaw si Andeng sa tatay ng kaniyang kaibigan na maysakit na nasa ospital kasama ang kaniyang ina. Sa paanong paraan maipapakita ni Andeng ang paggalang dito?
13. Sinabihan ka ng iyong tito na huwag siyang istorbohin kapag siya ay nagpapahinga. Ngunit isang araw, habang nagpapahinga ang iyong tito ay dumating ang iyong mga kaklase upang gumawa ng inyong proyekto. Paano mo maipapakita ang paggalang sa iyong tito?
14. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
15. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang kapag nagsasalita o nagpapaliwanag ang iyong kamag-aral sa harap ng inyong klase?
16. Ano ang dapat gawin sa upuan pagkatapos gamitin?
17. Ano ang dapat gawin sa aklat habang ginagamit?
18. Ano ang dapat gawin kapag may hiniram na gamit?
19. Ano ang gagawin mo kung nakita mong may sira ang upuan sa kantina?
20. Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mong sinisipa ng kamag-aral mo ang pisara?