
Ikaapat na Markahang Pagsusulit
Quiz by Jazelle Boctot
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang pangalan ng asawa ni Sisa?
Sino ang nagkwento kay Crisostomo ukol sa pagkamatay ng ama nito?
Sinisimbolo ng bahay ni Kapitan Tiyago ang bansang ________________.
Ano ang ipinahandang ulam ni Kapitan Tiago para sa bisitang darating mula Europa?
Ano ang buong pangalan ng anak ni Don Rafael?
Ang ___________________ ay ginagamit ng mga kababaihan noong panahon ng kastila sa tahimik at pasimpleng komunikasyon sa kanilang napupusuan o sinisinta.
Si _____________________ ang kasintahan ni Crisostomo na taglay ang kagandahan ng babaeng Filipina.
Ilang reales ang sinasabing ninakaw ni Crispin sa simbahan?
Anong tiyak na buwan sa kalendaryo dumating si Crisostomo sa bayan ng San Diego?
Ano ang epigrapong matatagpuan sa Kabanata 3 ng Noli Me Tangere?
Ano ang dalawang panig sa pulong sa tribunal?
Ito ang tawag sa offering na ibinibigay sa simbahan na ikaliligtas ng kaluluwa sa purgatoryo noong Panahon ng Kastila.
Siya ang kapatid ni Crispin na nakapanaginip ng magandang kinabukasan niyang haharapin.
Anong pagkain ang inihanda ng magkakaibigan nina Crisostomo at Maria Clara noong magpiknik sa lawa?
Anong bahagi ng manok ang napunta kay Padre Damaso nag hainan siya ng serbedor ng tinola?
Ano ang "hobby" o pinagkakaabalahan ng mga babaeng Pilipina upang palipasin ang oras noong panahon ng kastila?
Sino ang pinakamatalik na kaibigan o "best friend" ni Maria Clara?
Anong alaala ang ibinigay ni Crisostomo kay Maria Clara bago ito umalis papuntang Europa?
Anong alaala naman ang ibinigay ni Maria Clara kay Crisostomo na tinago pa ng binata sa kanyang pitaka.
Paraan ng pagdidisiplina ng mga prayle sa kanilang mga estudyanteng indio sa paaralan ayon sa guro.
Dahil sa pagkamatay ng ina ni Maria Clara si _____________________ ang nag-alaga sa kanya.
Sa ingles tinatawag itong _______________________ na pinaglalayan ng mga alaala ng panahon at pagkatapos ay ibinabaon na kasama ng panulukang bato o foundation stone.
Saang bahay ni Kapitan Tiyago sa Maynila ginanap ang pagdiriwang sa pagdating ni Crisostomo?
Bilang alaala ng yumaong ama ni Crisostomo Ibarra ay magpapatayo siya ng ________________________.
Siya ang bangkerong nagligtas sa buhay ni Crisostomo sa kamatayan ng bumagsak ang panghugos o panulukang bato.
Siya ang itinuturin na "chief of police" o komandante ng mga guardia sibil.
Ang pinakasentrong upuan sa mesa ay tinatawag na ____________________ at dito nauupo ang pinakamahalagang tao sa pamilya at gayundin sa bisita.
Sa murang edad nina Basilio at Crispin ay naging _______________________ sila at nagtrabaho sa simbahan.
Isa sa kinundena ng guro na maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay ang istratehiya nitong ____________________ ng mga aralin sa bata na tila "robot" dahil kung anong nasa libro ay siya lamang nilang inuulit.
Sinong padre ang ayaw makasama ni Maria Clara sa kanilang piknik sa lawa dahil hindi siya komportable rito?
Siya ang tinatawag na kataas-taasan dahil sa siya ang may pinakamataas na posisyon sa Pilipinas noong panahon ng Kastila?
Ano ang tono o emosyon ng awit ni Maria Clara sa prusisyon noong pista sa bayan ng San Diego?
Anong parusa ang ibinigay kay Tarsilo upang magsalita ito ukol sa rebolusyon?
Saang bisyo nalulong si Kapitan Tiyago?
Sino ang naghikayat kay Elias na maging Tulisan?
Nang mapagbintangan si Crisostomo na nagpasimula ng himagsikan sa San Diego siya ay ____________________________ bilang parusa.
Ano ang ipinaggawa ni Donya Consolacion kay Sisa sa pagdaan ng prusisyon?
Ano ang buong pangalan ng lalaking ipakakasal kay Maria Clara matapos ipatigil ni Padre Damaso ang kasunduan ng dalaga kay Crisostomo?
Sino ang nanghikayat sa mga kalalakihan sa bayan ng San Diego na umanib sa rebolusyon?
Sino ang utak o nagplano na ipangalan kay Crisostomo ang himagsikan sa bayan ng San Diego?
Ano ang pangunahing sugal na pinagkakaabalahan ng mga kalalakihan noong panahon ng Kastila?
Sila ang magkapatid na sabungero na nahikayat ni Lucas na sumama sa himagsikan.
Ano ang napag-usapan nina Elias at Crisostomo isang gabi sa lawa?
Ang ninuno ni Elias ay napagbintangang __________________________.
Upang madalaw ng lola ni Elias ang lolo nito ay kailangang niyang maging ______________________.
Ang tiyuhin ni Elias na si _________________ ay kinatatakutan sa kanilang lugar sa San Diego dahil ito ay tulisan.
Siya ang tunay na ama nina Elias na matagal na inilim ng kanyang lolo at matagal na pala nilang katiwala lang sa bahay.
Ano ang nangyari sa kapatid ni Elias matapos nilang mawalan ng mana dahil sa pagkamkam ng kanyang tiyuhin sa kayamanan nila?
Ano ang natuklasan ni Elias habang isa-isang ineempake ang mahahalgang dokumento at yaman sa bahay nina Crisostomo?
Ano ang ginawa ni Elias sa bahay ni Crisostomo matapos nitong maiempake ang mahahalagang dokumento at yaman nito?
Sino ang nagbukas sa mga mata ni Crisostomo ukol sa mga suliranin sa lipunan?
Ano talaga ang ginagawa ni Andong habang nagkakagulo ang bayan ng San Diego?
Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.
Ano ang iniutos ni Elias kay Basilio ukol sa kanyang bangkay?
Ano ang pahayag na sinabi ni Elias bago ito namatay?
Sino ang kumupkop kay Basilio matapos nitong maulila sa kapatid at magulang?
Ano ang ginawa ni Elias kina Lucas at Sakristan mayor matapos niyang malaman ang katotohanan?
Ano ang naging patunay na si Crisostomo ang may pakana ng himagsikan sa San Diego?
Ano ang ibig sabihin ng Noli Me Tangere?
Ano ang kondisyon ni Maria Clara kay Padre Damaso matapos na hindi matuloy ang kasal nila ni Ibarra?