placeholder image to represent content

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)

Quiz by azenith esmabe

Grade 9
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades 1-10

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1
    Ayon sa Human Development Report noong 2014, saan nabibilang ang Pilipinas?
    Medium Human Development
    High Human Development
    Low Human Development
    Very High Human Development
    30s
    AP9MSPIVa-2
  • Q2
    Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
    paggugubat
    pagmimina
    pangingisda
    paghahayupan
    30s
    AP9MSPIVc-6
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod na sector ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang maging isang produkto?
    agrikultura
    impormal na sektor
    industriya
    paglilingkod
    30s
    AP9MSPIVe-9
  • Q4
    Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal?
    industriya
    agrikultura
    paglilingkod
    impormal na sector
    30s
    AP9MSPIVf-12
  • Q5
    Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
    paglilingkod
    agrikultura
    impormal na sector
    industriya
    30s
    AP9MSPIVg-14
  • Q6
    Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
    Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
    Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
    Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
    Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
    30s
    AP9MSPIVg-15
  • Q7
    Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod maliban sa isa, alin ito?
    kakulangan ng mapapasukang trabaho
    pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan
    kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito
    kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata
    30s
    AP9MSPIVh-16
  • Q8
    Ayon sa kanya, ang kaunlaran ay matatamo kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa sa yaman ng ekonomiya.
    Feliciano Fajardo
    Amartya Sen
    Michael Todaro
    Stephen Smith
    30s
    AP9MSPIVa-1
  • Q9
    Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa konsepto ng pagsulong?
    highways, gusali, pagamutan
    dumaraming mamumuhunan
    talamak na pamimirata
    progresibong ekonomiya
    30s
    AP9MSPIVa-1
  • Q10
    Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
    Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
    Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
    Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
    Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road)
    30s
    AP9MSPIVd-7
  • Q11
    Alin sa mga sumusunod ang hindi suliranin ng pangisdaan?
    Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal na mangingisda.
    Lumalaking populasyon sa bansa.
    Kahirapan
    Pagdagsa ng dayuhang kalakal
    30s
    AP9MSPIVd-7
  • Q12
    Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
    Lahat ng nabanggit
    Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sector ng agrikultura.
    Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
    Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
    30s
    AP9MSPIVd-8
  • Q13
    Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa:
    yamang- tao
    likas na yaman
    kalakalan
    teknolohiya
    30s
    AP9MSPIVa-2
  • Q14
    Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
    Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
    Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
    Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
    Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
    30s
    AP9MSPIVb-3
  • Q15
    Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
    Wala sa nabanggit
    Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
    Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
    .Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
    30s
    AP9MSPIVb-3

Teachers give this quiz to your class