placeholder image to represent content

Ika-apat na Panahunang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 5

Quiz by Mary Rose Bautista Caguillo

Grade 5
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades 1-10

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo sa Kalinga sa pangunguna ni Lagutao noong 1785 sa Lambak ng Cagayan?
    Tinututulan nila ang pagpapatupad ng mga Espanyol sa paniningil ng buwis.
    Hindi sila sang-ayon sa pagpapatupad ng mga Espanyol sa monopolyo ng tabako.
    Tutol sila sa pagpapatupad ng mga Espanyol sa pagbibigay ng cedula.
    Hindi sila sang-ayon sa pagpapatupad ng mga Espanyol sa monopolyo ng tabako at paniningil ng buwis.
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q2
    Bakit natalo ang pangkat ni Lagutao laban sa mga Espanyol?
    Mahihina ang loob ng katutubo.
    Kakaunti ang bilang nila.
    Mahihinang sandata ang kampilan at pana ng mga katutubo laban sa mga baril ng mga Espanyol.
    Natatakot ang mga katutubo sa mga dayuhan.
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q3
    Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga taga-Tondo laban sa mga Kastila?
    Rajah Sulayman
    Lakandula
    Rajah Humabon
    Datu Sumakwel
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q4
    Bakit nakipagkasundo sina Lakandula at Rajah Sulayman sa mga Espanyol?
    Lahat ng nabanggit
    hindi sila siningilan ng buwis
    kinilala ang minana nilang lupain
    hindi sila isinali sa polo
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q5
    Siya ang magiting na anak ni Lakandula na nanguha sa lihim na pag-aalsa sa layuning maibalik ang kalayaan at paghahari sa kanilang nasasakupan.
    Martin Pangan
    Juan Bassi
    Pedro Balingit
    Magat Salamat
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q6
    Bakit nabigo ang pag-aalsa nina Magat Salamat?
    Sa pag-iingitan ng mga pinuno
    Kulang sila sa baril
    Marami ang nagtaksil sa lihim na pag-aalsa
    Dahil sa pagbubunyag ni Antonio Surabao na pinagkatiwalaan ni Magat Salamat.
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q7
    Sinakop ni Legazpi ang ______________ noong 1571 na sa panahon na yaon ay pinamumunuan ni Rajah Sulayman.
    Batangas
    Tondo
    Maynila
    Bulacan
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q8
    Aling pag-aalsa ang nag-ugat sa pangangamkam ng lupain ng mga prayle sa mga katutubo?
    Pag-aalsa sa Politika
    Pag-aalsa laban sa Tributo
    Pag-aalsa laban sa Monopolyo
    Pag-aalsang Agraryo
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q9
    Alin sa mga sumusunod ang tuwirang tinutulan ng pag-aalsa sa pamumuno ni Diego Silang?
    lahat ay tama
    paniningil ng buwis
    pagpapatupad ng polo
    paniningil ng tributo
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q10
    Ang buwis na sinisingil ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay kilala rin sa tawag na ___________.
    tributo
    cedula
    multa
    polo
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q11
    Sino ang namuno sa pag-aalsang panrelihiyon na nais maging pari at kilala sa tawag na Hermano Pule?
    Apolinario Dela Cruz
    Juan Dela Cruz Palaris
    Apolinario Mabini
    Sumuroy
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q12
    Siya ang pumalit na pinuno sa Confradia de San Jose nang mahuli si Hermano Pule?
    Januario Galut
    Francisco Maniago
    Andres Malong
    Januario Labios
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q13
    Ano ang digmaan sa pagitan ng France at Great Briatin kung saan nasangkot ang Pilipinas dahil sa gianwang pagkampi ng Spain sa France?
    Confradia San Apolinario
    Confradia De San Jose
    Seven Year's War
    Merkantilismo
    30s
    AP5PKB-IVa-b-1
  • Q14
    Alin ang isang kaisipang pang-ekonomiko na nagsasaad na ang sukatan ng kapangyarihan at kayamanan ng bansa ay ang dami ng ginto na nalilikom nito?
    merkantilismo
    malayang kalakalan
    encomienda
    monopolyo
    30s
  • Q15
    Sa usapin ng mga pandaigdigang pangyayari sa paglipas ng merkantilismo , anu-ano ang itinaguyod ng French Revolution?
    kalayaan
    lahat ay tama
    pagkakapatiran
    pagkakapantay-pantay
    30s

Teachers give this quiz to your class