placeholder image to represent content

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa ESP 6

Quiz by Janet Rodriguez

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
43 questions
Show answers
  • Q1

    Ipinangako mong isasauli ang damit na hiniram mo sa iyong kamag-aral, ngunit ito ay nasa labahan pa. Ano ang gagawin mo?

    Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko bukas

    Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa isang Linggo ko pa isasauli ang damit

    Isauli ko ang damit kahit marumi pa ito

    Huwag munang isauli at ipahiram sa iba.

    30s
  • Q2

    Sino ang batang dapat tularan?

    Nagsasabi si Carla na hindi siya makakarating sa usapan

    Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Alfonso na makipag sa kausap na kaibigan sa eksaktong oras ng usapan

    Nahuli si Ana sa oras ng usapan

    Hindi dumating si Jessa sa tinanggap na paanyaya

    30s
  • Q3

    Ano ang nangyayari sa taong walang "Palabra de Honor"?

    Nawawalang ng pagtitiwala ang ibang tao

    Tumitigas ang kanyang damdamin

    Dumarami ang kanyang kaibigan

    Lumalambot ang kanyang puso

    30s
  • Q4

    Nangako kang magbayad ng utang sa kaklase mo ngunit wala pang pera and iyong magulang.  Ano ang gagawin mo?

    Mangungupit ako sa aking Nanay

    Liliban muna ako sa klase hanggang makabayad

    Mangangalap at magtitinda ako ng dyaryo't bote na di na napapakinabangan sa bahay para magkaroon ng pambayad sa utang.

    Uutang muna ako sa iba para mabayaran siya

    30s
  • Q5

    Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?

    Ito ay isang pag-uutos

    Ito ay makakabawas sa iyong marka

    Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong tumupad

    Ito ay makakasira sa iyong marka

    30s
  • Q6

    Kaarawan  ng iyong nakababatang kapatid, naipangako mo na bibilhan mo siya ng isang regalo.  Ano ang dapat mong gawin?

    Di ko ito tutuparin at hahayaan na lang na magalit siya.

    Tutuparin ko ang naipangako ko sa aking kapatid

    Hayaan na lamang ang kapatid

    Sasabihin ko na babawi nalang ako sa susunod na kaarawan niya.

    30s
  • Q7

    Ano ang pinagtitibay ng "Palabra de honor"?

    Pagmamalaki sa magagawa

    Pagpatupad sa pangako

    Pagbabago ng pasya

    Pagsunod sa utos

    30s
  • Q8

    Paano tinutupad ang isang pangako?

    May pagkukulang at pag-aalinlangan

    May pagpapahalaga at pagtitiis

    May hinihintay na kapalit na kabayaran

    Walang interes at pagpapakasakit

    30s
  • Q9

    Nangako ka na maagang umuwi, ngunit nayaya ka sa isang birthday party. Ano ang gagawin mo?

    Sasama ako at gagawa ng dahilan sa magulang

    Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at ipapaliwanag kung bakit hindi ako makakasama

    Gagawa ako ng paraan upang makapunta sa birthday party nang hindi alam ng magulang

    Sasama ako ngunit magpapaalam ka agad

    30s
  • Q10

    Sino ang makikinabang kapag ikaw ay marunong tumupad sa isang usapang?

    ikaw at ang iyong kapwa

    ang iyong kapwa

    sarili mo lang

    walang makikinabang

    30s
  • Q11

    Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan upang gumawa ng inyong proyekto. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipapagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo?

    Di ka nalang pupunta.

    Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao.

     Ipaalam sa magulang ang sitwasyon upang maunawaan ng ina ang kahalagahan ng iyong pakikiisa sa pangkat.

    Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.

    30s
  • Q12

    Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo?

     

    Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon kung totoo ang isinumbong tungkol sa

         kanya ng kamag-anak mo.

    Sisigawan ang kaibigan at aawayin.

    Makikipaghiwalay na sa matalik na kaibigan.

     Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak

    30s
  • Q13

    Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ka ng tamang kaibigan.  May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan?

    Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.

    Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa

    Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan.

    Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak.

    30s
  • Q14

    Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako niyang isasauli pagkaraan ng

      dalawang oras. Matagal kang naghintay pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksyon mo?

    Hindi ko na siya ituturing na kaibigan

    Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.

    Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit.

    Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan.

    30s
  • Q15

    Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?

    Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin

    Igalang ang kanyang paniniwala.

    ipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan.

     Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.

    30s

Teachers give this quiz to your class