placeholder image to represent content

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 3

Quiz by MELDAN DE JESUS

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Tanghali na ngunit hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si Benjie. Ilang beses na siyang tinatawag ng kanyang nanay upang kumain ngunit hindi pa rin siya bumababa. Nang matapos nang kumain ng tanghalian ang pamilya, inutusan ng nanay si Eileen na tawagin ang kanyang kuya. Pagpasok niya sa kuwarto, nakita niya si Benjie na nakatalukbong ng kumot. Nilapitan niya ito at nakitang nanginginig ito at parang lamig na lamig kahit na nakapatay naman ang electric fan. Ano ang angkop na wakas ng kwento?
    Naglalaro si Benjie.
    Nasisilaw sa sinag ng araw si Benjie.
    Nanaginip si Benjie.
    Nilalagnat si Benjie.
    30s
  • Q2
    Namitas ng lansones si Doy.Tuwang-tuwa siya sa itaas ng puno. Maya-maya ay bigla siyang nagsisigaw. Ano ang angkop na wakas ng kwento?
    Tinuka siya ng ibon.
    Natapakan niya ang bunga.
    Nakakuha siya ng bunga.
    Nahulog siya sa puno.
    30s
  • Q3
    Naglilinis si Maria sa silid-aralan. May nakita siyang kumikinang sa ilalim ng silya. Ano ang angkop na wakas ng kwento?
    Nakapulot si Maria ng lapis.
    Nakapulot si Maria ng pera.
    Nakapulot si Maria ng singsing.
    Nakapulot si Maria ng pambura.
    30s
  • Q4
    Naglalaro ng bola ang kambal na sina Lauro at Laura. Biglang gumulong ang bola sa daan. Hinabol nila ito. Maya-maya’y may sumigaw.
    May nasirang sasakyan.
    May humintong sasakyan.
    Nagkagulo ang mga sasakyan.
    Muntik nang masagasaan sina Lauro at Laura
    30s
  • Q5
    Alin ang pares na magkasingkahulugan?
    mabango - mabaho
    munti - maliit
    mataas - mababa
    madumi - malinis
    30s
  • Q6
    Ano ang tawag sa salitang tama at mali?
    magkasingkahulugan
    magkaparehas
    magkasalungat
    magkatunog
    30s
  • Q7
    Isinuot ng lola ang kanyang lumang damit. Ano ang kasingkahulugan ng salitang luma?
    madumi
    malinis
    bago
    sinauna
    30s
  • Q8
    Hinahanap ko ang mahabang walis na itinabi ko kahapon. Ano ang kasalungat ng mahaba?
    matangkas
    malawak
    mataas
    maikli
    30s
  • Q9
    Ano ang salitang - ugat sa kapayapaan?
    payapaan
    kapayapaan
    payapa
    kapayapa
    30s
  • Q10
    Ano ang panlaping ginamit sa salitang kumain?
    in
    ma
    ka
    um
    30s
  • Q11
    Binigyan ni Edna si Minda ng baon niyang tinapay. Ano ang angkop na magalang na pananalitang sasabihin?
    Makikiraan po .
    Maraming salamat po.
    Magandang araw po .
    Hindi ko po sinasadya .
    30s
  • Q12
    Isang gabi, dumating sa bahay nina Cata ang mga bisita ng kanyang mga magulang. Ano ang sasabihin ni Cata sa kanila?
    Magandang gabi po .
    Maraming salamat po.
    Maligayang kaarawan po.
    Magandang umaga po .
    30s
  • Q13
    Magkatugma ba ang mani at patani?
    Hindi po.
    Opo.
    Wala sa nabanggit.
    Ewan po.
    30s
  • Q14
    Ano ang katugma ng salitang gulay?
    kahoy
    sanga
    bata
    bahay
    30s
  • Q15
    Si Ana ay kinailangang magtrabaho upang may makain at hindi kumalam ang tiyan. Ano ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit?
    magutom
    madapa
    mabusog
    magkasakit
    30s

Teachers give this quiz to your class