Anong pangunahing paksa ang tinatalakay sa tulang "Kung ang Tao ay Isinilang Upang Maging Tao Lamang"?
Kung ang tao’y isinilang
upang maging tao lamang…
Mabuti pang ako’y naging ibon na lamang
na lilipad- lipad sa lawak ng kalangitan;
o nanaisin ko pang ako’y nagging isang bulaklak
na maaaring pitasin sa mabangong halamanan;
O kaya’y nagingisang punong may malagong
mga daho’t sangang malalabay;
Dili kaya’y isang kalabaw sa gitna ng kabukirang
napag-aanihan ng ginintuang palay;
Sapagkat sa pagiging ibon, bulaklak, puno, o kalabaw
ay nakatitiyak akong may halaga ang aking buhay;
na ako ay may kabuluhan!
Tulad ng isang isinilang
Upang magpakatao at di maging tao lamang!