
Ikatlong Mahabang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Quiz by Tricia Raz
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
I. Piliin ang TAMA kung wasto ang bawat pahayag at MALI kung hindi.
1. Tayo ay malayang makapipili ng tamang aksiyon o tugon sa mga pangyayari sa ating buhay.
2. Ang katuwiran ay maaaring maging pangkalahatan sapagkat may kapasidad para rito ang buong sangkatauhan.Â
3. Kung tayo ay nakasakit ng kapuwa, maaari nating sabihin na nadala lamang tayo ng bugso ng damdamin.
4. Maaaring pangibabawan ng isip ang pagpupuyos ng ating damdamin.
5. Halaw sa wikang Griyego ang salitang "dignitas".
6. Ang ating isip at kilos-loob ay nararapat lamang gamitin sa tama.
7. Nasasalamin sa gawaing mabuti ang ating kagandahang-loob.
8. Lahat ng tao ay may dignidad.
9. Sa kadahilanang ang ating damdamin ay nakukubli sa ating kalooban, kinakailangan nating pag-isipan kung paano natin ipaliliwanag sa ating kapuwa ang ating mga nararamdaman.Â
10. Hindi sapat na "kilos-loob" lamang ang ating pairalin kundi maging ang ating "kagandahang-loob".
II. Piliin ang MORAL kung ang pahayag ay tama at mabuti. DI-MORAL naman kung mali at hindi tama ang pahayag.
11. Ang anumang bagay na ginawa ng tama at mabuti ay nararapat lamang na bigyan ng parangal o papuri.
12. Pagpili ng tama at mabuti para sa sarili at sa kapuwa.
13. Kunin ang papuri sa bagay na hindi mo naman ginawa.
14. Ang gawaing isinagawa na batay sa batas moral ay palaging mabuti.
15. Pagpapakopya sa kamag-aral dahil sa awa na ito ay bumagsak sa pagsusulit dahil talagang may kahinaan ang kaniyang utak.