placeholder image to represent content

IKATLONG MARKAHAN PAGSUSULIT 1 (UNA-IKALAWANG LINNGO))

Quiz by Ederlinda Aguirre

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1
    Ito ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay na mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
    Parabula
    Anekdota
    Sanaysay
    Mitolohiya
    30s
  • Q2
    Siya ang tinaguriang diyos ng ilog Zambezi na sinasabing nakatira sa Kariba Dam, isa sa pinakamalaking dam sa buong mundo sa taas nitong 128 metro at habang 579 metro.
    Nyaminyami
    Sundiata
    Nulukusa
    Zambia
    30s
  • Q3
    Ito ay ang paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
    Pagsasalin ng nilalaman
    Pananaliksik
    Pagsasaling-diwa
    Pagsasaling-wika
    30s
  • Q4
    Ang mga sumusunod ay ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin. MALIBAN sa isa.
    Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
    Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
    Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
    Sapat na kaalaman sa pangunahing tauhan ng dalawang akdang kasangkot sa pagsasalin.
    30s
  • Q5
    Ito ay kwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito na makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
    Sanaysay
    Parabula
    Mitolohiya
    Anekdota
    30s
  • Q6
    Dalubhasang pilosopo at tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento sa Persia. Isinilang sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Siya rin ay kinilala bilang dakilang guro sa pagpapatawa.
    Nelson Mandela
    Saadi
    Mullah Nasruddin
    Sundiata
    30s
  • Q7
    Ito ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing din itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag.
    Pagkukuwento
    Pagsasalaysay
    Pagtatalumpati
    Orasyon
    30s
  • Q8
    Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa. MALIBAN sa isa.
    Kakayahang Pansarili
    Bilang ng pahina
    Tiyak na Panahon o Pook
    Sapat na Kagamitan
    30s
  • Q9
    Sa lingguwistika, ito ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita.
    Morpolohiya
    Ponema
    Panlapi
    Suprasegmental
    30s
  • Q10
    Suriin ang salitang TUMAKBO batay sa panlaping ginamit at uri nito.
    tu-/Unlapi
    -mak-/Gitlapi
    -um-/ Gitlapi
    -bo/ Hulapi
    30s
  • Q11
    Piliin ang wastong panlapi na ikakabit sa salitang-ugat na LUTO upang ang maging aspekto ng pandiwa ay PERPEKTIBO o NAGANAP na.
    mag + lu+ lu + to = magluluto
    nag- + luto = nagluto
    Wala sa pagpipilian
    nag + lu+ lu + to = nagluluto
    30s
  • Q12
    Piliin ang wastong panlapi na ikakabit sa salitang-ugat na HANDA upang ang maging bagong kahulugan nito ay isang magarbong pagsasalo-salo.
    pag- + ha +handa = paghahanda
    i- + handa = ihanda
    handa + -an = handaan
    Wala sa pagpipilian
    30s
  • Q13
    Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang "inanyayahan" sa pangungusap na: Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
    itinago
    ikinahiya
    inimbita
    pinaalis
    30s
  • Q14
    Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang "lumisan" sa pangungusap na: Agad siyang lumisan matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
    naglaho
    umalis
    namayapa
    nalungkot
    30s
  • Q15
    Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang "nagulumihanan" sa pangungusap na: Ang mga taong nakikinig sa kanya ay nagulumihanan.
    nalito
    napahiya
    sumang-ayon
    natuwa
    30s

Teachers give this quiz to your class