placeholder image to represent content

IKATLONG MARKAHAN: PAGSUSULIT 2 (IKATO-IKALIMANG LINGGO))

Quiz by Ederlinda Aguirre

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1
    Ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod. Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.
    Talambuhay
    Tula
    Sanaysay
    Anekdota
    30s
  • Q2
    Basahin at suriin ang mga linyang mula sa tulang “Kundiman” ni Jose Rizal . Tukuyin ang tugmang ginamit dito. Tunay ngayong umid yaring dila’t puso Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.
    Tugmaang paulit-ulit
    Tugmang – Ganap
    Wala sa pagpipiliin
    Tugmaang di ganap
    30s
  • Q3
    Tukuyin ang talinghagang nakapaloob sa mga linya ng tulang “:Tinapay” ni Amado V. Hernandez Putol na tinapay at santabong sabaw sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay halos ay sinaklot ng maruming kamay
    Nararanasang gutom ng isang mahirap.
    Pagkauhaw ng isang paslit
    Bantay-salakay
    Pagkagutom ng taong nawalan ng trabaho
    30s
  • Q4
    Saan nagmulang bansa ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” o “A Song of a Mother To Her Firstborn” na sinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg?
    Middle East
    Canada
    Zimbabwe
    Uganda
    30s
  • Q5
    Ibigay ang hindi lantad na kahulugan ng pahayag na “bahag ang buntot”.
    Maiksi ang buntot
    Iyakin
    Duwag
    Matapang
    30s
  • Q6
    Iayos ang sumusunod na mga slita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag nito. (masid, sulyap, tanaw) Sa iyong pagsagot ang unang salitang iyong napili ay kumakatawan sa pinakamababaw na antas ng salita, ang ikalawang salita ay katamkataman at ang huling salita ay ang pinakamasidhing damdamin/antas.
    tanaw, masid, sulyap
    masid, sulyap, tanaw
    tanaw, sulyap,masid
    sulyap,tanaw, masid
    30s
  • Q7
    Ito ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran. Layon nito na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
    Pagsasalaysay
    Paninindigan
    Tula
    Pakikipagtalo
    30s
  • Q8
    Ito ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito rin ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural. Masasalamin dito ang mataas na pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan, at napapaunawa ang kultura at tradisyon.
    Sanaysay
    Epiko
    Alamat
    Anekdota
    30s
  • Q9
    Ang epikong ito ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane. Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
    Raja at Sulayman
    Sundiata
    Biag ni Lam Ang
    Gilgamesh
    30s
  • Q10
    Ito ay ang sunod-sunod na mga eksena mula sa isang pelikula na kalimitang pinaikli upang bigyan ang mga manonood ng “preview“ ng panonooring pelikula..
    Movie Trailer
    Series
    Sinopsis
    Post Credit
    30s
  • Q11
    Ito ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.
    Nobela
    Epiko
    Alamat
    Maikling Kwento
    30s
  • Q12
    Siya ay isa sa mga pinakasikat na awtor sa Silangang Aprika. Nakasulat siya ng higit pa sa 50 akda at kinilalang best seller na awtor ng iba’t ibang pambatang libro. Siya ang may akda ng “Ang Alaga” na mula sa East Africa na isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson.
    Mary Grace Tabora
    Ernest Hemingway
    Barbara Kimenye
    Estella Sturluson
    30s
  • Q13
    Piliin ang wastong salita sa pagpapahayag ng damdamin upang mabuo ang pangungusap. ________________, hindi ka na mag-iisa kailanman.
    Gusto Mo
    Pangako
    Hala ka!
    Ikinalulungkot ko
    30s
  • Q14
    Piliin ang wastong salita sa pagpapahayag ng damdamin upang mabuo ang pangungusap. ________________, sumama ka sa amin upang ikaw ay makapamasyal.
    Bahala ka!
    Ikinalulungkot ko
    Higit na
    Halika!
    30s
  • Q15
    Piliin ang wastong salita sa pagpapahayag ng damdamin upang mabuo ang pangungusap. _____________ tataas ang iyong mga marka kung makapagpapasa ka ng iyong mga gawain sa itinakdang araw at oras.
    Higit na
    Lagot ka!
    Wala
    Halika!
    30s

Teachers give this quiz to your class