
ISIP AT KILOS LOOB
Quiz by Rhea Jean Longakit
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at isakatuparan ang napili?
dignidad
isip
kalayaan
kilos-loob
30s - Q2
Walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan. Alin sa sumusunod na pahayag ang kahulugan ng pangungusap?
Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan
May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan
Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
30s - Q3
Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangan gamitin ng tao ang pandamdam. Alin sa sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng pangungusap?
Kailangan ng tao ang pandamdam upang makilala ang mga bagay sa labas ng kanyang isip
Hindi magkakaroon ng kaalaman ang tao pag wala itong nararamdaman.
Walang kakayahan ang pandamdam na makaalam kaya kailangan ng tao ang isip.
Ang pag-unawa ay nagaganap sa pamamagitan ng pandama ng tao.
30s - Q4
Nahuli ng gising si Julie sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang klase sa paaralan. Napuyat siya sa kanonood sa telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising nang maaga. Ano ang dapat gawin ni Julie?
Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng kaniyang ina kung siya ay napuyat.
Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sa paggising ng huli.
Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang paggising sa kaniya.
Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising nang maaga.
30s - Q5
“It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Jason sa buhay niya. Ito ang dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, gumagamit siya ng kodigo. Ayaw niyang umulit ng taon sa kaniyang baitang at ayaw niyang mabigo sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Ano ang dapat niyang isipin?
Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan-minsan lang dapat ito ginagawa
Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang kung makakatapos siya ng pag-aaral.
Isipin niya na hindi siya lubos na matututo bagamat siya ay nakakapasa sa pagsusulit.
Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
30s - Q6
Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin
Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay
Tama, dahil mayroong isip at kilos-loob ang tao kaysa sa ibang nilikha.
Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
30s - Q7
Hindi nakapag-aral sa science si Pol dahil napuyat siya sa paggawa ng ibang takdang-aralin. Nagkaroon sila ng biglaang pagsusulit sa klase. Nakita niya ang kaniyang mga kaklase na nagkokopyahan. Inaalok siya na kumopya sa kanila. Ano ang dapat gawin ni Pol at bakit?
Hindi niya tatanggapin ang alok ng kaklase at sasagutan niya ang pagsusulit dahil mas mabuting masukat ang kaniyang nalalaman nang hindi kumokopya sa iba.
Kokopya siya at sa susunod ay sila naman ang pakokopyahin niya dahil dapat siyang tumanaw ng utang na loob sa kaniyang mga kaklase.
Kokopya siya sa kaklase dahil mapapagalitan siya ng kaniyang guro kapag hindi siya pumasa sa pagsusulit
Ipapasa niya ang kaniyang papel nang walang laman dahil hindi tama ang pagkopya.
30s - Q8
Sobra ang sukli sa iyo ng tindera ng bumili ka ng pagkain sa kantina ninyo. Naalala mo na may babayaran ka sa iyong kaklase para sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo at bakit?
Hindi ko isasauli dahil hindi naman ako ang nagkamali.
Isasauli ko ang sobrang sukli dahil magiging kawawa ang tinderang nagkamali dahil siya ang magbabayad ng kulang.
Sasabihin ko sa kaibigan ko ang nangyari at paghahatian naming ang pera
Ibabayad ko sa kaklase ko ang sobrang sukli dahil mas makakatipid ako kaysa humingi ng pera sa aking magulang
30s - Q9
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa relasyon ng isip at kilos-loob?
Ang mabuti at masama ay binibigay ng kilos-loob para makapili ang isip ng mabuting kilos
Nakadepende ang isip sa pinipiling mabuting kilos ng kilos-loob.
Ang kilos-loob ay hindi nagkakamali dahil sa kakayahan ng isip
Umaasa ang kilos-loob sa katotohanan na nalalaman ng isip.
30s - Q10
Ang halaman, hayop at tao ay may pagkakatulad. Subalit ang tao ay nilikha na may kakayahang higit sa ibang nilalang, kaya tinatawag ang tao bilang obra maestra. Ang tao ay nagtataglay ng isip at kilos-loob. Alin sa sumusunod ang buod ng talatang ito?
Nakahihigit ang tao dahil walang kakayahan ang mga hayop at halaman na mamuhay nang mag-isa
Pantay-pantay ang lahat ng nilikha, ngunit may pagkakaiba rin ang bawat ito.
Ang tao ay naiiba dahil tao lang ang sinasabing obra maestra.
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao kaysa sa ibang nilikha.
30s