placeholder image to represent content

Kabihasnang Minoan at Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece

Quiz by Elmer Lumague

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1
    Ano sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan?
    Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan
    Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan
    Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka
    Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang
    30s
  • Q2
    Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek?
    Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar.
    Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto.
    Lumago ang mga negosyanteng Greek.
    Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain.
    30s
  • Q3
    Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito?
    Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar.
    Pinahalagahan ang kanilang edukasyon.
    Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas.
    Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan.
    30s
  • Q4
    Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan?
    malupit na pinuno
    masipag na lider
    masayahing lider
    makupad na pinuno
    30s
  • Q5
    Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece?
    Minoan
    Spartan
    Athenian
    Mycenaean
    30s
  • Q6
    Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan?
    Nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar
    Pinalawig ang pagmimina sa lugar
    Nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain
    Nagtatag ng mga arena upang kumita
    30s
  • Q7
    Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles?
    Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan.
    Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan.
    Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan.
    Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan.
    30s
  • Q8
    Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician?
    paggamit ng lapis at papel
    paggamit ng mga aklat
    paggamit ng kanilang alpabeto
    pagtatag ng mga paaralan
    30s
  • Q9
    Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae?
    Pagkasira ng kanilang mga pananim
    Pakikipagkalakalan sa ibang lugar
    Pagsakop ng mga Dorian
    Epidemya at maraming tao ang namatay
    30s
  • Q10
    Ano ang pinakamahalaga naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig?
    Lungsod-Estado
    Batas Militar
    Asembleya
    Demokrasya
    30s
  • Q11
    Saan itinatag ang kabihasnang Minoan?
    Crete
    Parthenon
    Athens
    Sparta
    30s
  • Q12
    Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa?
    Upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban
    Upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan
    Para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan
    Para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa
    30s
  • Q13
    Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece?
    magkaroon ng ari-arian
    karapatang bomoto
    humawak ng posisyon sa pamahalaan
    bibigyan ng porsiyento sa kalakalan
    30s
  • Q14
    Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang 'pamayanan ng mga mandirigma'?
    Sparta
    Corinth
    Mycenae
    Athens
    30s
  • Q15
    Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece?
    Arena
    Agora
    Polis
    Acropolis
    30s

Teachers give this quiz to your class