placeholder image to represent content

Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino

Quiz by Anna Liza Ataiza

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang tawag sa kakayang tumutugon sa pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto?
    Pragmatiko
    Sosyolingwistiko
    Istratedyik
    Kakayahang diskorsal
    30s
  • Q2
    Ano ang maaaring mahihinuhang layunin ng isang kausap batay sa sumusunod na pahayag, “Malabo na talaga ang mata ko. Puwede ba akong makahingi sa iyo ng kunting pagtingin"?
    nagmamakaawa sa kausap
    Humihingi ng tulong
    Humihingi ng paumanhin
    Humihingi ng pag-asa
    30s
  • Q3
    Ano ang kakayahan na taglay ng isang tao kung natutukoy niya ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi batay sa kilos ng kaniyang kausap?
    Kakayahang Sosyolinggwistiko
    Kakayahang Diskorsal
    Kakayahang Pragmatik
    Kakayahang Linggwistiko
    30s
  • Q4
    Ano ang kakayahan na taglay ng isang tao kung nagagamit niya ang berbal at di berbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan ang o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang sa komunikasyon?
    Kakayahang pragmatik
    Kakayahang sosyolinggwistiko
    Kakayahang linggwistiko
    Kakayahang istratedyik
    30s
  • Q5
    Bakit kailangang linangin ang kakayahang diskorsal?
    Upang matiyak ang layunin ng pakikipagtalastasan
    Upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay ng mga kaisipan
    Upang mapabilis ang pagtugon sa kausap
    Upang maunawaan ang intesyon ng nagsasalita
    30s
  • Q6
    Anong pamantayan ang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan?
    Pagkapukaw-damdamin
    Pakikibagay
    Kaangkupan
    bisa
    30s
  • Q7
    Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang na taglay ng isang komunikeytor sa pamantayang Paglahok sa Pag-uusap?
    Kakayahang makinig at mag-pokus sa kausap
    Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
    Kakayahang tumugon
    Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba
    30s
  • Q8
    HOST: Isa kang tunay na bayani! Biro mo nailigtas mo lahat ng tao sa sunog. Ano ang ginawa mo? PANAUHIN: Presence of mind lang. Kinuha ko agad ang fire distinguisher. Ano ang maayos na pahayag ang maaaring ipalit sa sagot ng panauhin?
    Presence of mind lang ang kailangan kaya kinuha ko agad ang fire distinguisher.
    Kayang-kaya. Kinuha ko kasi agad ang fire distinguisher
    Ayos lang naman.nakuha ko kasi ang fire distinguisher
    Presence of mind lang naman yan. Ang fire distinguisher ay kinuha ko.
    30s
  • Q9
    Ano ang tawag sa pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na tayain ang kakayahang pangkomunikatibo o ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap.
    Kaangkupan
    Pagkapukaw-damdamin
    Pakikibagay
    Bisa
    30s
  • Q10
    Ano ang dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal?
    Coherence at structure
    Cohesion at Coherence
    Coherence at structure
    Form at Cohesion
    30s

Teachers give this quiz to your class