Loading...

Kasunduan: Konsepto ng Kasarian
Quiz by John Billy Soriano
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Part 1 – Emilio Aguinaldo at Apolinario Mabini 1. Sino ang naging unang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas? A. Apolinario Mabini B. Emilio Aguinaldo C. Andres Bonifacio D. Antonio Luna Sagot: B 2. Anong mahalagang dokumento ang pinirmahan sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898? A. Kasunduan sa Biak-na-Bato B. Deklarasyon ng Kalayaan C. Konstitusyon ng Malolos D. Proklamasyon ng Bagong Bayan Sagot: B 3. Siya ang tinaguriang “Utak ng Rebolusyon.” A. Gregorio del
Part 4 – Heneral Antonio Luna at Heneral Gregorio del Pilar 31. Sino ang tinaguriang pinakamahusay na heneral ng hukbong Pilipino laban sa mga Amerikano? A. Emilio Aguinaldo B. Antonio Luna C. Miguel Malvar D. Mariano Llanera 32. Ano ang naging propesyon ni Antonio Luna bago siya sumali sa rebolusyon? A. Abogado B. Doktor at parmasyutiko C. Inhinyero D. Sundalo ng Espanyol 33. Ano ang pangunahing ambag ni Antonio Luna sa hukbong Pilipino? A. Pagpapalakas ng disiplina at istratehiya militar B. Pagpapalawak ng Katipunan C. Pag-aayos ng kasunduan sa Biak-na-Bato D. Pagpapakilala ng edukasyon sa kababaihan 34. Saang bayan pinaslang si Antonio Luna noong 1899? A. San Fernando, Pampanga B. Cabanatuan, Nueva Ecija C. Malolos, Bulacan D. Kawit, Cavite 35. Sino ang tinaguriang “Batang Heneral”? A. Vicente Lukban B. Mariano Llanera C. Gregorio del Pilar D. Macario Sakay 36. Ilang taon lamang si Gregorio del Pilar nang maging heneral siya? A. 22 B. 23 C. 24 D. 25 37. Ano ang kilalang labanan kung saan nakilala si Gregorio del Pilar bilang bayani? A. Labanan sa Balangiga B. Labanan sa Tirad Pass C. Labanan sa Biak-na-Bato D. Labanan sa Cavite 38. Ano ang layunin ni Gregorio del Pilar sa Tirad Pass? A. Harangin ang mga Amerikano upang makatakas si Aguinaldo B. Makipagkasundo sa mga Amerikano C. Ipagdiwang ang Kalayaan ng Pilipinas D. Magtatag ng bagong pamahalaan 39. Ano ang nangyari kay Gregorio del Pilar sa Tirad Pass? A. Nakatakas siya at tumakas patungong Hong Kong B. Nahuli at ikinulong ng mga Amerikano C. Namatay sa labanan habang ipinagtatanggol si Aguinaldo D. Sumuko at nagbigay ng armas 40. Ano ang simbolo ng kabayanihan nina Antonio Luna at Gregorio del Pilar? A. Pagsuko sa Amerikano B. Tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan C. Pagiging lider ng Katipunan D. Pagtulong sa mga Espanyol
Ang imperyalismo ay isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado. Upang maituring na isang makapangyarihan estado ay kinakailangang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural. Ang pokus ng pananakop ay makontrol ang politikal at ekonomikal na institusyon ng mas mahihinang bansa dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo. Magkakaiba ang pangkat-kultural ng mga mamamayan sa isang imperyo. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan. Ang pagkakaiba-iba ng mga ito ay nagiging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at dahilan naman para sa mas makapangyarihang pangkat upang makontrol ang mas mahihina sa kanila. Ang mga Imperyalistang bansa ay may iba’t-ibang uri ng pagkontrol sa mga bansang kanilang nasakop. 1. Kolonyalismo ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. 2. Protektorado na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa ay makasisiguro ng proteksiyon mula sa mas malakas na bansa 3. Economic Imperialism kung saan kontrolado ng mga pribadoong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa. 4. Sphere of Influence ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin. Concession ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes. Ang extra-territoriality ay kasunduan sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa mga piling teritoryo na kabilang sa concession. Mula sa mga uri ng pananakop na ito ay gumamit naman ng dalawang paraan ang mga mananakop upang ipakita ang mapasunod nila ang mga bansang kanilang nasakop. 1. Ang Tuwiran o Direct Control ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng magkaroon ng manankop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan ng mga manankop. Dahil kotrolado ang politika ng mahinang bansa ay nakontrol na rin ng mananakop ang ekonomiya nito. Maging ang kultura ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop. 2. Samantala, sa Di-Tuwiran o Indirect Control ay pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may limitadong kapangyarihan at ang huling desisyon ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga lokal na paniniwala ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa dayuhan.
Q3-W2-Kasunduang Militar
Ugnayang Pilipino-Amerikano at ang Kasunduang Militar Subic Naval Ba
Q3-M1-A2-Ugnayang Pilipino-Amerikano at ang Kasunduang Militar
Dahilan kung bakit pinili ng mga orihinal na kasaping bansa ang Thailand bilang lugar ng paglagda sa Bangkok Declaration? Ano ang papel ng ASEAN Charter sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng mga kasaping bansa? Paano nakatulong ang ASEAN sa pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya? Ano ang ibig sabihin ng prinsipyo ng "ASEAN Way," at paano ito nakakaapekto sa proseso ng paggawa ng desisyon sa loob ng organisasyon? Sa anong paraan pinapalakas ng ASEAN ang kooperasyon sa larangan ng edukasyon at agham? Ano ang papel ng ASEAN Economic Community (AEC) sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga bansang kasapi? Paano nilalabanan ng ASEAN ang mga suliraning panseguridad tulad ng terorismo at iligal na droga sa rehiyon? Ano ang mga pangunahing dokumento o kasunduang nilagdaan ng ASEAN na may malaking epekto sa rehiyon? Paano isinasaalang-alang ng ASEAN ang kultura at identidad ng bawat bansang kasapi nito habang pinapalakas ang regional integration? Ano ang kahalagahan ng diyalogo ng ASEAN sa iba pang pandaigdigang kapangyarihan tulad ng China, United States, at European Union?
Ang Paglalakbay ni Lani sa Bansa ng mga Kabundukan