
Kaya mo yarn!
QuizĀ by Maykel
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
āThis program engages all education stakeholdersto contribute their time, effort and resources in ensuring that public schoolfacilities are set in time for the forthcoming school opening
Brigada Eskwela
Curriculum development
Work experience programs
Youth Development Programs
āThe young may involve themselves in youthdevelopment programs and develop their skills and talents, learn how to dealpositively with peers and adults and serve as resources in their communities.
Curriculum development
Youth Development Programs
Work experience programs
Brigada Eskwela
This program engages all education stakeholdersto contribute their time, effort and resources in ensuring that public schoolfacilities are set in time for the forthcoming school opening
The young may involve themselves in youthdevelopment programs and develop their skills and talents, learn how to dealpositively with peers and adults and serve as resources in their communities.
Parents and retired teachers may be involved inthe School Reading remediation and Learning Enrichment Programs.
students participating in tutorial programs,community reforestation programs, clean up drive for a river, assisting inmedical mission
What schools can't do for communities in return?
Cops lectures on good manners and rightconduct, drug addiction, child abuse, child welfare. Municipal Welfare andDevelopment Office Municipal Health Office conducted special classes on healthand nutrition, rights of the child.
Were the volunteer environmentalsteward-students of Pembo Elementary School while magic spots were the smalldumpsites or empty lots in the barangay which were converted by the studentsinto vegetable gardens from which members of the barangay could harvest forhome supply, the school for their feeding program or sold them for cash for thepurchase of seedlings and planting of more vegetables.
Where each teacher adopted one student and actedas his/ her mentor for the entire school year. The teacher gave free tutorialto the adopted student during his/her free time, visit the studentās familyevery now and in some instances gave the student a daily allowance of ten pesosfrom the teacherās own pocket.
BOWLS means?
This can mean use of community resources for learning.
Kaya Mo yan! The Kerr and Maron Quiz Show
KAYA MO KASI ALAM MO! (Pormatibong Gawain # 2)
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Maraming magaganda at mabubuting ugali ang mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay namana pa natin sa ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga magagandang ugali na ating nakagisnan noon pa man. MAKA-DIYOS Tayong mga Pilipino noon pa man ay mayroon nang matibay na pananalig sa Diyos. Sa katunayan, bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling relihiyon. Hanggang sa dumating ang mga Kastila at matutuhan natin sa kanila ang relihiyong Kristyanismo na nagpakilala sa atin 17 ng paniniwala sa mga santo, santa at kay Kristo. Hindi tayo nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang ipinagkakaloob sa atin. Sa ngayon, iba-iba man ang paraan ng pagsamba at pananampalataya natin, nagkakaisa pa rin tayo sa aral at at turo ng relihiyon. Ikaw bilang isang mag-aaral, lagi ka bang nagsisimba o nagpupunta sa inyong bahay-dasalan? Madalas ka bang magdasal sa Diyos? PAGIGING MAGALANG Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging magalang. Ang kaugalian nating ito ay ipinakikita natin sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo o di kaya ng mga salitang ate, kuya, manong, manang, lolo at lola sa mga nakakatanda sa atin. Kinagigiliwan ang ganitong mga kaugalian lalo na sa mga bata. Sa inyong tahanan, tuwing ikaw ay nakikipag-usap sa iyong mga magulang o nakatatandang kapatid, gumagamit ka rin ba ng po at opo? MASIPAG at MATIYAGA Basta sa pagiging masipag at matiyiga, wala nang tatalo pa sa mga Pilipino! Sapagkat tayong mga Pilipino, kahit anong gawain ay kakayanin natin mapaunlad lamang ang ating kabuhayan. Matyiga 18 tayo sa lahat ng mga bagay na ginawa natin. Wika nga ng iba, kailangan ang ST (sipag at tyiga) upang tayo ay umunlad. MAGILIW NA PAGTANGGAP SA PANAUHIN Tayong mga Pilipino ay kilala rin na magiliw na tumatanggap ng ating mga panauhin lalo na kung ang mga ito ay ating mga kamag-anak na mula pa sa mga malalayong lugar. Tinitiyak natin na magiging kasiya-siya ang pagpunta nila sa ating tahanan kayaāt naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain at tinitiyak na silaāy masaya at komportable sa pagbisita sa atin. MATULUNGIN AT MAPAGMAHAL Mapagmahala at matulungin sa kapwa ang mga Pilipino. Matulungin tayong mga Pilipino lalo na kung panahon ng mga sakuna at kalamidad sa ating bansa, tumutulong sila sa mga nasalanta at naapektuhan. Nagbibigay sila ng mga donasyon, pagkain, damit, gamot at iba pa. Mapagmahal tayo dahil kahit ang kanilang buhay ay handa nilang ialay para sa ating bayan. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang ating mga bayani na magigiting. Pinatunayan nila na dakila ang kanilang pagmamahal sa Inang Bayan at sa kalayaan nito. 19 Ilan lamang ito sa mga katangi-tanging ugali ng mga Pilipino. Ikaw bilang isang mamamayang Pilipino, kaya mo bang gawin ang mga katangiang ito sa iyong sariling paraan? Anu-ano kaya ang pwede mong gawin upang maipakita ang mga magagandang ugali ng isang batang katulad mo? Maaari mong gawin ang mga ito: ļ· Magdasal araw-araw ļ· Maging matapat sa lahat ng bagay ļ· Magaing magalang sa mga nakatatanda ļ· Makinig sa pangaral ng magulang at guro ļ· Mag-aral ng mabuti ļ· Sumunod sa mga utos ng magulang ļ· Huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos araw-araw
Tuklasin ( Modyul 1) Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito. Tuklasin ang mga salita sa pamamagitan ng pagsasaayos dito.
_____1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay? a. paglalaro c. pagtakas b. pagdarasal d. pagtatago _____2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo? a. maglaro sa simbahan b. kumuha ng gamit ng kamag-aral c. pagtawanan ang paniniwala ng iba d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba? a. pagdalo sa kanilang pagtitipon b. pagsang-ayon na may iisang Diyos c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba d. pakikinig sa kanilang aral _____4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a. pagsuway sa utos ng magulang b. pagmamalupit sa mga hayop c. pagkakalat ng basura d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan _____5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay? a. hindi papansinin ang nangyayari b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba c. manonood ng telebisyon d. magpapatugtog ng radio _____6.Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan? a. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila. b. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki. c. Ang lalaki ay naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga kabarangay. d. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan. _____7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay? a. Si Kim na naputulan ng mga paa na ayaw ng makipaglaro sa mga kaibigan. b. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang mag- aral. b. Si Dave na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang pamilya. c. Si Dona na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang solusyon sa mga problema. _____8. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya sa pag aaral. Malapit na ang inyong pagtatapos. Ano ang maaari mong maitulong sa kaibigan mo? a.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag aaral ang kaibigan. b.Kausapin ang magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang pag-aaral. c.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila. d.Kausapin ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang. _____9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon. b. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. c. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang. d. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. _____10 .Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag- aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a. Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. b. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola. c.Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi. d.Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola.
Alam mo ba kung anong isda ang nasa larawan sa gawing kanan mo? Masarap itong ulamin, pwede itong prito o kaya naman ay paksiw. Iyan ay ang isdang Bangus. Ang isdang ito ay makikita sa mga tubig-tabang. Maaari itong lumaki ng hanggang 2 kilo ang bigat. Ang Barong Tagalog ang pambansang kasuotan para sa mga lalaki. Nakakita ka na ba nito? Maganda ang pagkakayari nito na mula pa sa pinya ang tela. Maganda itong kasuotan sa panahon na mainit sapagkat ito ay gawa sa manipis lamang na mga materyales. At ang Baroāt Saya naman ang Pambansang kasuotan para sa mga babae. Nakapagsuot ka na ba ng ganitong damit? Katulad ng barong tagalong, presko rin sa pakiramdam kung ito ay iyong suot. Natikman mo na ba ang prutas na kasing hugis puso? Kulay dilaw ito at matamis kung hinog at berde at maasim naman kung ito ay hilaw pa. Ito ay walang iba kundi ang mangga ang ating pambansang prutas. Kailan mo ito ibig na kainin, kung ito ay kulay dilaw o kulay berde? MAKABAYAN 2 SEIBO COLLEGE 4
Filipino ang tawag sa ating Pambansang wika. Alam mo bang si dating Presidente Manuel L. Quezon ang nagpatibay ng ating paggamit dito bilang pambansang wika ng buong Pilipinas. Kaya naman bilang parangal sa kanya, siya rin ang ating tinaguriang āAma ng Wikang Pambansaā. Mayroon ba kayong mga halaman sa inyong bakuran? Anu-ano ang mga bulaklak na makikita roon? Nasa bakuran niyo kaya ang halaman na nasa larawan? Ito ang sampaguita, ang ating Pambansang bulaklak. Maliit lamang ang bulaklak na ito ngunit humahalimuyak ito sa bango. Maaari itong ilagay sa altar, ibigay sa isang kaibigan o may kaarawan at isinusuot ng mga kabataan sa kanilang pagtatapos
TING ALAMIN AT PAG-USAPAN Mahilig ka bang magbasa ng Bibliya? Kung oo ang iyong kasagutan, magaling! Alam mo ba kung paano nagsimula ang paglikha ng Diyos sa ating mundo? Alam mo ba na isa tayong mga tao, sa mga nilikha niya? Alam mo ba kung pang-ilang araw nilikha ng Diyos ang tao? Kung ating babalikan ang ating kasaysayan, napakaraming lahi ng tao sa buong mundo. Mayroong mga ibaāt ibang kwento, alamat at teorya kung papaano nagsimula ang lahi nating mga Pilipino. Ooopppsss, sandali lamang! Mabuti pa siguroāy unahin na nating pag-aralan kung saan nga ba nagmula ang lahing Pilipino. Sa modyul na ito, aalamin natin kung saan nagmula ang mga Pilipino. Sinu-sino ba sila? Anu-ano ba ang mga katangiang pisikal mayroon ang mga lahi ng tao na ito? Halika na! Mabuti pang simulan na natin silang kilalanin. Ating tandaan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita: ļ· Kasaysayan- ito ay ulat o tala ng mga nakaraang pangyayari na may saysay at kabuluhan. ļ· Alamat- ito ay mga kwento na nagpasalin-salin mula sa isang henerasyon hanggang sa ating kasalukuyan. Kathang-isip lamang ito na galling sa malawak na kaisipan ng isang manunulat. ļ· Teorya- nabubuo ito sa pamamagitan ng masusing pagaaral at pananaliksik upang mapatunayan ang isang bagay at pangyayari. Kailangan na ang bawat teorya ay may basehan o ebidensya. 5 Pinaniniwalaang ang mga unang tao na nanirahan sa Pilipinas ay dumaan sa mga tulay na lupa. Makaraan ang maraming taon, ang sinasabing tulay na lupa na ito ay nawasak at lumubog dahil na rin sa malalakas na paglindol at pagkatunaw ng mga yelo na nagmula pa sa pinakadulong bahagi ng ating mundo. Ito ay dahilan kung kayaāt ang Pilipinas ay napahiwalay sa lupain ng Asya at naging isang kapuluan. Ang mga pangyayaring ito ay naging daan upang dumating sa ating bansa ang mga sinaunang tao na tumira sa Pilipinas. Sinu-sino nga ba sila? Halinaāt atin silang isa-isahin. Ang mga Negrito o Ita Ang unang pangkat ng mga tao na dumating sa Pilipinas ay tinatawag na Negrito o Ita. Sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa. Ang kanilang mga pisikal na katangian ay maitim ang kulay ng balat, sarat ang kanilang ilong, kulut na kulot ang kanilang mga buhok, makakapal ang labi, mabibilog ang mata at sila ay pandak. Silay ay gumagamit ng pana at sibat upang makakuha ng kanilang makakain. Karaniwan silang naninirahan sa gilid ng bundok at kweba. Gumagamit sila ng bahag para sa kanilang kasangkapan. Ang grupo ring ito ng mga tao ay kilala sa tawag na Aeta, Ita, Baluga, at Dumagat. Karaniwan ng sila ay natatagpuan sa 6 mga lugar ng Zambales, Mindoro, Panay at iba pang bahagi ng Mindanao. Ang mga Indones Ang mga Indones ay dumating sa Pilipinas sakay ng bangka mula sa Timog Silangang Asya. Sila ay karaniwang naninirahan sa mga kapatagan at baybaying dagat. May dalawang pangkat ng Indones ang dumating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay mapuputi, matangkad, malamlam ang mata matangos ang ilong, maninipis ang mga labi at tuwid ang buhok. Ang ikalawang pangkat naman ng mga Indones na dumating sa Pilipinas ay may mga katangiang maitim, pango ang ilong, makapal ang labi at tuwid ang buhok. Mas maunlad ang paraan ng pamumuhay ng mga Indones kayse mga Negrito. Ang pangkat kase na ito ay marunong ng magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Sila ay mahusay rin pagdating sa paggawa ng mga sasakyang-pandagat. Mayroon na rin silang mga kasuotan na maayos at yari sa mga pinatuyong balat ng hayop na mayroon pang mga disenyo. Naglalagay rin sila ng mga tattoo sa kanilang katawan bilang bahagi ng kanilang kultura. 7 Ang mga Malay Ang mga Malay ang huling pangkat ng tao na dumating sa ating bansa. Nakarating sila rito sakay ng isang bangka na kung tawagin ay balangay. Ang mga pangkat ng tao na ito ay nagmula pa sa Borneo, isang lugar na malapit sa timog na bahagi ng Pilipinas. Dumating ang pangkat ng Malay sa Pilipinas bitbit ang kanilang maunlad na pamumuhay. Marunong na silang gumawa ng mga sandata at kagamitang yari sa metal at bakal. Mayroon na rin silang maunlad na kaalaman sa pagsasaka at marunong na rin silang gumamit ng araro at patubig. Mayroon silang maayos na kasuotan na yari sa bulak at sedang makukulay at magagandang disenyo. Ang mga Malay ay may sistema rin ng pamumuno. Binubuo ito ng mga barangay na kinuha sa pangalan ng sinakyan nilang bangka na balangay. Ang paraang ito ng pamamahala na mayroong pinuno na kung tawagin ay Datu. Mayroon na rin silang mga batas na sinusunod at marunong na rin silang bumasa at sumulat. Ang kanilang katangiang pisikal ay may katatamtamang taas, kayumanggi ang kanilang kulay, maiitim ang mata, tuwid ang buhok, sarat ang ilong at may katamtamamng laki ng pangangatawan. Sa katunayan, higit ng 8 maraming Pilipino ang nahahawig sa pisikal na katangian ng Malay. Sa iyong pagbabasa ng ating paksa ngayong araw, umaasa ako na madali mo lamang itong naintindihan. Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman, maaaring magtungo ka sa iyong guro upang ikaw ay magpaturo pa ng mga gusto mong malaman tungkol sa ating mga ninuno. At sa oras na ikaw ay handa na, maaari mo ng ipagpatuloy ang pagsagot sa mga katanungan sa modyul na ito. Simulan mo na