Loading...

Kilalanin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag.
Quiz by Arlene Balayo
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito.
Module 5, Subukin: Kilalanin kung saang bahagi ng Plano ng Proyekto napaiilalim ang nakatala sa bawat bilang.
Kilalanin ang sumusunod na mga larawan: tatawagin natin itong “HULA WHO”. Sabihin kung anong uri ng dokumentaryo ang aking ipapakita.
TING ALAMIN AT PAG-USAPAN Mahilig ka bang magbasa ng Bibliya? Kung oo ang iyong kasagutan, magaling! Alam mo ba kung paano nagsimula ang paglikha ng Diyos sa ating mundo? Alam mo ba na isa tayong mga tao, sa mga nilikha niya? Alam mo ba kung pang-ilang araw nilikha ng Diyos ang tao? Kung ating babalikan ang ating kasaysayan, napakaraming lahi ng tao sa buong mundo. Mayroong mga iba’t ibang kwento, alamat at teorya kung papaano nagsimula ang lahi nating mga Pilipino. Ooopppsss, sandali lamang! Mabuti pa siguro’y unahin na nating pag-aralan kung saan nga ba nagmula ang lahing Pilipino. Sa modyul na ito, aalamin natin kung saan nagmula ang mga Pilipino. Sinu-sino ba sila? Anu-ano ba ang mga katangiang pisikal mayroon ang mga lahi ng tao na ito? Halika na! Mabuti pang simulan na natin silang kilalanin. Ating tandaan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:  Kasaysayan- ito ay ulat o tala ng mga nakaraang pangyayari na may saysay at kabuluhan.  Alamat- ito ay mga kwento na nagpasalin-salin mula sa isang henerasyon hanggang sa ating kasalukuyan. Kathang-isip lamang ito na galling sa malawak na kaisipan ng isang manunulat.  Teorya- nabubuo ito sa pamamagitan ng masusing pagaaral at pananaliksik upang mapatunayan ang isang bagay at pangyayari. Kailangan na ang bawat teorya ay may basehan o ebidensya. 5 Pinaniniwalaang ang mga unang tao na nanirahan sa Pilipinas ay dumaan sa mga tulay na lupa. Makaraan ang maraming taon, ang sinasabing tulay na lupa na ito ay nawasak at lumubog dahil na rin sa malalakas na paglindol at pagkatunaw ng mga yelo na nagmula pa sa pinakadulong bahagi ng ating mundo. Ito ay dahilan kung kaya’t ang Pilipinas ay napahiwalay sa lupain ng Asya at naging isang kapuluan. Ang mga pangyayaring ito ay naging daan upang dumating sa ating bansa ang mga sinaunang tao na tumira sa Pilipinas. Sinu-sino nga ba sila? Halina’t atin silang isa-isahin. Ang mga Negrito o Ita Ang unang pangkat ng mga tao na dumating sa Pilipinas ay tinatawag na Negrito o Ita. Sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa. Ang kanilang mga pisikal na katangian ay maitim ang kulay ng balat, sarat ang kanilang ilong, kulut na kulot ang kanilang mga buhok, makakapal ang labi, mabibilog ang mata at sila ay pandak. Silay ay gumagamit ng pana at sibat upang makakuha ng kanilang makakain. Karaniwan silang naninirahan sa gilid ng bundok at kweba. Gumagamit sila ng bahag para sa kanilang kasangkapan. Ang grupo ring ito ng mga tao ay kilala sa tawag na Aeta, Ita, Baluga, at Dumagat. Karaniwan ng sila ay natatagpuan sa 6 mga lugar ng Zambales, Mindoro, Panay at iba pang bahagi ng Mindanao. Ang mga Indones Ang mga Indones ay dumating sa Pilipinas sakay ng bangka mula sa Timog Silangang Asya. Sila ay karaniwang naninirahan sa mga kapatagan at baybaying dagat. May dalawang pangkat ng Indones ang dumating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay mapuputi, matangkad, malamlam ang mata matangos ang ilong, maninipis ang mga labi at tuwid ang buhok. Ang ikalawang pangkat naman ng mga Indones na dumating sa Pilipinas ay may mga katangiang maitim, pango ang ilong, makapal ang labi at tuwid ang buhok. Mas maunlad ang paraan ng pamumuhay ng mga Indones kayse mga Negrito. Ang pangkat kase na ito ay marunong ng magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Sila ay mahusay rin pagdating sa paggawa ng mga sasakyang-pandagat. Mayroon na rin silang mga kasuotan na maayos at yari sa mga pinatuyong balat ng hayop na mayroon pang mga disenyo. Naglalagay rin sila ng mga tattoo sa kanilang katawan bilang bahagi ng kanilang kultura. 7 Ang mga Malay Ang mga Malay ang huling pangkat ng tao na dumating sa ating bansa. Nakarating sila rito sakay ng isang bangka na kung tawagin ay balangay. Ang mga pangkat ng tao na ito ay nagmula pa sa Borneo, isang lugar na malapit sa timog na bahagi ng Pilipinas. Dumating ang pangkat ng Malay sa Pilipinas bitbit ang kanilang maunlad na pamumuhay. Marunong na silang gumawa ng mga sandata at kagamitang yari sa metal at bakal. Mayroon na rin silang maunlad na kaalaman sa pagsasaka at marunong na rin silang gumamit ng araro at patubig. Mayroon silang maayos na kasuotan na yari sa bulak at sedang makukulay at magagandang disenyo. Ang mga Malay ay may sistema rin ng pamumuno. Binubuo ito ng mga barangay na kinuha sa pangalan ng sinakyan nilang bangka na balangay. Ang paraang ito ng pamamahala na mayroong pinuno na kung tawagin ay Datu. Mayroon na rin silang mga batas na sinusunod at marunong na rin silang bumasa at sumulat. Ang kanilang katangiang pisikal ay may katatamtamang taas, kayumanggi ang kanilang kulay, maiitim ang mata, tuwid ang buhok, sarat ang ilong at may katamtamamng laki ng pangangatawan. Sa katunayan, higit ng 8 maraming Pilipino ang nahahawig sa pisikal na katangian ng Malay. Sa iyong pagbabasa ng ating paksa ngayong araw, umaasa ako na madali mo lamang itong naintindihan. Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman, maaaring magtungo ka sa iyong guro upang ikaw ay magpaturo pa ng mga gusto mong malaman tungkol sa ating mga ninuno. At sa oras na ikaw ay handa na, maaari mo ng ipagpatuloy ang pagsagot sa mga katanungan sa modyul na ito. Simulan mo na
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Mahilig ka bang magbasa ng Bibliya? Kung oo ang iyong kasagutan, magaling! Alam mo ba kung paano nagsimula ang paglikha ng Diyos sa ating mundo? Alam mo ba na isa tayong mga tao, sa mga nilikha niya? Alam mo ba kung pang-ilang araw nilikha ng Diyos ang tao? Kung ating babalikan ang ating kasaysayan, napakaraming lahi ng tao sa buong mundo. Mayroong mga iba’t ibang kwento, alamat at teorya kung papaano nagsimula ang lahi nating mga Pilipino. Ooopppsss, sandali lamang! Mabuti pa siguro’y unahin na nating pag-aralan kung saan nga ba nagmula ang lahing Pilipino. Sa modyul na ito, aalamin natin kung saan nagmula ang mga Pilipino. Sinu-sino ba sila? Anu-ano ba ang mga katangiang pisikal mayroon ang mga lahi ng tao na ito? Halika na! Mabuti pang simulan na natin silang kilalanin. Ating tandaan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:  Kasaysayan- ito ay ulat o tala ng mga nakaraang pangyayari na may saysay at kabuluhan.  Alamat- ito ay mga kwento na nagpasalin-salin mula sa isang henerasyon hanggang sa ating kasalukuyan. Kathang-isip lamang ito na galling sa malawak na kaisipan ng isang manunulat.  Teorya- nabubuo ito sa pamamagitan ng masusing pagaaral at pananaliksik upang mapatunayan ang isang bagay at pangyayari. Kailangan na ang bawat teorya ay may basehan o ebidensya. 5 Pinaniniwalaang ang mga unang tao na nanirahan sa Pilipinas ay dumaan sa mga tulay na lupa. Makaraan ang maraming taon, ang sinasabing tulay na lupa na ito ay nawasak at lumubog dahil na rin sa malalakas na paglindol at pagkatunaw ng mga yelo na nagmula pa sa pinakadulong bahagi ng ating mundo. Ito ay dahilan kung kaya’t ang Pilipinas ay napahiwalay sa lupain ng Asya at naging isang kapuluan. Ang mga pangyayaring ito ay naging daan upang dumating sa ating bansa ang mga sinaunang tao na tumira sa Pilipinas. Sinu-sino nga ba sila? Halina’t atin silang isa-isahin. Ang mga Negrito o Ita Ang unang pangkat ng mga tao na dumating sa Pilipinas ay tinatawag na Negrito o Ita. Sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa. Ang kanilang mga pisikal na katangian ay maitim ang kulay ng balat, sarat ang kanilang ilong, kulut na kulot ang kanilang mga buhok, makakapal ang labi, mabibilog ang mata at sila ay pandak. Silay ay gumagamit ng pana at sibat upang makakuha ng kanilang makakain. Karaniwan silang naninirahan sa gilid ng bundok at kweba. Gumagamit sila ng bahag para sa kanilang kasangkapan. Ang grupo ring ito ng mga tao ay kilala sa tawag na Aeta, Ita, Baluga, at Dumagat. Karaniwan ng sila ay natatagpuan sa 6 mga lugar ng Zambales, Mindoro, Panay at iba pang bahagi ng Mindanao. Ang mga Indones Ang mga Indones ay dumating sa Pilipinas sakay ng bangka mula sa Timog Silangang Asya. Sila ay karaniwang naninirahan sa mga kapatagan at baybaying dagat. May dalawang pangkat ng Indones ang dumating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay mapuputi, matangkad, malamlam ang mata matangos ang ilong, maninipis ang mga labi at tuwid ang buhok. Ang ikalawang pangkat naman ng mga Indones na dumating sa Pilipinas ay may mga katangiang maitim, pango ang ilong, makapal ang labi at tuwid ang buhok. Mas maunlad ang paraan ng pamumuhay ng mga Indones kayse mga Negrito. Ang pangkat kase na ito ay marunong ng magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Sila ay mahusay rin pagdating sa paggawa ng mga sasakyang-pandagat. Mayroon na rin silang mga kasuotan na maayos at yari sa mga pinatuyong balat ng hayop na mayroon pang mga disenyo. Naglalagay rin sila ng mga tattoo sa kanilang katawan bilang bahagi ng kanilang kultura. 7 Ang mga Malay Ang mga Malay ang huling pangkat ng tao na dumating sa ating bansa. Nakarating sila rito sakay ng isang bangka na kung tawagin ay balangay. Ang mga pangkat ng tao na ito ay nagmula pa sa Borneo, isang lugar na malapit sa timog na bahagi ng Pilipinas. Dumating ang pangkat ng Malay sa Pilipinas bitbit ang kanilang maunlad na pamumuhay. Marunong na silang gumawa ng mga sandata at kagamitang yari sa metal at bakal. Mayroon na rin silang maunlad na kaalaman sa pagsasaka at marunong na rin silang gumamit ng araro at patubig. Mayroon silang maayos na kasuotan na yari sa bulak at sedang makukulay at magagandang disenyo. Ang mga Malay ay may sistema rin ng pamumuno. Binubuo ito ng mga barangay na kinuha sa pangalan ng sinakyan nilang bangka na balangay. Ang paraang ito ng pamamahala na mayroong pinuno na kung tawagin ay Datu. Mayroon na rin silang mga batas na sinusunod at marunong na rin silang bumasa at sumulat. Ang kanilang katangiang pisikal ay may katatamtamang taas, kayumanggi ang kanilang kulay, maiitim ang mata, tuwid ang buhok, sarat ang ilong at may katamtamamng laki ng pangangatawan. Sa katunayan, higit ng 8 maraming Pilipino ang nahahawig sa pisikal na katangian ng Malay. Sa iyong pagbabasa ng ating paksa ngayong araw, umaasa ako na madali mo lamang itong naintindihan. Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman, maaaring magtungo ka sa iyong guro upang ikaw ay magpaturo pa ng mga gusto mong malaman tungkol sa ating mga ninuno. At sa oras na ikaw ay handa na, maaari mo ng ipagpatuloy ang pagsagot sa mga katanungan sa modyul na ito. Simulan mo na!
Part 4 – Heneral Antonio Luna at Heneral Gregorio del Pilar 31. Sino ang tinaguriang pinakamahusay na heneral ng hukbong Pilipino laban sa mga Amerikano? A. Emilio Aguinaldo B. Antonio Luna C. Miguel Malvar D. Mariano Llanera 32. Ano ang naging propesyon ni Antonio Luna bago siya sumali sa rebolusyon? A. Abogado B. Doktor at parmasyutiko C. Inhinyero D. Sundalo ng Espanyol 33. Ano ang pangunahing ambag ni Antonio Luna sa hukbong Pilipino? A. Pagpapalakas ng disiplina at istratehiya militar B. Pagpapalawak ng Katipunan C. Pag-aayos ng kasunduan sa Biak-na-Bato D. Pagpapakilala ng edukasyon sa kababaihan 34. Saang bayan pinaslang si Antonio Luna noong 1899? A. San Fernando, Pampanga B. Cabanatuan, Nueva Ecija C. Malolos, Bulacan D. Kawit, Cavite 35. Sino ang tinaguriang “Batang Heneral”? A. Vicente Lukban B. Mariano Llanera C. Gregorio del Pilar D. Macario Sakay 36. Ilang taon lamang si Gregorio del Pilar nang maging heneral siya? A. 22 B. 23 C. 24 D. 25 37. Ano ang kilalang labanan kung saan nakilala si Gregorio del Pilar bilang bayani? A. Labanan sa Balangiga B. Labanan sa Tirad Pass C. Labanan sa Biak-na-Bato D. Labanan sa Cavite 38. Ano ang layunin ni Gregorio del Pilar sa Tirad Pass? A. Harangin ang mga Amerikano upang makatakas si Aguinaldo B. Makipagkasundo sa mga Amerikano C. Ipagdiwang ang Kalayaan ng Pilipinas D. Magtatag ng bagong pamahalaan 39. Ano ang nangyari kay Gregorio del Pilar sa Tirad Pass? A. Nakatakas siya at tumakas patungong Hong Kong B. Nahuli at ikinulong ng mga Amerikano C. Namatay sa labanan habang ipinagtatanggol si Aguinaldo D. Sumuko at nagbigay ng armas 40. Ano ang simbolo ng kabayanihan nina Antonio Luna at Gregorio del Pilar? A. Pagsuko sa Amerikano B. Tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan C. Pagiging lider ng Katipunan D. Pagtulong sa mga Espanyol
1. Anong uri ng mamimili ang bumibili batay sa sikat o kilalang tatak, tulad ng iPhone o branded na damit? A) Price-conscious B) Brand-conscious C) Quality-conscious D) Emotional Buyer 2. Ang isang buyer na laging naghahanap ng pinakamura, discount, at nag-aabang ng sale ay tinatawag na: A) Impulsive Buyer B) Quality-conscious C) Price-conscious D) Emotional Buyer 3. Si Juan ay bumili ng bagong gamit sa bahay dahil inuuna niya ang tibay, kalidad, at pakinabang nito. Anong uri siya ng mamimili? A) Quality-conscious B) Brand-conscious C) Impulsive Buyer D) Price-conscious 4. Anong uri ng mamimili ang biglaang bumibili sa mall o online shop nang walang paunang plano? A) Emotional Buyer B) Brand-conscious C) Price-conscious D) Impulsive Buyer 5. Ang pagbili ng comfort food kapag malungkot o masaya ay halimbawa ng anong uri ng mamimili? A) Quality-conscious B) Emotional Buyer C) Price-conscious D) Impulsive Buyer 6. Ano ang unang hakbang sa Proseso ng Pagdedesisyon sa Pagkonsumo? A) Impormasyon B) Pangangailangan C) Alternatibo D) Desisyon 7. Sa anong hakbang ng pagdedesisyon ginagawa ang paghahambing ng iba't ibang tatak at presyo? A) Impormasyon B) Desisyon C) Alternatibo D) Pagsusuri 8. Ang huling hakbang sa Proseso ng Pagdedesisyon sa Pagkonsumo kung saan tinatasa kung naging sulit ba ang pagbili ay ang: A) Desisyon B) Pagkonsumo C) Pagsusuri D) Impormasyon 9. Aling salik sa pagdedesisyon ang nagtatakda sa laki ng badyet at kakayahang bumili ng sambahayan? A) Presyo B) Kita C) Panlasa D) Anunsyo 10. Ang salik na tumutukoy sa pagka-akit o pagkakaimpluwensya ng mga patalastas sa TV at social media ay ang: A) Panlasa B) Presyo C) Kita D) Anunsyo
Narito ang 10 multiple choice questions para sa Lesson 1: Pag-usbong ng Liberal na Ideya (Grade 5 – Araling Panlipunan): --- Pag-usbong ng Liberal na Ideya (10 Items – Multiple Choice) 1. Ano ang ibig sabihin ng “liberal na ideya”? A. Paniniwalang dapat manatili ang mga kolonyal na batas B. Kaisipang nagbibigay-halaga sa kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay C. Kaisipang nagpapalakas sa kapangyarihan ng simbahan D. Paniniwalang dapat sunod-sunuran sa mga dayuhan 2. Anong pangyayari sa Europa ang nagpalaganap ng liberal na ideya? A. Pananakop ng Amerika B. Rebolusyong Pranses C. Pananakop ng Hapon D. Digmaang Pilipino-Amerikano 3. Isa sa mga layunin ng liberal na pamahalaan ay: A. Ipagpatuloy ang kolonyalismo B. Palakasin ang pamumuno ng simbahan C. Bigyan ng kapangyarihan ang mamamayan D. Ipagbawal ang pag-aaral 4. Paano nakarating sa Pilipinas ang mga liberal na ideya? A. Sa pamamagitan ng mga turista B. Sa pamamagitan ng mga galyon C. Sa pamamagitan ng edukasyon, pahayagan, at mga reporma D. Sa pamamagitan ng mga pari 5. Sino ang kilalang gobernador-heneral na nagpahayag ng liberal na pamumuno sa Pilipinas? A. Rafael Izquierdo B. Carlos Ma. de la Torre C. Emilio Aguinaldo D. Diego Silang 6. Ano ang naging epekto ng liberal na ideya sa isipan ng mga Pilipino? A. Natutong sumunod sa lahat ng utos ng Espanyol B. Naging masaya sa pananakop C. Nagising sa pagnanais ng pagbabago at kalayaan D. Tumigil sa pag-aaral 7. Anong bansang naging inspirasyon ng mga Pilipino dahil sa kanilang liberal na ideya? A. India B. Japan C. Pransiya D. Pilipinas 8. Bakit tinutulan ng mga konserbatibong Espanyol ang liberal na ideya? A. Dahil ayaw nila sa pagbabago B. Dahil gusto nilang lumaban ang Pilipino C. Dahil ayaw nila ng edukasyon D. Dahil gusto nilang umalis sa Pilipinas 9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng liberal na ideya? A. Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng saloobin B. Ang mga babae ay hindi dapat mag-aral C. Ang mga indio ay dapat manatiling utusan D. Ang lahat ng desisyon ay dapat manggaling sa simbahan 10. Paano nakatulong ang mga liberal na ideya sa pagbuo ng nasyonalismo ng mga Pilipino? A. Naging mas tahimik ang mga Pilipino B. Naisip nilang ipaglaban ang sariling bansa at karapatan C. Sumunod sila sa lahat ng utos ng Espanya D. Umalis sila sa Pilipinas --- Kung gusto mong gawing worksheet na may directions, table format, o idagdag ang answer key, sabihan mo lang ako! Isama lahat ng 10 questions na ito