
KMES ESP 4 PRETEST 2ND QTR SY 2021-2022
Quiz by Ronald Camacho
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Naibigay ko sa maling tao ang kahon na bilin ng aking guro. Ano’ng gagawin ko?
Pinagbintangan ka ng inyong matalik na kaibigan sa pagkuha ng baon ng iyong kaklase. Ano ang dapat kong gawin?
May programa sa iyong paaralan. Nakita mo ang mga kasuotan ng iyong kaklase ay bago bukod kay Dulce na kupas at luma pa. Ano ang dapat kong gawin?
Wastong salita na ginagamit sa paghingi ng paumanhin sa kapuwa.
Nararapat gawin upang maipakita ang paghingi ng paumanhin sa kapuwa.
Nakita ni Jim na walang baon ang kanyang katabi sa upuan habang sila ay nagri rises. Si Jim ay:
Naglalakad pauwi si Carla ng napansin niyang hindi makatawid ang matanda sa pedestrian. Ano ang kanyang gagawin?
Nalaman ng pamilya ni Luz na nagkasakit ng COVID ang isa nilang kabarangay. Ano kaya ang kanilang gagawin?
Nabalitaan mo na maraming tao ang biktima ng ibat- ibang kalamidad. Ano ang pwede mong gawin?
Bakit kailangan tumulong sa mga kapuspalad at biktima ng kalamidad?
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa oras ng pamamahinga?
Nag-aaral si Angela ng kaniyang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao dahil magbibigay ng pagsusulit ang kaniyang guro. Maya-maya ay biglang dumating ang kaniyang mga kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
Nasa silid-tulugan ang iyong lolong maysakit at kagagaling lamang niya sa ospital. Alam mo na kailangan niyang magpagaling ng mabuti. Ano ang dapat mong gawin upang ipakita ang iyong paggalang sa kaniya?
Isang umaga pagkagaling ni Alfredo sa tindahan ay nadatnan niyang nag-uusap ang kaniyang nanay at ang kaibigan nito sa kanilang sala. Ano ang dapat gawin ni Alfredo na nagpapakita ng paggalang ?
Sino sa mga sumusunod na mga bata ang nagpapakita ng paggalang?
Ano ang dapat gawin sa upuan pagkatapos gamitin?
Ano ang dapat gawin sa aklat habang ginagamit?
Ano ang dapat gawin kapag may hiniram na gamit?
Ano ang gagawin mo kung nakita mong may sira ang upuan sa kantina?
Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mong sinisipa ng kamag-aral mo ang pisara?
Nakita mong nagku-kwentuhan ang iyong mga kamag-aral habang nagtuturo ang inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
Malakas na nagkakantahan ang kapit-bahay ninyo sa oras ng pamamahinga. Ano ang gagawin mo?
Wala kang makitang basurahan, saan mo ilalagay ang balat ng iyong kinakaing biscuit?
Wala kang kasama sa bahay, narinig mo na padating na ang trak ng basura, ano ang gagawin mo sa basura na nasa bahay ninyo?
Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mong ipinahid ng iyong kamag-aral ang sauce ng kanyang kinakaing spaghetti sa mesa?
Anong kaugalian ang dapat nating matutunan sa paggamit ng mga kagamitan at pasilidad?
Anong kaugalian ang ipinapakita mo sa mga may-ari kung iniingatan mo at pinangangalagaang mabuti ang kanilang kagamitan?
Anong kaugalian ang ipinapakita mo kapag iniingatan mo ang mga pasilidad ng paaralan alang-alang sa susunod na gagamit?
Anong pasilidad ang HINDI makikita sa paaralan?
Anong pasilidad sa paaralan na dapat ingatan ang may pisara, upuan, mesa, dingding, bintana at pintuan kung saan tayo ay palaging nandoon?
Pumasok ka sa loob ng silid-aklatan upang humiram ng aklat. Nakita mo ang iyong kamag-aral na lumabas at hindi isinauli ang mga aklat sa tamang lagayan. Ano ang gagawin mo?
Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mong tinutuntungan ng iyong kamag-aral ang mesa sa silid-aralan?
Ano ang dapat gawin kapag nakita mong may sulat ang mga dingding sa palikuran?
Ano ang dapat gawin sa tuwing gagamit ng palikuran upang hindi lumaganap ang hindi magandang amoy nito?
Ano ang dapat gawin kung kailangan mo ng bumalik agad sa silid-aralan habang ikaw ay kumakain sa kantina?
Habang ikaw ay nanonood ng telebisyon ay nagpapahinga ang iyong ina sa kanyang silid dahil katatapos lamang niyang maglaba ng mga maruruming damit. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang iyong gagawin na nagpapakita ng paggalang sa iyong ina?
Pinuntahan ni Jana ang kaniyang pinsan na si Eny upang yayain na maglaro sa parke. Ngunit inabutan niyang nagsasaulo ito ng tula para sa kanilang pagsasanay kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Jana na nagpapakita ng paggalang sa kaniyang pinsan?
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng paggalang?
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa taong maysakit?
Nagpapaliwanag ang iyong guro sa harapan ng klase. Ngunit ikaw ay kinakausap ng iyong kamag-aral. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa ganoong sitwasyon? .