
KOMPAN REVIEWER
Quiz by Ashley Maiev
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang salitang Ingles na language galing sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay ________.
Siya ay isang Amerikanong dalubwika na nagsabing " Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura." Sino siya?
Sino ang nagtaguyod ng Teoryang Behaviorism o Behaviorist Approach?
Ayon sa Teorya ng pagkatuto ng wika, ang paniniwalang __________ ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang tao.
Ang Teoryang Makatao ay nagbibigay diin sa salik _____________.
Isang siyentipikong Ingles ang nagsabi na ang wika ay pangunahin at pinakadetalyadong anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ayon sa kanya ang komunikasyon ay payak na gamit ng wika at nagaganap ito sa pagitan ng nakikinig (tagatanggap) at nagpapadala ng mensahe ( tagapagbigay)
Ayon sa teoryang ito kung ang bata ay may pag-unawa sa mga konseptong nakalantad sa kanyang kapaligiran mas madali niya itong maggamit sa pagsasalita. Ang pananaw na ito ay sumasalamin sa prosesong pangkaisipan ng isang bata na nalilinang sa interaksyong nagagnap sa kapaligiran.
Tumutukoy sa isang sistema kung saan ang mga taong kabilang sa isang lipunan ay kabahagi ng paniniwala, pananaw, kaalaman, pag-uugali at pagpapahalaga.
Ito ay ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisipan buhat sa mga taong may sosyal na relasyon, ugnayan, o interaksyon sa isa’t isa.
Ang wika ay patuloy na nagbabago dala ng panahon at ugnayan ng mga panahon at ugnayan ng mga tao sa isa’t isa.
Ang wika ay sentro ng karanasan ng tao. Ang lahat ng konseptong tinataglay ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa mundo ay nagmula sa kanyang wikang ginagamit.
Ang Teoryang ito ay may paniniwalang lahat ng ipinangnak ay taglay ang isang built-in device o isang likhang -isip na aparato na kung tawagin ay ‘’ Black Box’’ na kung saan ito ay responsable sa pagkatuto ng wika.
Ito ay ang wika na karaniwan, palasak, at gamit sa kaswal na usapan sa pang-araw-araw.
Ito ay binubuo ng mga salitang pamantayan o istandard dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika katulad ng mga nasa akademya, pamahalaan, at iba’t ibang institusyon.
Umusbong ang mga salitang ito sa mga lansangan at kadalasang ginagamit ng mga masa ngunit nang lumaon ay ginamit na rin ng ibang tao.
Ito ang wikang ang ginagamit ay matalinghaga at masining.
Ang madalas na gumagamit ng ganitong uri ng antas ay mga malikhaing manunulat.
Dayalekto o karaniwang sinasalita sa isang rehiyon katulad ng Tagalog, Ilokano, Cebuano, at Bikolano.
Ito ay nagmula sa pormal na mga salita na naglaon ay naasimila na dala ng mga taong gumagamit nito. Ito ay madalas na ginagamit sa umpukan o ordinaryong mga usapan kung kaya hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika, isang katangian nito ay ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
Ito ang wikang ginagamit sa pamahalaan at sa paaralan.
Ang ________ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba't ibang wika.
Ayon sa kanya, ito ay komunidad ng mga taong kabilang sa patakaran at pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag-unawaan.
Ayon kay Ferdinand De Saussure, ang homogenous ay yaong binubuo ng mga miyembrong kabilang at nagkakasundo sa iisang koda (code) na sila lamang ang nagkakaunawaan.
Ang __________ na Lingguwistikong komunidad ay yaong mga miyembrong may tuwiran na ugnayan sa iba pang pangkat ng tao sa lipunan.
Australyanong lingguwista na sumulat ng aklat na Explorations in The Functions of Language
Ito ay ginagamit ng tao upang kontrolin o magbigay gabay sa kilos o asal ng ibang tao. Ito ang nagtatakda kung ano ang dapat o hindi dapat gawin ng isang tao.
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng mga tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa.
Ang gamit ng wika kung itoý ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng impormasyon – mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagdala at makatanggap ng mensahe sa iba.
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito upang maisakatuparan ang nais na mangyari, gayundin ay matugunan ang pangangailangan ng isang tao – pisikal, emosyonal o sosyal na pangangailangan.
Ang gamit ng wika, kung ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng sariling personalidad batay sa sariling kaparaanan, damdamin, pananaw, o opinion.
Ang gamit ng wika kung ito ay ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon upang makapagtamo ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.
Ang gamit ng wika kung ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kanyang imahinasyon.
Ito ay ang paggamit ng wika sa sariling paraan ng isang indibidwal na yunik o pekulyar sa kaniya. Kabilang dito ang ginagamit na bokabularyo, gramatika, at pagbigkas.
Ito ay ginagamit ng isang partikular na societal strata o grupo ng iba’t ibang uri o klasipikasyon ng mamamayan sa lipunan.
Ito ay nabubuo dahil sa tiyak na ugnayan ng mga taong nasa loob ng partikular na lokasyon.
Ayon kay Wilhelm Solheim, ang mga Austronesian ay nanggaling sa Tangway Malayo at nakarating sa Indonesia, Pilipinas, mga kapuluan sa Pacific at Madagascar.
Ayon sa mga eksperto, ang pinagmulan ng kasalukuyang lahing Pilipino ay ang tinatawag na Austronesians.
Ayon sa mga eksperto, ito ang pinagmulan ng kasalukuyang lahing Pilipino.
Sya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
Ito ang panahon kung saan namulat ang makabayang damdamin ng mga Pilipino.
Ito ang panahon kung saan lumaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa.
Siya ay isang Amerikanong antropologo na ama ng Arkeolohiya sa Timog Silangang Asya.
Isang Pilipinong historyador at antropologong nagsulat ukol sa pagdating ng mga ninuno nating mga Austronesian noong 7,000 – 5,000 BCE hanggang 800 BCE.
Ang aklat na ito ay nailimbag ng mga Espanyol noong taong 1593, naglalaman ito ng mga beryon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano na nasa Espanyol-Tagalog.
Mga dahilan kung paano namulat ang makabayang damdamin ng mga Pilipino MALIBAN SA:
Ang kanyang taguri ay “Laong-laan/ Dimasalang” at siya ang nagtatag ng La Liga Filipina.
Itinatag niya ang Diaryong Tagalog (unang pahayagang Tagalog) noong 1882.
Siya ang unang pumatnugot sa pahayagang La Solidaridad .
Ang kanyang taguri ay “Taga-ilog”. Siya ang tumulong sa pagtatag ng Kilusang Propaganda at naging heneral sa Pilipinas.
“Tikbalang Kalipaliko”, “Naning” – nagging mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
“Justo Desiderio Magalang”- isang iskolar, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda.
Ito ang panahong tinaguriang Gintong Panahon ng Panatikang Filipino.
Ang komisyong ito ay kilala sa First Philippine Commission na pinamumunuan ni Jacob Schurman. Naglalayon ang komisyong ito na siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng Estados Unidos.
Ito ay kilala rin bilang Second Philippine Commission na nagpasimula sa pagtatayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas. Nagsilbing tagapagbatas ng Pilipinas ang Komisyon sa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino – Amerikano na pinamumunuan ni William Howard Taft.
Tagalog ang naging batayan sa paglikha ng wikang pambansa dahil______________.
Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng komisyon sa wikang Filipino?
Ang Pilipinas ay masasabing Malaya dahil____________________.
Malaki ang naging ambag ni Pangulong Cory Aquino sa pag-unlad ng ating wikang pambansa dahil _____________.
Petsa kung saan pinawalang-bisa ni Corazon Aquino ang Saligang Batas ng 1973.
Pangulo ng SWP o Surian ng Wikang Pambansa
Sino ang komisyoner na naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya?
Kautusang nagsasaad na ang wikang Tagalog at Hapon ay siyang gagawing opisyal na wika ng bansa.
Noong Marso 19, 1990, itinakda ng Kalihim ng DECS na si Isidro Carino na bigkasin ang panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas at sa bayan sa anong wika.
Konstitusyon na nagsasaad na ang ating Pambansang Wika ay tatawaging Filipino.
Dayalektong napili ng SWP na maging batayan ng wikang pambansa.
Petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong Manuel L. Quezon.
Naging Pangulo ng Pilipinas na lumagda sa Proklamasyon Blg. 12 na nagsasaad ng petsa ng pagdiriwang nang linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.
Petsa kung kailan inilabas ang kautusang tagapagpaganap Blg. 112, kung saan binago ang katawagan ng Surian ng Wikang Pambansa at napalitan ng katawagang Linangan ng mga Wika ng Filipino.
Buwan kung kalian nilagdaan ang proklamasyon Blg. 41 na nagtatakda na ang Agosto ay tatanghaling Buwan ng Wika.
Sinusuri nito ang dagliang pagpapalagap at pagpapatupad ng ortograpiyang Pambansa.