placeholder image to represent content

Lagumang Pagsusulit 1- Modyuls 1 at 2 (Filipino 4)

Quiz by Herminigilda L. Declaro

Grade 4
Filipino
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    "May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy, at nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon, dahil sa sakit di na nakaya pang lumipad, ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas". Anong uri ng ibon ang nabanggit sa awit?
    kalapati
    manok
    pipit
    uwak
    30s
  • Q2
    "May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy, at nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon, dahil sa sakit di na nakaya pang lumipad, ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas". Bakit hindi na kinayang lumipad ng pipit ?
    hindi kinaya ang sakit ng pagkakabato sa pakpak niya
    nawalan siya ng balanse at nabali ang isang pakpak
    naputol ang sanga ng puno at siya ay nalaglag
    sumabit sa sanga ang isa niyang pakpak
    30s
  • Q3
    "Si Juan ay lumiban sa klase kasi siya ay nabasa ng ulan kahapon." Ano ang mahihinuha mo sa nangyari sa kanya?
    Marahil siya ay tanghali ng nagising.
    Marahil siya ay may lagnat sa araw na ito.
    Marahil siya ay tinamad pumasok.
    Marahil siya ay hindi nakagawa ng takadng aralin.
    30s
  • Q4
    Ang guro ni Jonas sa Mathematics ay nagbigay ng karagdagang gawain. Alin ang tamang baybay ng salitang "Mathematics" sa Filipino?
    Mathematika
    Matematika
    Matematiks
    Math
    30s
  • Q5
    Tuwing birthday, ang cake ay isa sa mga pagkaing inihahanda. Alin ang salitang hiram na ginamit sa pangungusap? Isalin sa wikang Filipino
    pagkain
    bertdey
    keyk
    kaarawan
    30s
  • Q6
    Si Martin ay masipag na bata. Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa paglalarawan?
    lantay
    pasukdol
    lantay at pahambing
    pahambing
    30s
  • Q7
    Ang buhay sa baryo ay mas tahimik kumpara sa lungsod. Ano ang kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa paglalarawan?
    lantay at pahambing
    pahambing
    lantay
    pasukdol
    30s
  • Q8
    Ang ______________________ na naitala sa Guiness Book of World Record ay gawa sa Marikina.
    mas malaking sapatos
    malaking sapatos
    napakalaking sapatos
    pinakamalaking sapatos
    30s
  • Q9
    Ang Lungsod ng Marikina ay __________________ kesa Manila.
    mas malinis
    pinakamalinis
    malinis
    napakalinis
    30s
  • Q10
    Marami ang tumatangkilik sa mga sapatos na gawang Marikina dahil ito ay subok na __________________________.
    matibay
    pinakamatibay
    napakatibay
    mas matibay
    30s

Teachers give this quiz to your class