
Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10 (Ikalawang Markahan)
Quiz by Jobel Candaza
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
“Habang kami ay kumakain ay dumating ang Donya na amo ni itay at sa aking narinig, kami raw ay mga timawa. Iyon ang salitang hinding-hindi ko makalilimutan kung kaya’t nagsumikap ako sa aking pag-aaral.” Batay sa punong salitang “mata”, ano ang maikakabit na salita na katangian ng Donya?
Mula sa kamusmusan ay namulat na si Adong sa pakikipagsapalaran sa lansangan. Lahat ng pang-iinsulto at pagmamalabis ay kaniya na ring naranasan. Lumaki siyang mag-isa na maysariling paninidigan at tapang.
Alin sa sumusunod na kolokasyon ng salitang “puso” ang mayroon si Adong?
“Ako’y naniniwala na hindi natin dapat panghinawaan ang mga pangaral ng ating mga magulang sapagkat ito ay para na rin sa ating ikabubuti.”
Alin ang wastong epitimolohiya ng salitang may salungguhit?
Pinasinayaan ng mga Marikenyo ang muling pagbubukas ng tiangge sa tabing ilog matapos ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Alin ang wastong epitimolohiya ng salitang may salungguhit?
“Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait muni't sa hatolay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Habag ng magulang sa irog ng anak.”
Ano ang sukat ng saknong na iyong binasa?
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait muni't sa hatolay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Habag ng magulang sa irog ng anak.”
Ano ang talinghaga na mayroon sa saknong?
‘Di mahulugang karayom,laman ng isip ko.
Litong-lito, ako baga’ynatutuliro.
‘Di ko malaman kungsa’n ba liliko.
Basta alam ko, nariyanka sa tabi ko.
Alin sa sumusunod na taludtod sa binasang saknong ang may matalinghagang paglalarawan sa taong dumaraan sa maraming suliranin?
Ginto at pilak sa bibig nakatarak
Asal buwaya imong tinatahak
Habol-habol, salakot at itak
Sirit ng pula, bumulwak-bulwak
Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan at paglalarawan ng mga salitang ginamit sa tula?
Kapag nahirati ang isang bata sa puro luho ay mapapansin mong mamimihasa siyang huwag nang magsikap sa buhay sapagkat hindi siya natutong magbanat ng kaniyang buto.
Ano ang dalawang salita na magkaugnay sa pangungusap?
Kailangang lagi tayong magmasid sa ating paligid dahil hind isa lahat ng pagkakataon ay lagi tayong handa kung kaya’t mainam pa ring magbantay sa galaw ng kaaway na sa di-inaasahang panahon ay handang sumalakay.
Ano ang dalawang salita na magkaugnay sa pangungusap?
Mula sa binasang buod, makikitang lumutang sa akda ang teoryang ____.

“Nais takasan ng dalawa ang kanilang kapalaran sa lungsod ngunit batid ni Ligaya na kayang-kaya siyang patayin ng kaniyang kinakasama saan man siya magpunta. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay wala ng malay si Ligaya.”
Ang teoryang pampantikan sa sitwasyon ay ____.
“Nagtrabaho siya bilang isang mag-aanluwage at humantong sa pagbebenta ng sariling katawan.”
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
Ang salitang prostitusyon sa binasang nobela ay nangangahulugang _____.
Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng mga salita/parirala ang mabisang gamitin sa pagsusuring-basa?
Alin sa sumusunod napahayag ang nagpapakita ng pinakamabisang pahayag sa pagsusuring-basa o panunuring pampanitikan?
Ano ang pinakaangkop na pananaw mula sa binasang sanaysay?

Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng sariling opinyon mula sa binasang sanaysay?
Nakapili at naihayag na ni Haring Duncan na ang papalit sa kaniyang trono ay walang iba kundi ang kaniyang anak na si Malcolm.
Ano ang umiiral na uri ng pamahaalaan sa bansang ito?
Ipinagpatuloy pa rin ni Macbeth ang pakikidigma kahit pa alam na niya ang kaniyang magiging kasawian.
Anong kaugalian ng mga Scottish ang ipinakikita sa binasa?
Kahit na alog na ang baba ni Gng. Mabituin ay ginagampanan pa rin niya ang pagiging guro at mapagmahal na ina at asawa sa kaniyang pamilya.
Ano ang kahulugan ng di-lantad na salita na may salungguhit sa pangungusap?
Madilim na bahagi ng buhay ng bawat isa ang taong 2020 dahil sa sunod-sunod na unos na dumating sa ating buhay, isa na rito ang pagkalat ng nakahahawang sakit na COVID-19.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
“#SKL guys! Kanina, pumunta ako sa Riverbanks at nakita ko na marami na palang mga tao. Ligtas naman dahil sinusunod ang social distancing at pagsusuot ng facemask. 'Yung mga kumakain, magkakahiwalay rin. Nakakatuwa talaga sa Marikina. May disiplina ang mga tao.”
Ano ang kahulugan ng dinaglat na salitang maysalungguhit batay sa pagkakagamit sa pahayag?
“JUST IN: Marikina LGU nagsimula ng magbakuna sa mga edad 18 pababa.”
Ang salitang may salungguhit ay madalas mababasa sa mga balita sa social media at ito ay nangangahulugang ____.