Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga pamamaraan ang gumagamit ng limang pandama upang makakuha o makapangalap ng impormasyon o datos.

    obserbasyon

    panayam

    artsibong pananaliksik

    sarbey

    60s
  • Q2

    Bahagyang pagtingin ito o pagbasa sa mga impormasyong natatagpuan habang nagbabasa. Layunin nito ng madaliang makita ang anumang hinahanap na datos tulad ng numero sa telepono, kahulugan ng salita sa diksiyonaryo, o ng mga pangalan ng nakapasa sa pagsusulit.

    Pagsusuring pagbasa

    Pahapyaw na Pagbasa   

    Paaral na Pagbasa

    Pamumunang pagbasa  

    30s
  • Q3

    Tungkol ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa pangayayaring naganap sa binasa.

    Bisang pangkaasalan

    Bisang pangkaisipan

    Bisang pandamdamin

    Bisang pangkaalaman

    30s
  • Q4

    Binibigyang- puna sa ganitong gawain ng pagbabasa ang loob at labas ng tekstong binasa mula sa mga elemento nito tulad ng pamagat, simula, katawan, wakas ng akda, estilo ng may-akada, at ang wastong paggamit ng balarila at ng bantas.

    Mabilis na pagbasa

    Pagsusuring pagbasa

    Pamumunang pagbasa

    Paaral na pagbasa

    30s
  • Q5

    Anong uri ng pagbabasa ang ginagamit sa tuwing kailangang pag-aralan ang isang paksa sa inyong klase upang maging handa sa isang pagsusulit kinabukasan?

    Pagsusuring pagbasa

    Pahapyaw na pagbasa

    Pamumunang pagbasa

    Paaral na pagbasa

    30s
  • Q6

    Halimbawa ng pagpapahayag na ito ay ang pagkekwento ng mga pangyayaring naganap na.

    Pangangatwiran

    Paglalahad

    Paglalarawan

    Pagsasalaysay

    30s
  • Q7

    Ito ay may layong mapatunayan sa tulong ng mga  halimbawa o patunay at mapalitaw ang kabisaan o katotohanan ng bagay  o pangyayaring binibigyan ng katwiran.

    Pangangatwiran

    Paglalahad

    Pagsasalaysay

    Paglalarawan

    30s
  • Q8

    May kaugnayan ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos mabasa.

    Bisang pandamdamin

    Bisang pangkaasalan

    Bisang pangkaalaman

    Bisang pangkaisipan

    30s
  • Q9

    Tumutukoy ito sa naging epekto o pagababagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.

    Bisang pangkaasalan

    Bisang pandamdamin

    Bisang pangkaalaman

    Bisang pangkaisipan

    30s
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod na uri ng pagpapahayag ang may layuning maipamalas sa  kausap o mambabasa ang katangian,   kaanyuan, kulay, hugis, anyo ng isang tao,  bagay, pook,pangyayari, o  isang gawain?

    Pangangatwiran

    Pagsasalaysay

    Paglalahad

    Paglalarawan

    30s
  • Q11

    “Nakakatuwang isipin na suportadong mga magulang ang bawat desisyon na ginagawa ng kanilang anak basta’t ito aynakabubuti sa kanya at nakakatulong upang mahubog siyang sa gusto niyang magingpaglaki.”

    Anong bisang pampanitikan ito?

    Bisang pangkaasalan

    Bisang pangkaalaman

    Bisang pandamdamin

    Bisang pangkaisipan

    30s
  • Q12

    “Huwag magtiwala agad-agad sa isang estranghero”

    Anong bisang pampanitikan ang mapapansin sa itaas?

    Bisang pandamdamin

    Bisang pangkaasalan

    Bisang pangkaisipan

    Bisang pangkaalaman

    30s
  • Q13

    Alin sa mga sumusunod na uri ng pagpapahayag ang may layuning mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na paghahanay?

    Paglalahad

    Pangangatwiran

    Pagsasalaysay

    Paglalarawan

    30s
  • Q14

    Nais ni Jiji na malaman kung ilan sa mga kaklase niya ang marunong sa pagguguhit. Alin as mga sumusunod na pamamaraan ng pangangalap ng datos ang makakatulong sa kanya?

    Panayam

    Sarbey

    Artsibong pananaliksik

    Obserbasyon

    30s
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng primaryang datos?

    ensayklopidya

    teksbuk

    diksyonaryo

    diary

    30s

Teachers give this quiz to your class