placeholder image to represent content

LS 4 - Life and Career Skills

Quiz by Chona Reyes

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Gumagawa ng mga hair accessories si Susan subalit nahihirapan siyang ibenta ito. Anong ahensya ng gobyerno ang maaari niyang lapitan para lumago ang negosyo niya?

     Department of Trade and Industry ( DTI)

     Department of Agriculture (DA)

     Department of Tourism (DOT)

     Department of Environment and Natural Resources (DENR)

    30s
  • Q2

    Si Melanie ay gumawa ng mashed camote with milk dahil ang ibinebenta lang sa kantina ay nilagang kamote. Bilang entreprenyur, ano ang katangiang ipinamalas niya?

     May tiwala sa sarili

     Masipag

     Masinop

     Malikhain

    30s
  • Q3

    Nagsanay si Maldo sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) ng electronics. Saan siya pwedeng mag-apply ng trabaho pagkatapos magsanay?

     Vulcanizing Shop

     Computer Repair Shop

     Welding Shop

     Car Wash Shop

    30s
  • Q4

    Maagang binubuksan ni Mang Roldan ang pinapasukang Auto Repair Shop. Tumatanggap siya ng mga mamimili kahit lampas na sa oras at sinisigurado niyang maayos ang kanyang trabaho. Ano ang magandang katangiang ipinapakita niya bilang isang empleyado?

     Masayahin

     Mahusay

    Mapagbigay

    Masipag

    30s
  • Q5

    Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat gawin sa mga kagamitang panluto pagkatapos gamitin?

    1. Hugasan ang mga kasangkapang panluto.

    2. Punasan ang mga kasangkapang panluto.

    3. Ihiwalay ang mga kasangkapang ginamit na babasagin.

    4. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga kasangkapang panluto.

    1, 3, 4, 2

     4, 1, 2, 3

    3, 1, 2, 4

     2, 3, 4, 1

    30s
  • Q6

    Alin sa mga pangungusap ang HINDI nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng isang manggagawa?

     Pagsusuot ng mask o salamin habang nagwewelding at nagkukumpuni ng sasakyan. 

     Pagsusuot ng matigas na sombrero o helmet sa lugar ng konstruksiyon. 

    Pagsusuot ng sando habang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw.

    Pagsusuot ng gomang guwantes sa pagputol ng kable o kawad ng kuryente.

    30s
  • Q7

    Alin ang HINDI mabisang pamamaraan upang dumami ang mamimili ng isang tindahan?

     Siguraduhing maganda at mataas ang kalidad ng serbisyo o produkto.

     Tugunan ang pangangailangan ng mamimili. 

    Igalang ang desisyon ng mamimili.

     Magbigay ng mura ngunit walang kalidad na serbisyo o produkto. 

    30s
  • Q8

    Magtatayo ka ng maliit na negosyo ng puto at kutsinta. Isang hotel ang nagnais na sila ay suplayan ng isang libong piraso kada araw. Ano ang iyong gagawin?

    Magdagdag ng tauhan  

     Dagdagan ng yeast para lumaki ang puto at kutsinta

     Bawasan ng gata para makatipid

     Kumuha na ng buong bayad upang maging kapital 

    30s
  • Q9

    Ipinapakita sa pie chart ang buwanang budget ni Nanay Lucing para sa kanyang pamilya. Ano ang nararapat niyang gawin para matugunan ang badyet sa pagkain?

    Question Image

     Bawasan ang ipon at idagdag sa badyet para sa pagkain

    Humiram ng pera para matugunan ang pangangailangan sa pagkain 

    Sundin ang nakalaang badyet para sa pagkain  

    Bumili ng kagamitang pangkusina galing sa badyet ng pagkain

    30s
  • Q10

    Si Mario ay pinagkalooban ng bangko na pautangin ng isang daang libong piso (P100,000.00). Alin ang dapat niyang gawin?

     Ipahiram ang perang nakuha sa kaibigan 

    Bumili ng kulang na kasangkapan sa bahay 

    Kumonsulta sa may alam sa negosyo

     Magbakasyon sa ibang bansa

    30s

Teachers give this quiz to your class