M1_L1: Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10
Quiz by Ann Dominic Picazo
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi masasalamin sa mitolohiyang Cupid at Psyche?
Aling konseptong kultural batay sa kuwentong “Nagkaanak sina Buganat Wigan” ang nangangahulugang pagsamba sa diyos upang mabiyayaan ng anak, masaganang ani at pamumuhay?
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian nina Malakas at Maganda sa kulturangPilipino?
Batay sa mga nabasang mito, alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mito o mitolohiya?
Alin sa sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
Alin sa sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
Si Psyche ay hinahangaan ng lahat ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa kaniyang angking kagandahan.
Ano ang kayarian ng salitang may salungguhit?
Bagaman maraming humahanga sa kaniya, wala ni isa mang kabayan ang nangahas na siya’y ligawan at maging asawa.
Ano ang kayarian ng salitang may salungguhit?
Sa araw ng kasal ni Psyche ay mistula siyang ihahatid ng taumbayan sa kaniyang libingan. Ano ang kayarian ng salitang may salungguhit?
Natuwa si Cupid nang ipagkaloob niJupiter ang ambrosia kay Psyche. Ano ang gamit ng pandiwang may salungguhit?
Nagbigay ang mga diyos ng regalong baboy, manok at kalabaw kay Bugan. Ano ang gamit ng pandiwang may salungguhit?
Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang Makita niya ang labis na paghanga sa tao sa kagandahan ni Psyche. Ano ang gamit ng pandiwang may salungguhit?
Ang pandiwa ay nasa pokus sa aktor kung ang _____________ ang gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Kung ang paksa ng pangungusap ay ang kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos, ang pandiwa ay nasa pokus _______________.
Upang matukoy ang pokus ng pandiwa, mahalagang matukoy ang ugnayan ng _____________ at pandiwa ng pangungusap.
Maraming tao sa buong mundo ang kinitil ng CoViD-19. Ano ang paksa ng pangungusap?
Malimit maghugas ng kamay si Ana upang makaiwas sa mapaminsalang virus. Ano ang pokus ng pandiwang maghugas?
Pinaglayo-layo ng isang metro nina Aling Maria ang mga upuan sa loob ng simbahan upang sumunod sa IATF protocol. Ano ang pokus ng pandiwa?
Ipinangtawid gutom ng mag-anak ang sandakot na bigas at isang latang sardinas pagkatapos ng halos dalawang araw na walang makain. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?