Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1

    Nalaman ni Maria na may problema sa marka ni Donna sa asignaturang Matematika.  Sinabi niya ito kay Joy na katabi niya.  Hindi pa siya nakontento, kinalat niya ito sa buong klase.

    Anong angkop na matalinghagang pahayag ang maaring iugnay sa pangyayari?

    Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.

    Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

    Sanga-sangang dila

    Luha ng buwaya

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q2

    Hindi totoo ang kaniyang pagdadalamhati nang mamatayang kaniyang kaibigan.

    Anong angkop na pahayag ang maaring iugnay sa pangyayari?

    Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

    Aanhin mo ang palasyo, kung nakatira ay kuwago?

    luha ng buwaya

    Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q3

      Sa panahon ngayon ng pandemya, humina ang tindahan ni Jose kaya konti lang ang kita niya araw-araw.  Kaya’t pinagsikapan niyang mabuti na mapagkasya sa kanilang pangangailangan.  Anong angkop na pahayag ang maaring iugnay sa pangyayari?

    Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

    Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.

    Madaling maging tao, mahirap magpakatao.

    Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q4

    Piliin ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan.

    Kung nagbigay ma’t mahirap sa loob, ang pinakakain ay di mabubusog.

    Magaan ang pakiramdam ni Mang Juan sa pag-abot ng tulong sa mga

    naging frontliner ng COVID 19.

    Isang hapunan ang inihanda ng tiya ni Lina, ngunit hindi ako mabusog-

    busog dahil sa bawat subo namin, siya naman ay nakatingin.                                

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q5

    Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.

    Napakalakas ng loob ni Joseng makipag-usap sa kaniyang mga kasama sa

    kabila ng kaniyang mga ginawa.

    Hindi kailanman natatakot si Baldo sa lahat ng kanyang naging desisyon

    dahil malinis ang kanyang intensyon.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q6

    Ang magandang asal ay kaban ng yaman.

    Palaging pinaalalahan si Ana ng kanyang ina na ugaliin ang maging magalang sa kapwa dahil ito ay natatanging kaugalian.

    Hindi man mayaman si Ana, higit pa ring hinahangaan ang walang sawang pagtulong sa kanyang mga kaklase.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q7

     Sa kinahaharap nating iba’t ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring mag bingi-bingihan lamang tayo sa mga pangyayaring ito. Kailangan nating kumilos.

    nagtataingang-kawali

    bahag ang buntot

    matalas ang pandinig

    mahina ang loob

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q8

    Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid19 ay taos-pusong naglilingkod hindi lamang sa ating komunidad at sa ating bansa.

    bukal sa loob

    malawak mag-isip

    makitid mag-isip

    matalas na ulo

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q9

    Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat kasa pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal ng iyong mga magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging inspirasyon upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang panahon at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso noon ay umunlad at nagkaroon na ng magandang buhay.

    Huwag mong sa gawinsa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.

    Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha.

    Kapag may tiyaga, may nilaga.

    Aanhin pa angdamo kung patay na ang kabayo.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q10

    Tukuyin ang kahulugan ng salawikain. "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. "

    Hintayin mo ang Panginoon na basbasan ka ng mabuting kapalaran upang buhay mo ay bumuti.

    Hindi sapat na umasa  ng awa sa Diyos kailangan natin magsikap upang makaahon sa hirap ng buhay.

    Tao tandaan mong gumawa nang mabuti at susuklian ka ng kabutihan.

    Magdasal lang lagi upang biyayaan ka ng Panginoon.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q11

    Tukuyin ang kahulugan ng salawikain. ‘Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.'

    Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay matuto kang magtiis at magtipid.   

    Kung maliit ang kumot ay huwag ng paghatian pa ibigay na lamang sa iba.

    Pagtiyagaan na lamang ang kakulangan sa buhay.

    Maging panatag sa buhay kahit nakakaranas ng kakulangan.

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q12

    Ang musmos na si Muymuy ay hindi pa dapat maglakas loob na sumakay ng bus.

    Anong sawikain ang maaring ihalili sa payak na paglalarawan kay Muymuy?

    Basang-sisiw

    Nagmumurang kamatis

    Hampaslupa

    May gatas pa sa labi

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q13

    Maraming walang trabaho sa bansa kaya’t lalong lumalala ang dinaranas na hirap ng napakaraming mamamayan.

    Anong sawikain ang maaring ihalili sa mga salitang may salungguhit?

    naglilista sa tubig

    naglulubid ng buhangin

    kalapating mababa ang lipad

    nagbibilang ng poste     

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q14

    Hindi tapat sa kalooban ang pagkakawanggawa ng ilang mga pulitiko.

    Anong sawikain ang maaring ihalili sa pariralang hindi tapat sa kalooban?

    pabalat-bunga     

    balimbing

    balat-sibuyas

    bantay-salakay

    30s
    F8PB-Ia-c-22
  • Q15

    Nakakainis kapag may kasapi ng pangkat na kilos pagong.  Ano ang kahulugan ng sawikain na may salungguhit?

    umiikot-ikot lang

    gumagapang sa lupa

    mabagal kumilos

    mabilis kumilos

    30s
    F8PB-Ia-c-22

Teachers give this quiz to your class