M1_L5/L6: Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10
Quiz by Ann Dominic Picazo
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan?
kuwento ng tauhan
kuwento ng makabanghay
kuwentong makabanghay
kuwento ng katutubong kulay
30s - Q2
Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan ang nakaaawang anyo ng mg dingding, ang mga kortinang sa paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin para matupad ang mga pangarap mo sa buhay?
Titiisin ko na lamang angkahirapang ito at makuntento na sa kung ano ang kaya niyang maibigay.
Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa nang gumaan ang aming buhay.
Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking mayaman.
Ipamumukha ko sa aking asawa nahindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay.
30s - Q3
Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap?
Kohesyong Reperens
Gramatikal na Pahayag
Kohesyong Gramatikal
Mga Kohesyong Pahayag
30s - Q4
Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na pangngalan sa unahan ng teksto o pangungusap.
Kohesyon
Anapora at Katapora
Anapora
Katapora
30s - Q5
Ito ay reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.
Anapora
Anapora at Katapora
Kohesyon
Katapora
30s - Q6
Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasiyahan.” Aling salita ang tumutukoy sa panghalip na sila?
Taga-France
Sopistikado
France
kasayahan
30s - Q7
Sa pangungusap na, Ang France ay galing sa salitang Francia. Noong panahon ng Iron Age at Roman era, ito ay tinawag na Gaul. Anong salita ang pinalitan ng nakasalungguhit sa pangungusap?
Iron Age
Rhineland
France
Gaul
30s - Q8
Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa Anapora?
Mga Panghalip sa unahang tutukoy sa mga babanggiting Pangngalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.
Mga Panghalip sa hulihang tumutukoy sa mga nabanggit na Pangngalan sa unahan ng teksto o pangungusap.
Mga Panghalip sa unahang tumutukoy sa mga nabanggit na Pangngalan sa unahan ng teksto o pangungusap.
Mga Panghalip sa hulihang tutukoy sa mga babanggiting Pangngalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.
30s - Q9
“Siya ay isang mapanghalinang babae. Si Mathilde ay isinilang sa angkan ng mga manunulat.” Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
Katapora
Pangngalan
Anapora
Panghalip
30s - Q10
“Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay nagningning sa piging.” Anong kohesiyong gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
Anapora
Pangngalan
Panghalip
Katapora
30s - Q11
Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap? _________ isa sa mga magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
Ika’y
Kami’y
Siya’y
Ako’y
30s - Q12
Malimit na sa pagmamasid _____ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Marissa ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap?
sila
niya
nila
nito
30s - Q13
“Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tore at doon hinanapang dalaga.” Anong damdamin ang nanaig kay Quasimodo sa pahayag?
pag-iisip
pag-aalala
kagalakan
katusuhan
30s - Q14
“Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang paring nag-alaga sa kubang si Quasimodo.” Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
tauhang lapad
stereotypical
hindi stereotypical
tauhang bilog
30s - Q15
Dumating si LaEsmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig.Pinainom siya. Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag?
may malasakit sa kapwa
may kababaang loob
mag pagnanasa
may pagkagustp
30s