placeholder image to represent content

Magagalang na Pananalita

Quiz by Grace Robles

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1
    Alin ang magalang na salita sa sumusunod?
    Paalam nga!
    Hoy! Aalis na ako!
    Paalam! Diyan na kayo!
    Paalam po.
    45s
  • Q2
    Anong magalang na salita ang gagamitin kapag nais mong humingi ng paumanhin?
    Patawad nga!
    Pasensiya na po.
    Sori na, di ba!
    Pasensiya nga!
    45s
  • Q3
    Isang hapon, naabutan mo sa silid-aklatan ang iyong guro. Anong sasabihin mo sa kanya?
    Uuwi na kayo?
    Anong ginagawa ninyo rito?
    Nariyan ka pala.
    Magandang hapon po.
    45s
  • Q4
    Aling larawan ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa matatanda?
    Answer Image
    Answer Image
    Answer Image
    Answer Image
    45s
  • Q5
    Anong magalang na salita ang gagamitin kapag binigyan ka ng kaklase mo ng baon niyang tinapay?
    Salamat, hindi naman masarap.
    Maraming salamat sa iyo.
    Masarap ba iyan?
    Anong palaman nito?
    45s
  • Q6
    Alin ang nagpapakita ng paggalang?
    Nakahara ka kasi!
    Tumingin ka sa dinadaanan mo!
    Diyan ka na!
    Maaari po bang lumabas?
    45s
  • Q7
    Alin ang gumamit ng magalang na pananalita?
    "Pasensiya na po kung nahuli ako ng dating."
    "Umalis nga kayo sa daraanan ko!"
    "Bakit ka nagpunta dito?"
    "Ikaw ang may kasalanan, hindi ako!"
    45s
  • Q8
    Anong magalang na salita ang angkop na gamitin para sa larawan?
    Question Image
    "Aba! Napadalaw kayo, Lola!"
    "Isara ninyo ang pinto pagkapasok ninyo ha!"
    "Pumasok na kayo, ang init-init eh!"
    "Magandang araw po Lola. Tuloy po kayo."
    45s
  • Q9
    Hihiramin mo ang krayola ng ate mo. Anong sasabihin mo sa kanya?
    "Gagamitin ko ang krayola mo ha!"
    "Maaari ko bang mahiram ang krayola mo?"
    "Ate, akin ng ang krayola mo!"
    "Sa akin na lang ang krayola mo ha!"
    45s
  • Q10
    Dadaan ka sa may pintuan subalit nakita mong nag-uusap doon sina Nanay at ang kanyang kaibigan. Anong sasabihin mo sa kanila?
    Umalis kayo diyan!
    Dadaan nga ako!
    Tabi kayo!
    Makikiraan po.
    45s
  • Q11
    Nakita mong maraming dala-dala si Tatay. Anong sasabihin mo sa kanya?
    "Akin na nga ang mga iyan!"
    "Ako na ang magdadala niyan!"
    "Bakit kasi dinala ninyo lahat iyan?"
    "Tatay, maaari ko po ba kayong tulungan?"
    45s
  • Q12
    Anong sasabihin mo kapag may tumulong sa iyo?
    Magandang tanghali po.
    Patawad po.
    Salamat po.
    Walang anuman po.
    45s
  • Q13
    Anong sasabihin mo kapag may nagpasalamat sa iyo?
    Salamat po.
    Pasok po kayo.
    Walang anuman po.
    Maaari po bang lumabas?
    45s
  • Q14
    Isang Linggo, nasalubong mo sa simbahan ang kaibigan mong matagal mo ng hindi nakikita. Anong sasabihin mo sa kanya?
    "Kumusta ka na?"
    "Dito lang pala kita makikita!"
    "Sa wakas, nagkita rin tayo!"
    "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa kin?"
    45s
  • Q15
    Anong magalang na pananalita ang gagamitin sa pagbati sa gabi?
    Magandang gabi po.
    Sino po ito?
    Maraming salamat po.
    Aalis na po ako.
    45s

Teachers give this quiz to your class